webnovel

Dinner Date Beneath the Moonlight

Aliyah Neslein Mercado Point of View

NAGHINTAY nga kami ni Jam sa paglabas nila daddy sa conference room. Naupo muna kami dun sa couch sa labas para sa mga visitors.

Medyo naaasiwa ako dahil nakikita ko pa rin yung dalawa mula dun sa pwesto namin. Panay kasi ang palihim na sulyap sa akin ni Onemig.

Bakit mo alam? Kasi lihim mo rin syang tinitingnan.

Oo na. Tinitingnan ko rin sya. Iniirapan ko na lang kapag nagkatinginan kami para hindi naman ako obvious. Nahuli ko nga na medyo umangat ang gilid ng labi nya, tila nagbabadya ng isang ngiti. Lumabas kasi yung dimples nya eh.

Sus maharot talaga. Kasama ang girlfriend balak pang magpa-cute. Tsk!

Ang ginawa ko, sumiksik pa ako lalo sa tabi ni Jam at isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya para hindi ko na masulyapan man lang ang maharot na lalaking yon. Maya-maya pa ay may lumabas na mula sa conference room.

Sabay pa kaming tumayo ni Jam para salubungin sana sila mommy pero si Tita Bless lang yung lumabas. Nung makita nya ako ay mabilis syang lumapit sa amin, nilampasan lang nya ang kanyang anak at girlfriend nito.

" Oh hello anak! Narinig ko si Nhel na nandito raw kayo kaya nauna na akong lumabas. Malapit na rin silang matapos. " wika ni tita matapos kaming magbeso. Si Jam naman ay nahihiyang nagmano sa kanya.

" Napaka-galang na bata naman nito. Halika samahan ninyo ako sa ground floor, ipapa-ayos ko na yung mga table na kakainan. " sabi ni tita tapos nilingon din ang anak. "Onemig, hintayin mo na ang mga daddy mo tapos sumunod na kayo sa ibaba. "

" Sige po mommy. " narinig kong sagot ni Onemig.

" Tita okay lang po ba sa kanya na kami ang niyaya mo? " tanong ko nung nasa may elevator na kami.

" Hay nako! Hayaan mo sya. Alam naman nyang wala akong panahon sa mga babae nya kundi rin lang ikaw. " walang prenong tugon ni tita Bless. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. Napansin naman nya agad yung reaksyon ko.

" Ay naku! Sorry sa nasabi ko. My bad. Jam, hijo pasensya na ha? " lingon nya kay Jam. Tila hiyang-hiya sa biglang nasabi.

" Okay lang po tita. No worries po. " ngumiti pa si Jam sa kanya.

Nung nasa restaurant na kami sa ground floor, nakita agad namin yung mga waiter na naglalagay na ng mga pagkain sa table. Nakaayos na rin yung table, pinagdikit nila para maging mahaba.

Ilang sandali lang nang marinig na namin sila na papasok na rin dito sa loob ng resto. Si lolo Franz at lola Paz, si mom at dad, tito Frank, tito Migs, Tin, Onemig at yung girl nya. Natuwa nga sila lolo ng makita nila kami ni Jam, mabuti raw na ipinasyal ko si Jam dito.

Nung kumakain na, naasiwa na akong lalo. Nasa harapan kasi namin ni Jam si Onemig at Monique. Panay ang ngisian. Sinusubuan pa ni girl si boy na akala mo baby at walang sariling kamay. Ginagawa ko rin naman yan noon kaya lang kapag kami lang dalawa. Not in public. Sobrang PDA naman nila. Kakasora! 

Alam ni Jam ang nararamdaman ko kaya panay ang bulong nya sa akin na kumalma lang. Baka hindi daw ako matunawan. Ang sweet nya di ba?

Nang sa wakas ay natapos na kaming kumain lahat. Natapos na rin yung nakakaasiwang tagpo sa harap namin. Medyo nag-kwentuhan muna sila bago kami umakyat sa top floor.

