webnovel

Twenty-two

Chapter 22

Kinabukasan ay pinuntahan ko si Oppa. "Where's Mom?" Inilagay ko ang aking bag sa couch ni kuya. It's saturday and I heard na contact ni Oppa si Mom.

Lumabas si Oppa galing sa cr and he's brushing his teeth. "Oh, grocery." Mabulol pa itong sabi dahil may toothbrush pa ito sa kaniyang bibig.

I'm excited. Mom's here but hindi ko mapigilang mag-alala dahil bakit pa siya pumunta dito? Malala siguro ang away talaga.

Habang nag lalaro ako ng xbox na dala ni Oppa ay may umingay sa pintuan. I smiled and excitedly got up.

"Moooom!" I screamed kaya nabitawan nito ang kaniyang dala at tinignan ako na nanlalaki ang mata.

"Darling!"

Lumapit ito saakin at yinakap ako nang mahigpit. Lumabas si Oppa sa kwarto at nakanguso ito. "Hoooy!" Tumakbo ito papunta saamin at sinabing "Group hug"

Napatawa kaming tatlo sa kakulitan namin. Ganito kami lagi basta magkasama.

"Mom, what happened?" Nasa sala kaming tatlo at tinatanong namin so Mok about kay Dad.

Yumuko ito at unti unting tumulo ang luha. "During his trip to Europe. Naiwan niya ang phone niya. Kaya sinundan ko siya doon sa Europe, since nag iwan siya ng ticket." Tumingin ito saamin. I was amazed how she said tagalog words without the Korean accent. Hindi talaga halata kay Mom na pinay siya.

"Then habang nasa hotel na ako, nakita ko siya sa lounge. Sinundan ko siya but may kausap siyang babae. And he hugged her." Nakita kong kinuyom ni Mom kamay niya kaya nagkatinginan kami ni Oppa.

Tumingin si Mom sa itaas at pinipigilan ang pagtulo nang luha. "I'm too afraid. Baka mag jump into conclusion lang ako. Nag stay ako sa kwarto and I was curios sa phone niya. I don't usually open his phone-- privacy iyon."

"But when I opened his phone." Kinagat niya ang kaniyang ibabang parte ng labi. "I saw some messages Santiago and Perez."

Kumunot ang noo ko. "Nakita mo ang laman ng message doon?"

Umiwas ito nang tingin. "Hindi." Kumawala ito ng hangin. "Dahil pumasok na siya sa kwarto namin."

Nagkatinginan kami ni Oppa. Tumayo ito. "Right. I'm calling Dad."

Tumayo din si Mom at hinawakan nito ang braso ni Oppa. "Please don't." Pagpigil nito.

Umiling ako kay Mom. "Need niyo mag-usap ni Dad."

Then I heard my phone rang kaya kinuha ko agad ito sa aking bag. Napangiti ako. It's Jeydon.

"Hello?"

"Bae! Where are you? Where are you? Where are you?" Paulit ulit nitong tanong kaya 'di ko maiwasang tumawa. Napatingin sina Mom at Oppa saakin. I saw Oppa smirked kaya tumalikod ako.

"Tiana darling, sino yan?" Tanong ni Mom saakin pero nag shush si Oppa.

Lumabas ako sa room ni Oppa at tumambay sa hallway. Ang dami talagang room dito.

"Oh? Nasa hotel. Kasama ko Mom ko at si Oppa." Sagot ko kay Jeydon at 'di ko mapigilang mapangiti uli.

"Ay." Para itong na dissapoint. "Sige. Huwag nalang bukas nalang tayo mag date." I can feel na ngumuso ito at nagpapacute.

Kinagat ko ang aking ibabang labi. "Kita tayo sa Moa?"

"Yes! Text kita maya bae." Excited nitong sabi.

"Bye." Ibaba ko na sana ang phone ko pero tinawag niya uli ako.

"Hmm?" I'm waiting for his answer.

"Bae?"

"Yes?" May sasabihin pa kaya ito?

"Bae." Ulit niya sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko.

"Bae?" I asked. Ano ba kailangan nito??

