webnovel

Sakripisyo

Tropang Past: Enchanted Adventure 9

Nagliwanag ang susi kasunod non ay ang pagbukas ng isang portal sa pagitan ng mga puno.

"Tara na?", tanong ng prinsipe.

"Sandali."

Itinaas ng dama ang mga kamay niya.

"Ano'ng ginagawa mo dama?"

"Itatago ko ang isla. Walang sinuman ang dapat makatunton nitong lugar na ito hanggat hindi naisasakatuparan ang misyon. Lalo nitong binuksan nating lagusan. Mahirap na at baka masundan tayo."

"Bakit hindi mo na lang isara ang lagusan pagkarating natin sa mundo ng mga tao? Para walang makasunod sa atin. Para hindi nila paghinalaan ang lugar na ito."

"Ang tanging kayang gawin lamang ng susi ay magbukas ng lagusan. Wala itong kakayahang isara. Magsasara ng kusa ang lagusan pagkasilang ng pulang buwan. Kaya bago iyon sumapit, kailangan na nating makabalik ulit dito sa Postalex kasama ang mga hinirang na sinasabi ng propesiya."

Ngunit bigla ng umilaw ang mga kamay ng dama at lumikha iyon ng napakalakas na enerhiya na halos ilipad lahat ng buhangin kaya mabilis na isinanggalang ng prinsipe ang kamay sa mga mata. Habang nabubuo ang panangga ay napansin ng prinsipe ang unti-unting pagbago ng balat ng dama.

Nanlaki ang mga mata ng prinsipe.

"Dama, ano'ng nangyayari sayo? Dama bakit kumukulubot ang balat mo?!", alala nito.

Lalo pang lumakas ang pwersa at tuluyan ng nabuo ang kublian ng isla.

Nang manumbalik sa normal ang kondisyon, agad takbo palapit sa dama ang prinsipe at hinawakan nito ang mga kamay.

"A-aa-ano ang nangyari sayo dama? Iba na ang anyo mo?"

"Sinakripisyo ko ang lahat ng aking kapangyarihan para maprotektahan ang isla. Ito ang kapalit. Mas mahalaga ang proteksyon ng islang ito kaysa sa aking anyo dahil kailangan nitong manatiling tago at ligtas lalo sa mga kaaway sa mga panahong nasa mundo tayo ng tao. Batid kong matatagalan tayo bago makabalik dahil sa paghahanap sa mga hinirang. Dito ko na rin sila sasanayin hanggang sa maging ganap na tagapagtanggol ng Postalex. Para tuluyan ng maibalik ang balanse ng mundo."

"Di na ba maibabalik ang dati mong anyo?"

"Anumang oras ay maibabalik iyon. Sa panahon kung kailan maaari ko ng tanggalin ang pagkakakubli ng isla. Kapag maaari na tayong lumantad kasama ng mga sugo."

Próximo capítulo