webnovel

Honesty

Nhel's Point of View

NAGMAMADALI kong binuksan ang pinto ngunit napansin nya ako kaagad.Mabilis syang nag-overtake kahit nabuksan ko na ang pinto. Lakas loob akong tumalon, bumagsak ako at dumausdos pababa sa lugar na tila gubat sa dami ng puno at ligaw na halaman. Umuusal ako ng panalangin habang dumadausdos ako pababa. Wala akong ibang nasa isip kundi ang makaligtas. Iniisip ko ang mag-ina ko.

Si Laine.Si Aliyah.

Hanggang sa maramdaman ko na tumama ang ulo ko sa matigas at malaking puno.

Bago ako nawalan ng ulirat ay may narinig akong tumatawag sa pangalan ko. Kasunod noon ay ang pagdilim ng paningin ko. At isang pangalan ang nasambit ko ng tuluyan na akong mawalan ng malay.

NAGISING akong hinihingal at pawis na pawis. Malinaw kong nakita sa panaginip ko yung nangyaring aksidente sa akin. Pero tila may ilang bahaging nawawala na hindi ko pa rin maalala.

I heaved a sigh. Gusto kong maalala lahat yung nangyari nung araw na yun pero ayaw pang mag -proseso sa utak ko lahat.

It's been two weeks now since I had that therapy. Medyo marami na rin akong naaalala pero may mga ilang bagay pa rin na malabo pa sa isip ko.Sabi ng doktor ay huwag ko daw piliting alalahanin lahat dahil baka makasama raw sa kundisyon ko. Kusa naman daw itong babalik basta patuloy lang ang therapy ko.

Malaki din ang naitulong ni Laine para maalala ko yung iba. Matiyaga syang sumasagot sa mga tanong ko kapag may bigla akong naalala sa nakaraan.

" Beh anong nangyari sayo? Bakit parang narinig kitang umuungol kanina?" tanong ni Marga na nakatayo sa may pinto ng kwarto. Inabot niya sa akin ang isang basong tubig. Kinuha ko naman yon at ininom.

" Wala naman. Napanaginipan ko yung movie na pinanood ko kanina,nakakatakot." dahilan ko.

" Ah.Napabalikwas nga ako para kumuha ng inumin. Ayos ka na?"

" Yeah I'm fine.Salamat."

Itinabi nya lang yung baso tapos humiga na syang muli sa tabi ko.Napakislot ako ng bigla nya akong yakapin at sakupin ang labi ko para sa isang malalim na halik. Kung dati parang normal lang sa amin ito pero ngayong naaalala ko na si Laine bilang tunay kong asawa,para akong kinikilabutan ngayon sa ginagawa sa akin ni Marga. Hindi ko naman sya pwedeng pigilan dahil baka makahalata sya. Sa halip hinayaan ko na lang kahit na pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Laine.

" Beh I need a release." namumungay ang mga matang turan nya.

Patay tayo dyan!

Labag man sa kalooban ko, sinunod ko na lang sya sa gusto nyang mangyari. Kailangan kong gawin para sa sarili kong imbestigasyon. Patawarin nawa ako ni Laine.

Hinihingal na sya ng makaraos. Hinayaan ko muna syang makabawi ng lakas saka ako nagtanong.

" Babe nung bago tayo ikasal, may naging girlfriend ba ako bukod sayo? I mean di ba medyo naging malilimutin ako dahil sa pagkauntog ko sa pinto, hindi ko maalala kung may babae ba ako bukod sayo?" pansin ko na medyo nagulat sya sa tanong ko pero hindi lang nagpahalata.

" B-bakit mo naman biglang natanong yan? May ibang babae ka bang iniisip bukod sa akin ha Nielsen?" medyo tumaas agad ang tono nya.

" Huh! Wala. Ikaw naman ipagpapalit ba naman kita! Gusto ko lang malaman para kung makita ko man eh maiiwasan ko na agad." sige Nhel lie pa more.

" Naniniguro lang ako baka maagaw ka sa akin, hindi ako papayag."

