webnovel

Chapter 20- The Leaving

LOPEZ MANSION...

Nakarating sila sa mansyon.

Huling tapak niya sa mansyon ng mga Lopez.

Sinundan niya ang tagapagmana.

"May sasabihin ako," aniyang umaasang makakapagpaalam kahit sa huling pagkakataon.

"Umuwi ka na," mariing tugon ni Ellah ng hindi lumilingon.

Kusang huminto ang kanyang mga paa.

Mabigat ang kanyang dibdib sa nangyari kaya hindi niya ito nagawang ihatid papasok sa loob.

Pinagmasdan ng binata ang babaeng papaalis, papaalis sa buhay niya.

Paalis na siya nang mapansin si don Jaime na nasa wheelchair nito kasama ang kanang kamay na si Alex.

"Don Jaime..."

"Nagpaalam ka na?"

Huminga siya ng malalim.

Hindi niya nagawa at ayaw niyang gawin.

Marami ng idinulot na sakit ang dalaga subalit ito ang pinakatumatak sa kanyang pagkatao.

Ipinamukha nito kung ano ang kanyang estado at kung saan ang lebel nito, kung gaano ito katayog at kung gaano kahirap abutin.

At kasalanan niya ang lahat dahil nangarap siya ng hindi naman nararapat.

Mapait siyang bumuntong-hininga ngunit mas mapait ang sasabihin niya.

"Tapos na ho."

"Anong sinabi mo?"

" Hindi na ho kami nagkakaintindihan ng inyong apo kaya tama lang ang pag-alis ko. "

"Then good!"

"Tungkol sa pabor na hiningi niyo malapit ng matapos 'yon."

Natigilan ang don.

Nakalimutan yata nito ang tungkol sa hininging pabor.

"Huwag na," tugon ng don na tila biglang nahiya.

"Don Jaime, maraming kayong mauutusan na iba, pero tandaan niyong walang ibang makakagawa gaya ng ginawa ko."

Tinitigan siya ng don, sa pagkakataong ito nilabanan niya ang mga tingin nitong panghuhusga.

"Kung 'yan ang desisyon mo, hindi kita pipigilan."

Inilahad ng don ang kamay kay Alex at may inilagay ang kanang-kamay nito sa palad ng matanda.

"Kabuuan ng sahod mo. Maraming salamat sa serbisyo mo." Ibinigay ng don ang sobre kay Gian.

Tumango ang binata at tinanggap.

"Maraming salamat ho."

Tinapik-tapik ng don ang kanyang balikat.

"Mag-iingat ka."

Tumayo siya at yumuko bago nagpaalam.

Naglalakad siya palabas ng mansyon, nasasalubong niya ang mga katulong.

"Sir Gian, mag-iingat ho kayo. "

"Sir Gian, maraming salamat ho sa lahat. "

Tumango-tango lang ang binata habang tipid na ngumingiti.

Ito ang huling hakbang niya sa mansyon.

Nasa labas na siya nang sulyapan ang kwarto ng dalaga.

'Paalam, Ms. Ellah.'

Kanina pa pabiling-biling sa higaan si Ellah subalit hindi makatulog. Tiningnan niya ang cellphone niya sa ibabaw ng mesa.

"Tawagan ko kaya?" wika ng dalaga sa sarili.

"Pero baka natutulog na" aniya at inilagay uli ang cellphone sa mesa.

Muli niyang kinuha ang cellphone, hinanap ang pangalan nito sa kontak.

"Nasaan na ba 'yong Bodyguard dito" panay ang hanap niya at nang makita ay natigilan ang dalaga.

Tinitigan niya ang larawan nitong nasa contact niya.

Kinuhanan niya 'yon noong nakasandig sa kotse habang naka sunglasses ng itim.

Wala sa sariling hinaplos niya ang mukha nito.

Nakukunsensiya siya sa kanyang ginawang pagtalikod sa gwardya kanina kaya bukas pinapangako niyang kahit paano babawi siya.

Tiningnan niya ang orasan.

"Alas dos? Still hindi pa rin ako natutulog?"

