webnovel

Chapter 23 First Kiss

((( Monina POV's )))

Ako na nga ang namanyak. Ninakawan ng first kiss… at letche lang ako pa ang magbabayad ng full tank. Pambihira naman. Bakit kasi di ko muna yun na swipe.

Sa harapan ako ni Manager.

Nakakaiyak. Pero di ko magawang umiyak. Naiinis ako!!!!

"Monina. Kailangan mong bayaran yun."

"Di niyo man lang ba nakuha plate number para ma i-pabalater ko sa pulis?"

Napailing sila.

At useless nga ang CCTV dito dahil nasira lang yung kahapon.

Naibayad ko nakanina yung pera ko sa bill namin. Andito na lang allowance namin sa boung buwan.

Kailangan ko nga mag-grocery!

Nguwa Monina.

Di nga ako naiiyak. Napatatameme lang ako.

Saka nga sa kakahalungkat ko sa bag. Nakuha ko yung card ni Kuya Gwapo. Naipakita ko.

Diba magkakilala si Kuya Gwapo at manyak na yun? Meaning matitrace ko ang lalaking yun!

Bigla na lang hinablot ni Manager yung card at napaswipe na nga.

Hala! Bakit niya sinwipe?! Di yun akin!

"Okey, tapos na ang issue mo. Okey lang yan Monina. Gwapo naman yung humalik sayo.Di ka naman niyan mabubuntis."

Ahhhhhhh! Nguwa Monina!

Próximo capítulo