" Kaya nga nagtatanong para maiwasan ko na agad. Meron nga ba?"

" Oo meron. Masyadong obsessed sayo yun. Pilit ka ngang inaagaw sa akin mga bata pa lang tayo." gusto kong matawa dahil parang sarili naman nya yung dine-describe nya. Sinungaling ka talaga Marga.

" Anong nangyari na sa kanya?"

" Nag-asawa na yun at may anak na." nagulat ako sa sinabi nya. Sino kaya ang tinutukoy nya?

" Ha? Sino ba yun bakit hindi ko sya maalala?" tanong kong muli.

" Sino pa eh di yung talipandas na si Laine. Nag-asawa na yun,si Anton at may anak sila. Ewan ko ba pilit ka pa rin na inaagaw,may asawa naman na sya. Hindi makuntento. Huwag mo ngang isipin yun kung hindi mo maalala. Kaya siguro nakalimutan mo kasi hindi naman importante yun sayo. Ako ang asawa mo kaya ako lang yung naalala mo agad." bigla akong naguluhan sa sinabi nya. Totoo ba yun? Bakit hindi yata nabanggit ni Laine sa akin yun?

Sa isiping yun, bigla akong nakaramdam ng inis na hindi ko maipaliwanag. Bakit nasabi ni Marga yun? Posible ba na may hindi pa sinasabi si Laine sa akin? Narinig ko na kay Laine minsan na binanggit nya ang pangalan ni Anton pero hindi naman nya sinabi na asawa nya ito.Niloloko rin ba ako ni Laine?

Hindi ako halos nakatulog sa isiping iyon. Naguguluhan na naman ako. Nakakaramdam din ako ng di maipaliwanag na hapdi sa puso sa isiping may asawa si Laine at may anak sila. Sana nagsisinungaling lang si Marga dahil hindi ko kakayanin kung totoo man yon.

Gusto kong hilahin ang oras para maglunes na. Gusto ko ng makita at makausap si Laine at kumpirmahin sa kanya kung totoo ba yung sinabi ni Marga.Hindi ako mapakali. Parang puputok ang utak ko sa pagpipilit na maalala ang nakaraan na may kaugnayan dun sa sinasabi ni Marga.

Buong araw ng linggo ay  wala akong gana na gawin ang nakagawian na namin ni Marga kapag ganitong araw.Niyaya ako ni Marga na mamasyal at kumain sa labas pero tumanggi ako. Sinabi ko na masama ang pakiramdam ko. Nagtataka man sya pero hindi naman na kumibo sa halip nagluto na lang sya at nag movie marathon na lang kami.

Kinabukasan maaga akong nagising at ako na ang nagluto ng almusal namin. Nagulat pa si Marga ng gumising sya na handa na ang lahat. Ultimong damit na susuotin at pampaligo nya ay naka-ready na.

" Anong nangyari sayo at ginawa mo ito? May sakit ka ba?" natatawang tanong nya.

" Wala lang. I just feel like doing it for you when I woke up."

" Really beh? Thank you." natutuwang yumakap pa sa akin and gave me a quick kiss on the lips.

" Sige na kumilos ka na. Monday ngayon baka ma-late ka pa." untag ko at kumain na nga kami.

Pagkaalis ni Marga, naghintay pa ako ng mga kalahating oras bago ko pinuntahan si Laine.Alam ko na nag-iisa sya ngayon dahil nag off yung dalawa.

Marahan akong kumatok sa pinto nila. Pagkalipas pa ng ilang segundo saka pa lang may nagbukas ng pinto. Napalunok ako ng bumukas ang pinto at bumungad si Laine na naka-tapis lang ng tuwalya ang katawan.

Huh! Bakit bigla yatang uminit ang pakiramdam ko?

" Oh beh ikaw pala.Pasensya na naliligo kasi ako. Halika pasok ka." tumango lang ako at sumunod na sa kanya sa loob.