Muli siyang nahiga. Ipinikit niya ang mga mata ngunit hindi pa rin makatulog.

"Patulugin mo naman ako Gian oh, promise bukas kakausapin na kita, okay?"

Napabuntong-hininga ang dalaga. Nahiga siya at tinitigan ang mukha ng binata.

Hanggang sa ipinikit niya ang mga mata.

'Grabe! Hindi na ako makatulog ngayon dahil lang sa lalaki?'

Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kanya!

Ikaw pa ba 'yan Ellah?

Sa loob ng dalawamput walo niyang pananatili sa mundo ngayon lang siya nagkaganito!

---

AMELIA HOMES...

Wala sa loob na nakauwi si Gian.

Tila nanghihina siyang umupo sa sofa, ipinikit ang mga mata habang nakasandal sa head rest.

Napakislot siya nang tumunog ang cellphone tanda na may tumatawag ni hindi siya nag-abalang tingnan kung sino 'yon.

Muling may tumawag. Sinulyapan niya at nakitang si Vince.

Hindi niya sinagot.

Wala siyang sasabihin, sa sama ng kanyang loob, hindi tatalab ang mga biro nito at kahit ano pa ang sasabihin ng kaibigan hindi pa rin niya maiintindihan.

Maya-maya lang ang kanilang head na ang tumatawag, ngunit hindi pa rin niya pinansin. Kahit gaano pa ka importante ang sasabihin ng mga ito, hindi na 'yon mahalaga sa kanya.

Bigla siyang nawalan ng gana.

Parang siyang computer na biglang nag shutdown.

At mahirap siyang i-repair, walang ibang technician na makakaayos sa kanya kundi si Ellah!

Isasara niya ang sarili sa lahat.

Sinubukan niyang matulog, ngunit muling nagbalik ang lahat ng ala-ala nila ng dalaga.

Ngayon pala ala-ala na lang ang lahat?

Hanggang ala-ala na lang na unti-unting makakalimutan.

Ngunit hanggang dito na lang ba?

Ganoon na lang?

Ni hindi siya nakapagpaalam ng pormal sa pinoprotektahan?

Pumayag siyang basta na lang alisin ng mga Lopez sa buhay ng mga ito gayong halos itaya niya buhay niya?

Mariing napailing ang binata.

Bukas na bukas din babalik siya!

Hindi na lang niya muna ipapaalam sa mga Lopez upang masorpresa!

---

LOPEZ MANSION...

Kinabukasan maaga pa lang nasa labas na ng hallway si Ellah at naghihintay sa kanyang driver-bodyguard.

Napag-isip-isip niyang makikipag-usap pa rin dito kahit na nag-iiwasan sila.

Hindi na nga sila nagdidikit hindi pa ba mag-uusap?

Napaka immature naman ng gano'n.

Lumabas si don Jaime.

"Hija, medyo mali-late ang bodyguard mo ngayon kaya pasensiya ka na. "

"Okay lang ho lolo, bakit daw ho?"

"Ha? Iba na kasi ang bodyguard mo. Teka nga hindi ba nag-usap na kayo ni Gian na mag re-resign na siya? Nag resign siya kagabi. "

Napatanga si Ellah. Na blangko ang utak niya.

Nag resign kagabi?

"Ellah hija, tinatanong kita, nag-usap ba kayo ng bodyguard mo tungkol sa pag-alis niya?"

"Ah, opo lolo, napag-usapan na ho namin, hindi ko lang ho alam na kagabi pala siya nag resign."

"Mabuti."

Umiling ang dalaga.

"Hayaan na ho natin lolo, hindi na ho siya masaya."

Napatango-tango ang matanda.

Maya-maya lang may dumating.

"Nandiyan na sila hija."

Nakita niya ang tatlong lalaki.

Malalaki ang mga ito at mukhang matatapang.

Napapailing siya.

"Good morning sir, madam!" sabay na bati ng tatlo at yumuko.

"Good morning, boys, ang unica hija ko si Ms. Ellah."

"Kumusta kayo Ms. Ellah?" sabay na namang tanong ng mga ito habang lahat nakatingin sa kanya.