Nung nasa may elevator na, pinauna na namin yung mga oldies na sumakay. Naiwan kami ni Jam kasama si Tin na walang tigil sa kaka-kwento ng tungkol sa training nya under mommy. Makikita talaga sa mukha nya ang saya at excitement.

Nung bumaba na muli ang elevator,  sumakay na kaming tatlo. Akmang pipindutin na ni Tin ang close button nang may humabol para pumasok. Muli na naman akong binalot ng pagka-asiwa nang makita kong si Onemig at Monique ang pumasok.

Umusod ako papunta kay Jam para bigyan sila ng espasyo. Binalot naman ako ni Jam ng yakap mula sa likuran at pinatong yung chin nya sa ulunan ko.

Narinig kong malakas na tumikhim si Onemig.

Hindi ako makalingon sa kanya dahil sa bigat ng ulo ni Jam sa ulunan ko kaya hinayaan ko na lang na tila naman nagmukhang deadma lang ako.

Nang biglang magsalita si Monique.

" Hon, hihintayin mo ba ako mamaya? " walang tugon mula kay Onemig.

" Hon! ? " ulit nya.

" What? " tila naiiritang tugon ni Onemig.

" Sabi ko, hihintayin mo ba ako mamaya? "

" I don't know, depende kung walang iuutos si dad. " tila walang gana nyang tugon.

" Sige. Ako na lang ang pupunta sayo mamaya kung hindi mo ako mapupuntahan. " malambing nyang turan kay Onemig.

" Ikaw ang bahala. " pabalewala namang tugon ni Onemig sa kanya.

" Uy Jam akala ko ba ide-date mo si Liyah mamaya? Bakit hindi pa kayo umuwi para makapag-prepare kayong dalawa? " si Tin. Sinumpong na naman ng kapilyahan. Lihim ko syang pinandilatan.

" Tin secret natin yon bakit sinabi mo? " sakay naman ni Jam sa pakulo ni Tin.

" Ay sorry naman! Excited kasi ako. Besh sorry na spoil ko ang balak sana ni Jam. " nag peace sign pa kunwari.

Hindi na ako kumibo. Nang huminto ang elevator, mabilis na nakipag-unahan si Onemig palabas habang hindi naman magkandatuto sa paghabol sa kanya si Monique. Lihim kaming nagtawanang tatlo.

" Success besh. Nainis yata. " si Tin.

" Ikaw talaga Tin, simple ka ring umatake noh! " sabi ni Jam.

" Sus ikaw naman sumakay ka pa sa kalokohan nyang babaeng yan! " sita ko kay Jam.

" Hindi naman. Actually nagkaroon nga ako ng idea. Ide-date nga kita mamaya. " napa-nga-nga naman ako sa sinabi nya.

" Eh? "

" Oo nga. Dun tayo sa garden nyo. Bilog ang buwan mamaya magandang mag-dinner beneath the full moonlight di ba? Romantic yun. "

" Hehe. Oo nga babe. Hindi pa natin nasubukan yon. Sige magluluto ako ng lasagna at carbonara yung para sa ating dalawa lang ha? Hindi kasali yung isa dyan. " pang-aasar ko. Paborito kasi ni Tin yung mga pagkaing binanggit ko.

" Huy wag namang ganyan besh. Alam mo naman na pag luto mo, kakalimutan ko ang lahat, makakain lang. "

" Tse! Puro kasi kalokohan yang tumatakbo sa utak mo. " pinipigil ko ang ngiting gustong umalpas sa labi ko.

" Sorry na nga po. " tiklop palad pa sya.

" Oo na. Dalian mo at nauna pa yata yung boss mo sayo dun. Yari ka! " tinawanan na lang namin sya ni Jam nung magmadali sya at iniwan na kami.

Hinintay na namin sila mommy hanggang sa mag-uwian. Nakitulong-tulong na lang kami ni Jam sa mga ginagawa nila para hindi kami mainip.

Sa amin na nakisakay si Tin nung pauwi na. Hawak kamay pa kami ni Jam papunta sa parking lot. Inabutan pa nga namin si Onemig at Monica sa parking lot na tila may pinagtatalunan at ng makita kami ay tumahimik pareho. Masama na naman ang tingin ni Onemig sa kamay namin ni Jam na magkahawak.

