webnovel

Truth and Lies

Laine's Point of View

NAGULAT si Nhel sa narinig nya mula kay Frost.Nagpalipat-lipat ang tingin nya sa dalawa na tila naghihintay ng kompirmasyon at sa huli ay sa akin nya itinuon ang paningin nya.

" Ako? Nawawala?" itinuturo ang sarili sa pagtatanong.

I just nodded.

" Bakit? Paano?" tanong nya sa amin.

I heaved a deep sigh..." Ngayong ikaw na ang nagtanong,siguro dapat ko ng sabihin sayo yung dahilan muna kasi baka hindi kayanin ng kundisyon ng utak mo kung sasabihin ko sayo ang lahat ng dapat mong malaman.Kailangan muna sigurong kumunsulta sa doktor na nakakaalam ng tunay na kundisyon mo."

" Sige payag akong kumunsulta sa doktor pero sabihin mo muna yung dahilan ng pagkawala ko na sinasabi ninyo para kahit paano maintindihan ko."

" Mismong birthday mo nung araw na mawala ka. " napahinto ako sa pagsasalita ng mapansin kong namangha sya sa sinabi ko.

" Bakit Nhel?" nag-aalalang tanong ko.

" Yan yung araw na naaksidente ako. Sabi ni Marga paalis sana kami nun dahil birthday ko at may date kami nang aksidente akong madulas at malakas na tumama ang ulo ko sa pinto." ako naman ang nagulat sa sinabi nya.

" What? No! Hindi yun ang totoong pangyayari Nhel. Pakinggan mo akong mabuti, lahat ng sinabi sayo ni Marga ay hindi totoo!" bulalas ko.

" Okay go on. Makikinig ako."

" Sinabi mo sa akin na magse-celebrate tayo ng birthday mo out of town dun sa resort ng kaibigan mong engineer din. Mag-oovernight tayong tatlo ng anak natin na si Aliyah.Pinag-empake mo pa nga ako tapos nagpaalam ka na pupunta muna ng office mo dahil may mga papeles ka na pipirmahan. Hindi mo dinala ang kotse dahil pwede namang lakarin mula sa bahay natin hanggang sa company nyo. Pero nakauwi na at lahat si Aliyah mula sa school hindi ka pa bumabalik kaya nag-alala na ako ng husto. Kaya pumunta ako ng office nyo pero ang sabi ng secretary mong si Belle nakaalis ka na matapos mo silang i-blow out ng lunch nila.Kinausap mo lang saglit ang boss mo na si ninong Cesar tapos nagmamadali ka ng umalis para umuwi. Kinakabahan ako dahil kung umalis kana agad sa opisina nyo bakit hapon na wala ka pa sa bahay natin? Kaya nagtanong na ako sa guwardiya nyo kung nakita ka ba nyang umalis.Tinignan nya sa log book yung oras ng pagpasok at paglabas mo dahil hindi sya yung naka duty nung mga oras na yon kundi si Mang Boy. Nang makausap ko si Mang Boy dun ko nalaman na pumunta doon si Marga at nakiusap na sumama ka sa kanya dahil hinahanap ka raw ni Mark. Simula nun hindi kana nakauwi sa atin kaya kinuha ni daddy ang serbisyo ng dalawang ito para hanapin ka gayon din si Anton, nag-hire din sya ng mga private investigators para mahanap ka.At ng mahanap ka nga nila dito, sumama ako pabalik at yun nga ang una nating pagkikita dito nung makausap kita at sinabi mong hindi mo ako kilala."

Mataman syang nakatingin sa akin na pilit inaanalisa ang mga sinabi ko. Nagsalita sya makalipas ang ilang sandali.

" Yung mga pangalang binanggit mo,sa totoo lang wala akong matandaan kahit isa sa kanila pwera kay Mark. Alam ko sya yung anak namin ni Marga. Natatandaan ko sya.Yung mga sinabi mo, taliwas lahat sa sinabi ni Marga sa akin. Kung gayon pala posibleng kinidnap nya ako kaya ako nawala?"

Nagkatinginan kami nina Dylan at Frost tila nagpapakiramdaman kung sino ang sasagot sa tanong. