webnovel

Chapter 19 His Nightmare

((( Monina POV's )))

Binayaran ko sa malapit na seven eleven yung Water at electric Bill. Pumunta na ng Gas station, at umagang-umaga, natural lang na maraming customer.

Di na nga ako pinansin ng kashift ko. Sorry na.

((( Secretary Lee POV's )))

Maaga akong pinatawag ni Master Cedrick. Iniwan ko nga ang mag-ina ko na mahimbing sa pagtulog.

Nagising ang akin ina na kasama nga namin sa bahay.

"Nawawalan ka na ng oras sa pamilya mo dahil sa trabaho."

"Sa single po ang boss ko."

"Hay naku, kung nilalayuan siya ni kupido. Edi ikaw mismo ang maging kupido upang makapaghanap yang Boss mo ng kakalibangan niya. Hindi yung ganito kaaga, kailangan ka na niya."

Ngumiti na lamang ako. Saka nga nagpaalam na ako sa kanya.

Pagdating ko sa bahay ni Master Cedrick. Halatang wala siyang tulog. Namumula ang mga mata niya.

Tahimik na hinihimas ang alagang lion. Hangang sa nilingon ako.

"Pupunta tayo sa pinangyarihan ng trahedya."

Saka niya ikinatayo.

Naghintay ako, at ng lumabas sout ang putting jacket nito

Di na naman siya makatulog dahil nga sa pangyayari. Ganito ba siya sa loob ng sampung taon?

Masyado namang nakakadepress ang buhay niya.

Libre lang naman Master Cedrick magpalaya ng nakaraan. Bakit hindi mo magawa? Tuloy nagmumukha ka nang alien sa mundong ito. Wala ka nang normal na buhay ng isang tao.

Di namin kasama si Rhio at sasakyan ko ang ginamit namin para nga pumunta sa simbahan kung saan nangyari ang bangungot niya.

Bangungot na itinali ni Master Cedrick ang sarili.

Nang marinig ko ang notification na mawawalan na ako ng gas. Nakaupo si Master Cedrick sa passenger seat na siyang ikinasanda ang ulo sa bintana. Nakapikit ito.

Kailangan ko bumalik ng ilang metro dahil may dinaanan nga kaming gas station kanina.

Di niya namalayan ang ginawa ko.

Próximo capítulo