Ano ba meron sa kamay namin ni Jam at palagi masama tingin nya?

Binati sila ni Tin habang kami naman ni Jam ay sumakay na sa kotse. Narinig ko na lamang ang malakas na pagsara ni Onemig sa pinto ng kotse nya at paharurot na nagmaneho.

Anyare dun?

Pagdating sa bahay ay naggayak na ako ng lulutuin ko. Pagbibigyan ko si Jam sa trip nyang dinner date namin beneath the full moonlight. Dadamihan ko na rin ang iluluto ko para sa lahat.

Nang matapos ako ay nagpahinga ako ng konti then naligo na ako. I opted to wear a maong pants and t-shirt para comfortable. Hindi naman formal dinner ito.

Paglabas ko ay nandun na si Jam sa garden. Napuna ko kaagad na pareho kami ng suot. Nang makita nya ako ay agad syang lumapit sa akin. As usual, inakbayan ako at hinalikan sa ulo.

Napansin ko na maayos na ang table namin. May fresh roses pa sa vase na nakapuwesto sa gitna ng table. Pinitas daw yun ni Tin sa garden.

" Do you like it? " nakangiting tanong nya.

" Oo naman. Ang effort ha! "

" Bolera! Para yan lang eh. " naka-ngising sambit nya.

" Hahaha. Come on, let's eat. I'm famished. " untag ko sa kanya. l

Iginiya nya ako sa upuan tapos siya rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Sinalinan rin nya ng juice ang baso ko. Siya na rin ang nag lead ng prayer bago kami kumain.

Magana naming pinagsaluhan ang niluto ko habang manaka-naka kaming nag-uusap. Panay ang puri nya sa nakahandang pagkain.

" Ang sarap mo talagang magluto babe, mami-miss ko to kapag---"

" Babe ano ba! " pigil ko sa sinasabi nya.

" Liyah alam naman natin pareho na darating tayo sa puntong yon. " malumanay na wika nya na tila nagpapaliwanag sa isang bata.

" Alam ko naman yun Jam pero ayokong marinig. Ayokong pag-usapan. Gusto ko habang malaya ka pa, susulitin natin yung oras na magkasama tayo. Hindi na kasi pwede kapag nandun ka na sa forever mo. " malungkot kong turan.

" Pwede pa rin naman tayong magkita ah. Hindi na nga lang katulad nito. Magkaibigan pa rin naman tayo kahit mag- break tayo. " bigla na naman akong nalungkot sa sinabi nya.

" After a few months pala single na ulit ako. Nakakalungkot naman babe. " he held my hand and squeezed it.

" Basta make sure na kapag nagmahal ka ulit, yung sigurado na ha? Huwag na huwag kang pupunta sa akin na umiiyak,  hindi ko na alam ang gagawin ko pag nangyari yon. " tumango lang ako at gumanti ng pisil sa mga kamay nya na nakahawak sa akin.

Nag-usap na lang kami ng kung ano-ano ni Jam habang kumakain ng dessert, ayaw na naming pag-usapan yung nalalapit naming paghihiwalay. 

Ilang sandali pa ang lumipas nang biglang tumunog ang doorbell. Napatingin kami pareho ni Jam sa taong nakatayo sa labas.

Anong ginagawa ng kulangot na to dito?

Nagkatinginan kami ni Jam. He just nodded. Kaya tumayo na ako at lumapit sa gate.

" What? " tanong ko sa bwisita.

" I just want to give this to tito Nhel. Pinapabigay ni dad. " iwinagayway nya ang dalang papeles. Binuksan ko ang gate at pinapasok sya.

" Pasok ka na sa loob. Nandon si dad sa dining room. " sabi ko na lang.

" Hindi mo ba ako sasamahan? " ngumiti pa ng mapang-asar na ngiti.

" Sasamahan? Eh sanay ka naman dyan sa loob bakit kailangang samahan pa kita? " nayayamot kong tanong. Sumeryoso naman agad sya.

