webnovel

Chapter 49

Maaga pa lang ay nakasimangot na si Axel. Hindi pa man siya nakaka-good morning kiss kay Dani ay kumatok na ang nurse kasunod si Blaze. Ibinalita ng binata na nahuli na si Britney at ngayon ay kasalukuyang nakakulong at iniimbestigahan ni Zack.

Alam na ni Axel ang nangyari dahil tumawag agad si Dalton at Zack sa kanya. Hindi na niya ginising si Dani upang hindi na maudlot ang tulog nito. Kaya ngayon naiinis siya kay Blaze dahil ito pa ang nagsabi kay Dani.

"Gusto sana kitang makausap in private." Sabi ni Blaze na kinataas ng kilay ni Axel. Magsasalita sana siya para kumontra pero tiningnan na siya ni Dani at ngumiti na pakiramdam ni Axel ay ginagayuma siya ng dalaga.

"Mahal, labas ka muna. Mag-uusap lang kami ni Blaze." Sabi ni Dani. "Ok!" Sagot ni Axel na lumabas na kala mo asong sumunod sa amo niya. Paglabas ni Axel ay kumunot ang ulo niya. "Teka nga, anong nangyari?" Tanong niya sa sarili niya. Bago pa man niya mapihit ang door knob para pumasok ulit ay tumunog ang phone niya.

"Pare, anong balita?" Tanong niya kay Zack na nasa kabilang linya. "Pare, hindi ko alam kung magandang balita ang maririnig mo." Sabi ni Zack. "Bakit, pare, may nangyari ba?" Tanong ni Axel. "Pare, hindi namin maikulong si Britney. Sabi ng Psychiatrist ay kailangan ipa-admit si Britney sa isang mental facility. Nagwawala siya at tinangka pa niyang magpakamatay. Sabi ng mga magulang niya, dati ng may suicidal tendency ang kanilang anak. Akala nila ay ok na pero mas malala ang nangyayari ngayon." Sabi ni Axel. Bumuntong hininga si Axel. "Sige, pare, ikaw na ang bahala kung ano ang dapat gawin." Sabi ni Axel. "Oo, pare, huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin ko na hindi siya makakatakas." Sabi ni Zack. "Salamat, pare." Sabi ni Axel at tinapos na ang tawag.

"Salamat nga pala kahapon, sabi ni Axel ay ikaw ang nakakita sa akin sa basement." Panimula ni Dani ng pareho silang tahimik sa loob ng kwarto. "Walang anuman." Sagot ni Blaze. "May sasabihin ka ba?" Tanong ni Dani. Huminga ng malalim si Blaze at tumingin ng deretso at seryoso kay Dani.

"Noon, sinubukan kong mapalapit sa iyo pero umpisa pa lang ay nabigo na ako. I tried to forget you but I failed. Nung nagkita tayo sa Davao, nagkaroon muli ako ng pag-asa. Even you announced publicly ang relationship ninyo ni Axel, I knew it was an act. Ilang beses kong sinubukan na magtapat sa iyo about my true feelings but hindi ako nabigyan ng pagkakataon. And now, I guess, huli na ako." Sabi ni Blaze. Nung una ay umaasa pa siya pero kanina nung tawagin ni Dani si Axel na mahal at ang titig nila sa isa't isa na puno ng pagmamahalan, na-confirm niya na wala ng pag-asa.

Naramdaman ni Dani ang lungkot sa boses ni Blaze. "I'm sorry. I'll be honest, noong una ay wala akong feelings for Axel but as we knew each other, my heart suddenly felt that I want to spent the rest of my life with him." Sabi ni Dani. "It's ok. I guess, hindi talaga tinadhana na maging tayo but I'm happy to know you." Sabi ni Blaze at pilit na ngumiti. "Makakatagpo ka din na isang babae na mamahalin ka. Yung tinadhana para sa iyo." Sabi ni Dani. "Sana." Maikling sagot ni Blaze.

"Di pa kaya sila tapos mag-usap?" Naiinip na tanong ni Axel sa sarili. "Bibilang ako ng sampu, pag hindi pa siya lumabas, ako na talaga ang papasok." Patuloy niya. "Isa, dalawa, tatlo..." Bilang ni Axel pero hindi na niya natuloy dahil lumabas na si Blaze.

