webnovel

Truth and Lies

Author says : Hi dear followers and readers. Heto na yung POV ni fafa Onemig. I'm sure marami ang nagalit sa kanya dun sa nakaraang chapter. Well, may rason po sya kaya heto na nga po, magpapaliwanag na sya.

Juan Miguel Arceo's Point of View

PARANG nilalamukos ang puso ko habang nakatunghay sa harap ng aking cellphone. Nagpaalam si Greta na pupunta ng CR kaya kinuha ni Itoy ang pagkakataon para kausapin ako. Sinabi nya na may lead na kung nasaan si Aliyah kaya naman nagmamadali akong nag log-in sa facebook ko na ilang buwan ko na rin na hindi ginagawa. Tinigil ko na rin kasi ang pag-stalk kay Aliyah dahil hindi talaga sya nagpaparamdam kahit sa facebook. Pinagtaguan na nya ako.

At heto nga sa loob ng halos pitong buwan, ganito ang balitang tatambad sa akin. May boyfriend na yata sya. Jam Montreal.  Ito mismo ang nag post nung mga pictures nila. Sa sobrang selos ko, hindi ko nga napigilang mag-comment dun sa post. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nya, malamang nagalit yun, ang gago ko naman kasi talaga.

Sa loob ng halos pitong buwan na hindi ko nakikita si Aliyah, naging hungkag ang mundo ko. Siya kasi yung mundo ko mismo. Hinanap ko sya, halos weekly kung magpabalik-balik ako sa pagmamanman dun sa bahay nila sa Manila at dun kila tito Frank sa Makati pero hindi ko sya nakita, yun pala naman nasa ibang bansa na sya. Wala akong ideya.Wala akong mapagtanungan. Galit sa akin si Anne at Richelle. Lalo naman yung mga kabarkada nya sa school. Maging si mommy ay matabang ang pakikitungo sa akin. Hindi na rin ako nagpapakita kila tito Nhel o kahit kanino sa mga kapamilya nya para makibalita. Umiiwas ako. Nahihiya kasi ako, sinaktan ko ang prinsesa nila. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.

Sinira ko ang pangako ko sa kanila.

Paano ba kami humantong ni Aliyah sa ganito?  Kasalanan ko naman talaga, hindi ako dapat nakinig at naniwala kay Greta.

Nung araw na nagpaliwanag sa akin si Aliyah, naniwala naman ako sa kanya pero hindi muna ako kumibo kasi nagpapalipas lang muna ako ng sama ng loob ko, may mga pictures kasing pinadala si Greta sa akin through messenger na hindi ko halos mapaniwalaan. Mga pictures ni Theo at Aliyah na magkayakap at yung ilan ay naghahalikan pa.

Nasasaktan ako habang pinagmamasdan ko noon yung mga pictures nila but at the same time may pagdududa pa rin ako. Hindi kasi magagawa sa akin ni Aliyah ang ganon.

Kaya naman para malinawan ako, minabuti kong manood nung pageant. Napagpasyahan ko na kausapin na sya pagkatapos nung pageant. Gusto ko na rin na magkaayos kami dahil miss na miss ko na talaga sya. Nagdesisyon ako na kung sakali mang kumpirmahin nya o hindi yung nasa pictures, hindi na importante sa akin, kakalimutan ko na lang yun at magkasundo kaming muli. Ganyan ko sya kamahal. Mahal na mahal ko sya at natural lang sa isang relasyon na magka-problema paminsan-minsan. Alam kong maaayos pa namin ito.

Hindi ako sumabay kila lolo Franz nung araw na yun. Bumiyahe akong mag-isa gamit ang kotse ko. Nung makarating ako sa school nila ay nag-park ako ng may kalayuan sa mga sasakyang dala nila tito Nhel. Nung nasa loob na ako ng auditorium ay sa bandang likuran naman nila tito Nhel ako pumwesto, sinisiguro ko na hindi nila ako makikita.

Nung mag-umpisa na ang pageant ay hindi na ako tumingin pa sa kahit kanino, kay Aliyah lang ako naka-focus. Napaka-ganda nya sa bawat damit na isinusuot nya at sobra akong humanga nung gawin na nila yung stunts nila sa talent portion. Sobrang proud ako nung sila ni Derrick ang nanalo.

Nung matapos ang pageant ay nauna na akong lumabas, dun na lang ako sa parking lot magpapakita at sa kotse ko na lang pasasakayin si Aliyah para makapag-usap kami at magkaayos.

Ngunit ang inaakala kong pag-aayos namin ni Aliyah ay mauuwi pala sa hindi magandang pangyayari. Tila naging bangungot para sa akin ang gabing yon.