Pinigilan niyang matawa. Parang mga robot ang mga ito.

"I'm fine."

"Boys, magpakilala kayo sa amo niyo."

"Ms. Ellah ako po si Bert, siya si Manuel, at si Dan."

"Ikinagagalak ho namin kayong makilala Ms. Ellah," sabay na namang wika ng mga ito.

Parang nag memorize ang tatlo sa sasabihin sa kanya.

"Bweno, boys, alagaan niyo at ingatan ang apo ko, ipagkakatiwala ko ang nag-iisa kong unica hija sa mga kamay niyo. Umaasa akong palagi siyang ligtas, naiintindihan niyo ba?"

"Opo don Jaime!" sabay na sagot ng tatlo habang nakaharap sa kanyang lolo.

"O, sige na, umalis na kayo."

"Thanks lolo," aniya at hinalikan ito sa pisngi.

Pinagbuksan siya ng pinto pumasok siya at ang isa ay nagmaneho ang dalawa ay sa likuran nakaupo.

Tahimik sila habang nagbabayahe.

Tumingin siya sa labas ng bintana at muling naisip ang binata.

Ipinilig niya ang ulo, ang lahat ay tapos na at dapat ng kalimutan.

Pagdating nila binuksan ng nasa likuran ang pinto at bumaba siya.

Nakasunod ang tatlo sa kanya habang siya ay papasok.

Nakatingin ang lahat na mga tauhan sa kanila.

"Good morning Ms. Ellah."

"Ms. Ellah, good morning."

Huminto siya at hinarap ang mga empleyado.

"Good morning, ladies and gentlemen, my new bodyguards."

"Good morning sa inyong lahat," sabay na bati ng mga ito.

"Good morning din sa inyo," sagot ng karamihan.

Habang naglalakad siya ay naririnig niya ang usapan sa paligid.

"Nasaan na pala si Gian?"

"Oo nga, sayang ang gwapo pa naman niya."

"Biglaan naman yata 'di ba?"

"Tama ka. "

Huminto siya, kaya ang usapan ay nahinto rin.

"Listen, everyone! Gian Villareal resigned last night. So stop talking about him!"

Tumahimik ang lahat at muli siyang naglakad papasok sa elevator.

Nakarating sila sa opisina.

"Good morning Ms. E...llah"

Napatingin sa kanyang likuran ang sekretarya.

"Jen, mga bago kong bodyguard. "

"Gano'n po ba? Hello sa inyo. "

"Hello din sa inyo" sabay na wika ng tatlo.

Napangiti si Jen.

Nilingon niya ang tatlong lalaki.

"Boys, sa ibaba lang kayo okay?"

"Opo Ms. Ellah, " sabay na sagot ng mga ito.

Sinundan siya ng sekretarya habang papasok.

"Ms. hindi naman ho sa nangingialam ako, pero nasaan si sir Gian?"

"Nag resign kagabi, " wika niya at umupo na.

"Ha? Pero biglaan naman yata?"

"Gusto niya eh, alangan namang pigilan ko. "

"Sayang po Ms. akala ko pa naman, magtatagal siya. "

Tiningnan niya ang sekretarya.

"Jen, wala na siya kaya huwag na nating pag-usapan ang taong nang-iwan."

"O-opo Ms. pasensiya na po."

"It's okay, magtrabaho na tayo."

"Opo." Lumabas ang sekretarya.

Napabuntong-hininga ang dalaga.

Tiningnan niya ang inupuan ng dating gwardya. Malinaw niyang nakikita na nakatanaw ito sa kanya habang nakangiti.

Lumingon siya sa kinatatayuan nito noon.

Malinaw pa sa kanyang isipan na nakatanaw ito sa malayo habang naka pamulsa.

Tumayo ang dalaga.

"Ah, come on Ellah, hindi ikaw 'yan!"

Kahit saang angulo ng kanyang opisina ito ang nakikita at naaalala niya.

Ni hindi pa siya nakahawak kahit isang dokumento.

Buong araw na lang ba siyang mag-alala ng nakaraan na?