Nagtaka si Axel sa aura ni Blaze. Pagkasarado ng pinto ay bumuntong hininga ito. Kumunot ang ulo ni Axel. Nang makita siya ng binata at naging seryoso ang mukha nito at lumapit sa kanya.

"Maswerte ka pare dahil ikaw ang minahal ng isang Daniella Monteverde pero huwag na huwag kong mababalitaan na pinaiyak mo siya dahil gagawin ko ang lahat para makuha lang siya sa iyo." Sabi ni Blaze sabay talikod kay Axel. Natulala naman si Axel pero ng mahimasmasan ay nagsalita. "Hinding-hindi ko paiiyakin si Dani. At hinding-hindi ako papayag na maagaw mo siya sa akin." Sabi ni Axel. Isang ngiti lang ang sumilay sa gwapong mukha ni Blaze bago tuluyang nagsara ang pinto ng elevator.

Pumasok na si Axel sa kwarto. Katulad kanina, nakangiti na naman ang dalaga na parang inaalipin ang buong pagkatao ni Axel. Pinilig naman ng binata ang ulo pero ng tingnan niya muli si Dani ay ganoon na naman ang ngiti nito. Tinatawag siya ni Dani at pinapalapit siya nito. Lumapit naman si Axel na kulang na lang ay kumawag ang buntot kung meron man siya at dilaan ang amo.

"Yes, mahal?" Sabi ng binata. Natawa naman si Dani. "Alam mo ba kung ano ang sinabi sa akin ni Blaze?" Sabi ni Dani. Bigla naman nabago ang mukha ni Axel. "Ayokong madinig." Sabi ni Axel at tumalikod sa dalaga. Niyakap naman ni Dani ang binata mula sa likod. Nangingiti naman si Axel. "Ayaw mo talaga?" Tanong ni Dani at umiling ng sunod-sunod si Axel. "Ok. Eh di wala na yung deal natin?" Tanong ni Dani na ikinatigas ng katawan ni Axel.

Inalis ni Dani ang kanyang mga kamay sa bewang ni Axel. Lumuhod siya sa kama at inilagay ang mga kamay sa balikat ni Axel na nakayakap sa binata. Ramdam ni Axel na hinahalikan ni Dani ang kanyang leeg at nagdudulot ito ng masarap ng kuryente sa buong katawan niya.

"Miss Daniella Monteverde, alam mo bang nag-uumpisa ka ng apoy sa ginagawa mong iyan?" Tanong ni Axel pero hindi kumibo ang dalaga. Matapos halikan ang leeg ni Axel ay pumunta naman ito sa tainga niya at kinagat ito pero hindi naman madiin. Humarap ang binata sa dalaga. "Tama na ang kalokohan mo Daniella. Ospital to!" Sabi ni Axel na halatang naapektuhan na sa pagtukso ni Dani.

Tumawa ng malakas si Dani. Tumigil lang ito ng makitang seryoso ang binata sa harap niya. "I love you." Sabi ni Dani at niyakap ang binata. Natunaw naman ang inis na nararamdaman ni Axel at niyakap din ang dalaga. "I love you, and I'll always will." Sabi ni Axel at hinalikan ang dalaga na puno ng pagmamahal.

Sa isang bar sa Manila tumuloy si Blaze. Nag-order siya ng alak sa counter at umupo. Balak niyang magpakalasing sa gabing ito para kahit sandali ay makalimutan niya ang sakit ng pangalawang pagkabigo at bukas ay muli siyang babangon para magpatuloy sa pagiging bachelor.

Kasabay ng paglunok niya ng alak ay pagpasok naman ni Sydney kasama ang dalawang kaibigan. Ngumisi si Blaze. Naalala niya ang huling pagkikita nila ng dalaga. Galit na galit ito sa kanya dahil katabi ng Dress Up ang pinapagawa niyang Ragazzo. Hindi man ito nagsasalita pero sa kasabihang "If looks could kill" matagal na siyang namayapa.

Nang tumingin ito sa pwesto niya ay itinaas niya ang kanyang wine glass pero isang irap lang ang binigay sa kanya ng dalaga. Natawa si Blaze. "I think I'll enjoy the night." Bulong ni Blaze sa sarili.

Próximo capítulo