FLASHBACK:

Papunta na ako sa parking lot para dun na surpresahin si Aliyah. Nung nasa parking lot na ako ay may biglang humila sa akin papunta dun sa may tagong bahagi. Nagulat ako ng si Greta ang malingunan ko. Sumenyas pa sya na huwag akong maingay dahil may paparating. Namataan ko na sila tito Nhel yun na papunta na sa mga nakaparada nilang sasakyan ngunit wala doon si Aliyah.

" Bakit mo ako dinala dito Greta? Hinihintay ko si Aliyah, mag-uusap kami! " sabi ko.

" Huwag mo na syang hintayin. She's with Theo. I heard they invited him. That bitch! Ako dapat ang nanalo eh! "

" Watch your words Greta. Aliyah deserved it. Magaling sya at nakita ng lahat yon. Wag kang bitter. Sana ginawa mo yung best mo, gusto mo palang makuha yung korona. First runner up ka naman, dapat masaya kana dun. "

" Ako dapat yun eh! Pero di bale, kaya ko naman na mawala sa kanya yung koronang pinaghirapan nya. "

" What do you mean? " kinakabahan kong tanong.

" See this? " isang brown envelope ang iwinagayway nya sa harap ko. Kinuha ko at tiningnan ang laman. Tila nahihinuha ko na kung ano ang susunod nyang gagawin.

" Don't you dare Greta! Huwag mong gawin kay Aliyah ang ginawa mo noon sa amin ni Kristine. "

" At bakit hindi? Kapag ipinaskil ko itong mga pictures na ito sa bulletin board, masisira si Aliyah. Matatanggalan sya ng korona at mapupunta yun sa akin, being the first runner up. " she flashed an evil smile.

" Please Greta, wag mong gawin yan! "

" Gagawin ko ang ano mang gusto ko. I am Greta Villamayor. And what I want, I get at kasama kana doon Onemig. I can win you back. "

" No way Greta! Si Aliyah lang ang gusto kong magmay-ari sa akin. "

" Talaga lang ha? Sabihin mo yan kapag nakaladkad na sa kahihiyan yang si Aliyah. "

" No!  I can testify. I can prove that she's innocent. "

" Really?  What about Theo? Kapag nalaman ito ng lolo nya, sa tingin mo ba hindi yon gagawa ng paraan para hindi mapahiya ang apo nya? Malamang mas hindi mo kakayanin ang magiging desisyon nila para mapagtakpan lang yung dalawa. Sa huli hindi rin magiging sayo si Aliyah. At isa pa, hindi ka ba nag-aalala sa mga magulang ni Aliyah? Kilala sila ng madla, for being the highest paid models. Hindi ka ba natatakot na masira sila dahil kay Aliyah? Think about it Onemig. "

" Napakasama mo talaga Greta. Bakit ba nagkaganyan ka? "

" Dahil sayo Onemig. Dahil sayo. "

" Hindi ka magtatagumpay Greta sa gagawin mo kay Aliyah.  Gagawa ako ng paraan. Isa pa, mukhang pinoto-shop mo lang yan dahil hindi yan magagawa ni Aliyah. "

" Ah okay . Panoorin mo na lang ako sa gagawin ko. Photo-shop man o hindi, wala akong pakialam. Mapigilan mo man ako na ipaskil yan sa bulletin board, kaya ko namang i-send yan sa e-mail ng pamilya ni Theo at Aliyah or worst sa social media. Malinis ang pagkakagawa sa mga pictures, marami ang maniniwala. " she flashed again an evil grin.

" God, what am I going to do with you Greta?  You're impossible! " tila sumusukong turan ko.

" Simple lang Onemig, kung mahal mo si Aliyah, break up with her and be with me. " hindi na ako gaanong nagulat sa sinabi nya. Alam kong yun talaga ang gusto nyang mangyari kaya ginigipit nya ako ng ganito.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumatango sa suhestiyon ni Greta. Inisip ko na kung papayag ako, maaari nyang hindi ituloy ang balak nya. Titigilan na nya si Liyah. Alam ko kung gaano kaimportante kay Aliyah ang korona, nakasalalay dito ang karangalan ng buong department nila. At pinaghirapan talaga nilang dalawa ni Derrick yun. Ayokong mawala yun sa kanya para lang sa masamang hangarin ni Greta.  Hindi man totoo yung mga pictures, iniisip ko na rin yung kapakanan ng iba. Maisalba ko man si Aliyah, yung mga maapektuhan naman ang inaalala ko. Malupit ang ilang netizens lalo na't kilala sa lipunan ang mga magulang ni Aliyah. Ayokong ma-bash sila at pagpiyestahan ang buhay nila.