Umupo siya at binuklat ang dokumento. Subalit tila umalingawngaw sa kanyang pandinig ang sinabi ng dating gwardya noon.

"Baka may maitutulong ako sabihin mo lang."

"Ahhhhh! Bullshit!" sigaw na niya.

Napasugod ang sekretarya.

"Ms. anong nangyari?"

Naiiling na iwinasiwas niya ang isang kamay at umayos ng tayo kinalma niya ang sarili.

Nakakahiya ang kanyang ginawa.

"Wala naman, 'wag mo na lang akong intindihin Jen, go back to work."

"Okay po." Isinara nito ang pinto.

Nanghihina siyang napaupo.

'Bakit ganito katindi ang epekto sa akin ng lalaking 'yon?

Kung tutuusin wala naman kaming relasyon!'

Pero ang nangyayari sa kanya tila daig ang hiniwalayan ng asawa!

---

PHOENIX AGENCY...

Biglang napatayo si Vince nang makita nito sa loob ng opisina ang kaibigan kinabukasan.

Kagabi pa nito tinatawagan subalit hindi man lang nagparamdam pagkatapos magpaalam na umalis na sa mga Lopez.

"Gian pare, plano talaga kitang dalawin sa bahay mo buti nagpakita ka, totoo bang umalis ka na sa mga Lopez?"

"Nag resign na ako pare. "

"Ano! Paano na ang love story niyo?"

"Gago! Anong love story. "

"Anong sinabi niya no'ng mag resign ka na? Hindi ka man lang ba pinigilan?"

"Wala siyang alam, kay don Jaime ako nagpaalam. "

"Ano! Gian naman! Pare binigla mo naman 'yong babae, baka bigla na lang susulpot dito 'yon!"

Napailing si Gian.

Halata ang pag-aalala sa anyo ng kaibigan ngunit wala naman na siyang magagawa pa.

"Hindi niya 'yon gagawin pare, alam naman niyang ito pa rin ang kababagsakan ko. "

"So wala na? Gano'n na lang 'yon?

Walang hiya ka, may pa lasing-lasing ka pa dati, 'yon pala ikaw ang mang-iiwan. "

"Hayaan na natin pare, gano'n talaga. "

"Paano 'yan? Tatanggap ka ba ng bagong trabaho?"

"Huwag muna, balak kong mag leave kahit isang linggo lang. "

"Wow! At saan ka pupunta? Mali, ano ang gagawin mo? Magmukmok at magpapakalunod sa alak hanggang sa makalimutan mo siya?"

Napatingin siya dito.

"Gano'n ba ang ginawa mo dati sa ex mo?"

"Hindi ah!" depensa ni Vince.

"Talaga?"

"O-oo nga. " Hindi ito makatingin sa kanya.

"Okay, pero hindi ko 'yan gagawin huwag kang mag-alala. "

"Siguraduhin mo lang!"

Natawa siya.

"O paano, iiwan muna kita, pupuntahan ko pa ang head natin."

"Sige, pare, ingat ka ha. "

"Oo na!" aniya at lumabas.

Habang naglalakad patungo sa opisina ng head nila.

Binati siya ng nakasalubong na kasamahan.

"Sir Gian, welcome back po. "

"Salamat. "

Papasok siya ng opisina ng hepe nang hablutin siya ng isang babae.

"Sir Gian, tapos na ba ang trabaho mo?"

"Oo, tapos na."

Bigla siya nitong niyakap. "I miss you."

Kumalas siya. "Hailey, tumigil ka." Iniwan niya ito at dumeretso sa opisina saka kumatok.

"Come in," tugon ng boses mula sa loob.

"Good morning sir. "

Iniangat ng matandang lalake ang tingin.

"Villareal, sinabi sa akin ni don Jaime nag resign ka na raw?"

Ito agad ang bungad ng hepe.

"Opo sir"

"Mabuti na rin siguro para sa bagong misyon-"

"Sir, hihingi ho sana ako ng leave kahit isang linggo lang, " putol niya sa sasabihin nito.

"Leave?" nagtatakang tanong ng hepe.

"Opo sir. "

"Uuwi ka na ba?"

Próximo capítulo