webnovel

Chapter 51

Matapos ang higit tatlong oras ay nakarating na sila sa Batanes. Dumiretso sila sa Fundacion Pacita kung saan sila mag-stay habang nasa lugar.

"Wow!" Sabi ni Dani ng makita ang ganda ng buong Batanes mula sa kinalalagyan. Niyakap naman siya ni Axel mula sa likod. "Ang ganda dito! Tama si Dion, para ka na ding nasa ibang bansa." Sabi ni Dani. Natawa si Axel dahil mula sa pagkakayap niya sa dalaga kung saan ang kamay niya ay nakatapat sa tiyan nito ay naramdaman niya ang pagkulo ng tiyan nito dahil sa gutom.

"Hungry again?" Nakatawang sabi ni Axel. Tumaas ang kilay ni Dani. "Excuse me Mr. Monteclaro! Palagay mo ba nakakain ako ng matino kanina sa eroplano?" Tanong ni Dani na namumula. Ngumisi si Axel. "Ang sarap kasing papakin ng mga labi mo. Nakakaadik!" Sabi ni Axel at muli na naman siyang hahalikan ngunit nakatakbo ang dalaga palabas ng kwarto. Natatawang sumunod ang binata.

Kasabay kumain ng dalawa sila Dalton dahil hindi pumayag si Dani. Pinilit talaga ng dalaga ang tatlong bodyguards na sumabay sa kanila. Dahil malayo sa kabihasnan ang lugar, halos walang nakakakilala kay Axel at Dani at dahil doon ay naging para silang normal na tao na walang humahabol sa kanila para magpapicture o autograph.

Para mapadali ang pamamasyal nila ay kumuha si Axel ng tourist guide ng isang katutubo mula sa lugar. "Magandang araw po. Ako po si Leo. Ipapasyal ko po kayo sa pinakamagagandang lugar dito sa amin." Sabi ni Leo. "Salamat, Leo." Sabi ni Dani na nakangiti. Namula naman si Leo na halatang humanga sa dalaga. Bago sila umalis ng hotel ay pinagbihis ni Axel ang tatlong bodyguards ng normal na damit. Pinagtitinginan kasi sila ng mga tao na akala mo nakakita ng mga Men in Black na palabas sa TV.

Unang destinasyon, ang isa sa pinakamagandang beach sa Batanes, ang Nakabuang Beach. Natampisaw si Dani na akala mo bata sa dagat. Namulot ng mga iba't ibang hugis shell. Nakipaghabulan sa tubig. Si Axel ay aliw na aliw naman sa panonood kay Dani. Biglang tumunog ang phone ni Axel.

"Pare, napatawag ka." Sabi ni Axel sa tumawag na si Zack. "Pare, may nangyari kay Britney." Sabi ni Zack. Kinabahang bigla si Axel at tiningnan agad ang dalaga. "Nakatakas ba siya?" Nag-aalalang tanong ni Axel. "Hindi pare, nagpakamatay siya. Nakita na lang siya sa kanyang kwarto na wala ng buhay." Sabi ni Zack. Nanahimik si Axel. Bumuntong hininga saka nagsalita. "Sige, pare, pagbalik namin mula dito ay pupunta kami sa kanyang burol." Sabi i Axel ay tinapos na ang tawag. Hindi muna sasabihin ni Axel ang nangyari dahil tiyak niya ay mag-iiba ang mood ni Dani kapag nalaman ang balita.

Pagkatapos sa dagat ay pinasok naman nila ang Nakabuang Cave. Pinuntahan din nila ang Homoron Blue Lagoon. Dinala sila ni Leo sa Honesty Coffee Shop kung saan nag iwan si Axel ng sobrang pera dahil natuwa siya sa tindahan dahil tinuturuan nito ang mga bumibili ng maging responsable. Sinubukan din nilang magsuot ng vakul at talugong kung saan tuwang-tuwa ang dalawa ng subukan isuot ito ng tatlong bodyguards.