"Yun! Finally. Narinig ko din sa wakas. Goodbye bae. I love you. See you." Namula ako bigla. Mabuti nalang at wala siya dito sa tabi ko. Pulang pula na ang aking mukha.

"I love you too." Para akong kinuryente sa kilig. Damn this. Iba ang effect ko sakaniya.

Pumasok ako sa room at nakita ko silang dalawa na nakangiti. "What?" Kumunot ang noo ko.

"Ikaw ha. Hindi mo sinasabi saakin." Lumapit si Mom at siniko ng pabiro ang tagiliran ko.

Napailing ako at kinuha ni Mom ang aking bag. "Mom naman."

Sumeryoso bigla ang mukha nito. "Malapit ka nang babalik sa Korea. Okay lang sakaniya na magiging LDR kayo?"

Umiba ang timpla ng mukha ko. To think of it, hindi ko pa ito naiisip. I'm to occupied for my happiness.

"Next time Mom." Hinalikan ko ang pisngi ni Mom at ni Oppa. "Aalis muna ako."

Tumalikod ako sakanila at lumabas. Hindi ko iyon naisip. Naisip ko nga pero nakakalimutan ko agad. Ayoko pa matapos ang kasayahan na ito.

I grabbed a taxi at pumunta doon. I texted him na nasa labas ng bookstore ako nakatayo.

While waiting for him. Napapaisip ako. Sasabihan ko kaya siya? Ano kaya magiging reaksyon niya?

Napangiti ako bigla dahil umilaw ang Star. He's here. Napalingon ako sa gilid at nakita ko na siya. Kumaway ito saakin nung nakita ako.

Why so handsome? Naka v-neck tshirt lang ito at pants. He has a very long arms at legs. Nasa loob ang kamay niya sa kaniyang bulsa while waving at me and walking towards me. Para siyang nag momodelo, with his white skin. God, am I praising him? Napailing ako.

"Jeydon!" Bati ko sakaniya.

Ngumuso ito. "Bae." He corrected.

Napangiti ako at tumawa. "Bae." Ngumiti din ito at inakbayan ako. Napailing ako sa pagka-isip bata niya.

"Should we watch movies?" Aya ko sakaniya. Para siyang bata na tumango at excited na excited siya.

Habang papunta kami sa Movie world ay ako na ang pumili nang papanuorin namin habang si Jeydon na ang bumili ng makakain namin.

Linapitan ko siya. "Gusto mo cartoons?" I laughed mockingly. Pero nagulat ako dahil umuo ito bigla.

"Really?" Gulat kong sambit. I though aayaw siya.

"Gusto ng mahal ko. Kaya gusto ko rin." Ngumiti ito at bumili ng ticket na 'how to train the dragon's 3'.

Pumasok kami sa loob at konti nalang ang mga tao sa loob. Siguro ay matagal na itong naisalang. I'm really fonds of cartoons at hindi ko din naiisip na okay lang kay Jeydon. Usually my classmates and Yerin doesn't like cartoon. Para lang daw silang bumalik sa bata. But me? I still like it. It brings back my child self at sa totoo lang nagagandahan ako sa meaning ng cartoon movies.

Habang nanunuod kami ay mamamangha ako. I watched the Part 1 and 2. And right now? I'm amazed. Napatingin ako kay Jeydon na seryosong nanunuod habang kumukuha ng popcorn. I chuckled. Ang cute ng reaction niya.

We both cried at the ending. It's cute but a little bit sad.

"Jey--" Napailing ako nang matandaan ang call sign namin. "Bae."

Tumingin ito saakin at timing na biglang umilaw na ang paligid dahil tapos na. Nagsitayuan na din ang ibang tao sa loob at may ibang pumasok.

"Yes bae?"

Sumeryoso ang mukha ko. "Malapit na akong babalik sa Korea. Uhm--"

May sasabihin pa sana ako kaso pinutol na niya nung tumayo ito. "Next time na natin pagusapan iyan." Lumingon ito saakin at ngumiti. "For now let's enjoy."

I felt weird. Bakit ayaw niya pag-usapan iyon? Ayaw niya ba? Ayaw niya bang umalis ako?

----

Próximo capítulo