" Wait lang magbibihis lang ako. Iwan muna kita dyan saglit." nang akmang tatalikod na sya ay hinila ko sya sa braso para pigilan.

" Sandali lang naman ako may gusto lang akong itanong."

" Eh nakakailang naman na nakaganito ako habang nag-uusap tayo tsaka medyo maginaw din."

" Asawa mo naman ako at sandali lang naman. Kahit ba kay Anton ganyan ka?"

" Nhel?!" nagulat sya sa tanong ko.

" O bakit nagulat ka?"

" Hindi.Bakit kasi parang galit ka? May nagawa ba ako sayo ha Nhel?"

I heaved a sigh. " Oo Laine nagagalit ako kasi mayroon kang hindi sinasabi sa akin. Bakit hindi mo sinabi sa akin na may asawa kana at may anak kayo! May Anton kana pero ipinipilit mo pa rin na ako ang asawa mo!"

" What?"

" Wag mo ng ikaila dahil yun ang sinabi ni Marga sa akin. Hindi naman nya sasabihin yun kung wala syang basehan di ba?"

" Oh so hayan na naman pala tayo. Nagagalit ka dahil may sinabi na naman pala si Marga sayo. Sige aaminin ko na totoo yung sinabi ni Marga pero yung totoong kwento sinabi ba nya sayo?"

Natigilan ako. Bakit nga ba imbes na tanungin ko muna sya eh nagagalit na agad ako?

" Oh hindi kana nakasagot dyan. Alam mo beh kapag bumalik na yang alaala mo,malalaman mo na isa si Anton sa mga taong pinagkakautangan mo ng loob. Oo naging mag-asawa kami pero sa papel lang and we never consumated our marriage kaya imposible na magkaanak kami. Siya lang ang tumayong ama kay Aliyah nung mga panahong nakatali ka kay Marga at kay Mark."

" Ano?" nagulat ako sa sinabi nya.

" See? Binaliktad na naman nya ang sitwasyon. Hindi ko ipagpipilitan na maniwala ka sa akin dahil unti-unti ka ng nakakaalala at siguradong malalaman mo rin naman ang totoo sa malao't madali. Nhel all you have to do is ask me, kung naguguluhan ka. Hindi mo kailangang magalit agad." mahinahong turan nya.

Parang napahiya naman ako sa sinabi nya. Kinabig ko sya at niyakap,hinalikan ko sya sa ulo.

" Babe I'm sorry. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng galit nung malaman ko yun. Akala ko kasi niloloko mo rin ako." paliwanag ko.

" Beh hindi ko kailangang manloko para lang paniwalaan mo ako. Hindi ko kailanman magagawa sayo yun. Hindi ko sinabi agad yung tungkol sa amin ni Anton dahil gusto ko ikaw na mismo ang kusang makaalala nun.Ayaw kitang biglain sa mga impormasyon, makakasama sa kundisyon mo. Ito lang ang tandaan mo, mahal na mahal kita at ang tunay na nagmamahal ay tapat at hindi sinungaling." turan nya na nagpangiti na sa akin ng husto at nagpawala ng ano mang nakadagan sa puso ko.

I cupped her face and kissed her passionately. She responded to my kisses with the same intensity. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming naghahalikan basta ang alam ko ayaw ko ng tumigil. Hanggang sa bumaba ang halik ko sa leeg nya then to her collarbone. Hanggang sa hindi na ako nakatiis, tinanggal ko na ang towel na tumatakip sa kanyang kahubdan.

" Oh my Gosh beh I'm so naked." pilit na itinatakip ulit ang towel sa kanya.

Nagulat sya ng pangkuin ko sya at dalhin sya sa kanyang silid. Inihiga ko sya sa kanyang kama. Pumatong ako sa kanya at tinitigan sya sa mga mata.

" I just want to prove something. Will you allow me if I ask you?"

" What?"

" I wanna make love to you.Let's make love babe!"

Medyo mahaba po ang chapter na ito kaya hinati ko. Next chapter alam na this!hehe...?

AIGENMARIEcreators' thoughts
Próximo capítulo