Malaking hakbang itong gagawin ko. Masasaktan ko si Aliyah at lalo't higit na masakit sa akin yon. Iniisip ko na pansamantala lang naman, pagbibigyan ko lang si Greta sa gusto nya kapalit ng hindi pagtutuloy ng pagsira nya kay Aliyah.

Tuwang-tuwa si Greta ng pumayag ako sa gusto nya kaya naman dinaluhong na nya ako ng yakap at mapupusok na halik. Hindi ako tumutugon. Para sa akin, ang mga halik lang ni Aliyah ang makakapag-pagising ng aking damdamin.

Sabik na sabik ang mga halik ni Greta, siya pa ang nagkusang magbaba ng damit nya at pilit nyang pinahihipo sa akin ang katawan nya habang hinahalikan nya ako. At yun ang tagpong inabutan ni Aliyah kasama si Theo. Sobrang sakit sa akin na makita na nasasaktan sya. Nagalit din si Theo at kinumpirma na wala talagang namamagitan sa kanila ni Aliyah. Nakahinga ako sa nalaman pero nakaramdam naman ako ng sakit at panghihinayang dahil tinapos na ni Aliyah ang relasyon namin.

" Bro ano ang balak mo ngayong nalaman mo na nasa Switzerland pala sya? " natauhan ako mula sa malalim na paggunita sa nangyari almost seven months ago nang magtanong si Itoy.

" Huli na ang lahat dude, may boyfriend na yata sya. At isa pa, hindi ako makawala kay Greta, alam mo yan. "

" Hindi ba binigay na nya sayo yung mga pictures na hindi naman pala totoo lahat? Sinunog mo na di ba? Binura mo na rin lahat yung kopya sa computer. So ano pa ba? " si Itoy muli.

" May naiwan pa kay Greta dude. Nalaman ko nung minsang mag-away kami. Isa na lang ang pag-asa ko dude para makawala sa kanya. "

" Ano naman yun dude? "

" Yung mahuli ko syang may iba. At gagawin ko rin kung ano ang ginawa nya kay Aliyah. Pero hindi ko ilalabas sakali man makakuha ako ng proof sa kanya, tatakutin ko lang siya. " tumango si Itoy sa balak ko.

" Hindi malayong mangyari yun dude. Knowing Greta, mukhang active ang hormones nun. Pasensya na dude ha, bukambibig naman nya yun eh kaya hindi na sikreto. Masyado rin kasing liberated. Since hindi mo naman naibibigay yung alam mo na, puro lang kayo MOMOL, malamang sa malamang maghanap yun sa iba. " gusto kong matawa sa sinabi ni Itoy. Totoong hindi na ako nagpadala sa kapusukan ni Greta. Kapag gusto nyang may mangyari sa amin at hindi ako pumayag, inaaway nya ako. Ang nangyayari para matapos na lang, pinagbibigyan ko kahit make out lang.

Sa ngayon iniisip ko kung paano ko pa babalikan si Aliyah. Hindi ako sigurado kung boyfriend na nya yung Jam, yung nag post nung mga pictures. Imposible kasing sa loob ng six months napalitan na nya ako sa puso nya. Ako kasi hanggang ngayon, siya pa rin. Si Greta lang naman ang naglalagay ng label sa relasyon naming dalawa. Hinahayaan ko na lang. Kapag kinontra ko kasi bigla na lang sumasabog. Ayaw ko pa naman ng magulo at ginugulo ako.

Kung sakali mang sila na nga nung Jam, wala naman akong magagawa dun. Marahil sa galit nya sa akin, pinili na lang nyang mag move on at i-let go na ako. I lose my chance on her, sinira ko ang tiwala nya kahit pa ang dahilan ko ay ang protektahan sya. I don't deserve her love. She deserves someone better than me.

Sa ngayon, kailangan kong pagtiisan si Greta. Hihintayin ko na lang yung araw na magsawa na sya sa akin. Dahil ako, sa puso ko, sa nakatagong bahagi ng puso ko, ay umaasang sa huli ay kami pa rin ni Aliyah.

I can't let go of our memories. May magagandang bagay na nais kong balik-balikan. Yun na lang ang meron ako at alam ko na hindi ito basta maglalaho.

I promise to myself that I will wait for her. And this time, I will be patient and won't rush things coz anything worth having is worth waiting for.

Hi guys thank you for reading.. Ano po masasabi nyo sa bagong book cover natin? Si Onemig at Aliyah po yun.

Salamat sa suporta ninyo sa story na ito.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Próximo capítulo