" Baka maligaw kasi ako, matagal na akong hindi pumapasok dyan. " tila nagpipigil na naman sya ng ngiti. Lumalabas na naman kasi yung dimples nya.

" Wala namang nagbago dyan. So go ahead, suit yourself. " hindi ko na naitago ang pagkapikon ko.

" Ang pikon naman. Naistorbo ko ba ang dinner date nyo? " medyo may diin pa yung salitang huling binanggit.

" Hindi naman. Sige na pasok ka na dun at magliligpit na kami. " tatawa-tawa pa sya nung pumasok sa loob. Bwisit na yon. Mukhang bumalik na naman yata kami dun sa dati nung bata pa kami. Lakas mamikon eh.

Nagligpit na kami ni Jam ng mga pinagkainan namin. Nung dalhin namin yung mga hugasin sa kusina, nadaanan namin si dad at Onemig na nag-uusap sa dining area. Parang pinapaliwanag ni daddy yung nasa papeles.

Nagpaalam na si Jam na pupunta na ng guest room para maligo. Sinabi na hintayin ko na lang daw sya sa living room at manonood kami sa Netflix. Kaya naman tumungo na ako dun at naghanap ng pwedeng panoorin. Nang marinig ko ang boses ni dad.

" Sweetie maglagay ka nga nung mga niluto mo sa tupperware, padalhan mo ang mga tita Bless mo. " utos ni dad.

" Sige po dad. " tumayo na ako at sumunod sa kanya sa dining room. Pasimple kong sinulyapan si Onemig na abala naman sa binabasa.

Nang matapos ako ay inabot ko na kay dad yung eco bag na naglalaman ng dalawang tupperware nung carbonara at lasagna. Ibinigay naman nya ito kay Onemig.

" Sweetie ikaw na maghatid kay Onemig sa gate, tinatawag na ako ng mommy mo. "

What? Wala naman akong narinig na tumatawag sa kanya ah.

Si daddy talaga!

Hindi na ako nagreklamo, sa halip tumalikod na ako at lumabas na sa dining area. Narinig ko pang nagpasalamat at nagpaalam kay dad ang damuho. Agad ko naman syang naramdaman sa likuran ko na tahimik na sumusunod sa akin palabas.

Nung nasa gate kami ay saka lamang sya nagsalita.

" Thank you for this, sweetie! " may namimilyong ngisi sa labi na sambit nya. Itinaas pa ang eco bag na dala.

" Sweetie? " naiinis kong tanong. Kapal ng mukha. Matapos nya akong paasahin tatawagin pa nya ako ng ganun.

" Oh bakit? Sweetie naman talaga ang tawag nila sayo ah. "

Oo nga naman. Pahiya ako dun ah.

" Sige na, uwi ka na. Mamaya nyan mabalitaan pa ng girlfriend mo na nandito ka, mag-away pa kayo. "

" Girlfriend? "

" Oo yung--y-yung girlfriend mo! " nagkakandautal pa ako.

" Sino---"

" Ah oo nga pala. Hindi mo alam kung sino yung tinutukoy ko kasi nga naman marami sila. Babaero. "

" Wow! Grabe ka namang manghusga! " naaaliw na turan nya.

" Totoo naman kasi maharot ka! "

" Hahaha! Bakit ba parang galit ka? Nagseselos ka ano? " awtomatikong nag-blush naman ako sa sinabi nya. Buti na lang madilim kaya hindi nya mapapansin ang pamumula ko.

" Hindi ah! Assuming neto! "

" Ah oo nga pala, never ka nga palang nagselos. Sa ating dalawa noon, ako pala yung seloso. Until now naman, nagseselos pa rin ako. "

Napaawang ang labi ko sa sinabi nya. Wala akong maisagot. Naumid ang dila ko. Maniniwala ba ako?

Ano ka ngayon Aliyah?

Hindi,  ayoko pa ring umasa.

" Goodnight Liyah! " natauhan ako ng muli syang magsalita. Nakita ko na lang na naglalakad na sya palayo.

Goodness! What was that?

Próximo capítulo