Nakaramdam na ng pagod si Dani kaya nagdesisyon si Axel na bukas na lang ituloy ang pamamasyal. Bumalik na sila sa hotel para makapagpahinga. "Salamat Leo, bukas ulit ha?" Sabi ni Dani. "Opo!" Masayang sagot ni Leo. Umakyat sila sa kwarto para makapaglinis ng katawan at makapahinga bago maghapunan.

"Sino yung tumawag sa iyo kanina?" Tanong ni Dani habang nakahiga na sila sa kama. "Ah, si Zack." Sagot ni Axel. "Bakit, may problema ba?" Tanong ni Dani. "Wala naman, nangangamusta lang." Sagot ni Axel. Sumiksik na si Dani sa katawan ni Axel. Natawa ang binata dahil parang pusa ang dalaga.

"Bakit ba gustong-gusto mo katawan ko ha?" Tanong ni Axel. "Wala, gusto ko lang ng amoy mo. Nakakatulog kasi agad ako pagnaamoy na kita." Sabi ni Dani. "Ginawa mo pa talaga akong sleeping pills ha?" Sabi ni Axel. "Alam mo bang pinahihirapan mo ako noon pa kapag natutulog tayo na magkatabi?" Sabi ni Axel. Namula naman ang dalaga.

"Nga pala, di ba umamin na sa iyo si Blaze?"

Tumango ang dalaga. "Eh di, alam mo na?" Tanong ni Axel. "Ang alin?" Patay malisyang tanong ni Dani. "Yung deal natin." Patuloy ni Axel. "Meron ba?" Sabi ni Dani. "Aba naman!" Sabi ni Axel. Tumawa si Dani. "Pwede bang pass muna?" Tanong ni Dani. "Walang pass pass, basta mamaya, akin ka!" Nakangising sabi ni Axel. Napalunok naman ng laway si Dani. "Wala na kong lusot nito." Sabi ni Dani sa sarili. Maya-maya ay parehas na silang nakatulog.

Paggising ni Dani ay wala na sa tabi niya si Axel. Pagtayo niya ay kumunot ang noo niya ng may makitang malaking box at may nakalagay na sulat. "Wear this because you're mine tonight." Sabi ng sulat ng mula kay Axel. Nang buksan niya ang box ay ngumiti si Dani. Isang puting damit na may kasamang puting sandals. Excited niyang isinuot ito at pagtapos ay tiningnan ang sarili sa salamin. Naglagay ng light make up at pagkatapos ay lumabas na.

Naghihintay na sa labas si Dalton at ng makita si Dani ay natulala. "Ang ganda ninyo Ma'am Dani. Para kayo ang diyosa ng kagandahan". Sabi ni Dalton. Natawa naman si Dani. Hinatid siya ni Dalton sa beachfront na malapit sa hotel. Nakita niya si Axel na nakatayon sa gilid ng isang mesa. Ngumiti siya ng makitang parehas silang nakaputi. Hindi naman agad nakapagsalita si Axel na makita si Dani. Bumalik lang siya sa kanyang sarili ng tapikin siya ng nakangiting si Dalton.

Hinila ni Axel ang upuan para makaupo si Dani. Nang magbigay siya ng signal ay tumugtog na ang isang sweet na music. "Kahit araw-araw na kitang kasama ay hindi ka pa din nakakasawang pagmasdam." Sabi ni Axel na ikinapula ng dalaga. "Anong meron?" Tanong ni Axel. "This is our deal." Sabi ni Axel. Nakahinga naman ng maluwag si Dani at parang nabunutan siya ng tinik. Nakita naman ni Axel at reaksyon ni Dani at ngumisi siya.

"Iba na naman ang iniisip mo no? Pero kung gusto mo pwede din naman natin gawin yung ini-expect mo after this." Panunukso ni Axel. "Heh! Puro ka talaga kalokohan." Sabi ni Dani at tumawa ng malakas si Axel.

Maya-maya ay nilagay na ang mga pagkain nila sa mesa at sabay silang kumain habang tumutugtog ang music.

Próximo capítulo