Tropang Past: Enchanted Adventure 13
Masinsing sinara ni Madam Abi ang pinto saka umupo sa tabi ng ngayon ay matandang dama.
"Tama si Dama Arien. Matalik kaming magkaibigan. Tulad niyo ko. You want proofs?"
"Ano daw?", sabi ni Renzo.
"Ang sabi ko, gusto mo ba ng patunay?"
Ngumiti ang madam. Tiningnan niya ang flower vase sa steel table at gumalaw iyon pataas. Tapos ay dahan dahan ding bumaba. Tapos ay tinignan niya ang kumot na nakatupi pa at nakapatong sa unan tsaka gumalaw iyon at kinumutan ang prinsipe.
"Naniniwala na ko.", saad ng prinsipe.
Nakangiting bumaling ng tingin si madam kay dama at hinawakan ang mga kamay nito.
"I really missed you. How's the kingdom?", tapos ay naconscious.
"Paumanhin. Oo nga pala. Nagagalak akong magkita tayo muli. Kamusta ang kaharian? Ang buong Postalex?"
"Nagagalak din ako sa pagkikita nating ito. Pero hindi ayos ang kalagayan ng Postalex, lalo ng Ventreo. Nabihag ang hari at reyna. Nilulusob kami ng mga hindi pa nakikilalang pinuno ng kasamaan. At kasapi na nila si Jomarie."
"Huh? Ano? Pano nangyari? Hindi ba isa si Jomarie sa mga kinikilala ng hari at reyna bilang tapat at magiting na Ventreo. Hindi ba siya ang pinagpasahan ni Guru Tadeo ng kanyang kapangyarihan para maging guru ng salamangka?"
"Tama ka. Pero ginamit niya ang kapangyarihan niya sa kasamaan. Ilang araw matapos maisalin sa kanya ang kapangyarihan, pinaslang niya ang Guru. Kita ng dalawang mata ko. At nais pa niyang isisi sa akin ang kasalanan, mabuti na lamang at may nagpatunay na siya ang salarin. Pinatunayan ng isang kawal ng palasyo."
"Nakakalungkot marinig iyan. Pero maiba ako, ano'ng nangyari sa itsura mo? Wag mong sabihing..."
"Oo, Abigail. Tama ang iniisip mo. Sinuko ko ang kapangyarihan ko para ikubli ang isang isla. Ang isla kung saan ako nagbukas ng lagusan patungo dito sa mundong ito. Ang isla na balang araw ay gagamitin ko upang masanay ang mga hinirang."
"Hinirang?"
"Oo. Kaya narito ako. Hinahanap ko sila. Nangako ako sa mahal na hari at reyna na hahanapin ko sila, iipunin, at dadalhin sa Postalex para manumbalik na ang balanse ng mundo."
Napapaisip habang nakikinig. "Alam mo ba kung saan sila hahanapin?"
"Hindi pa."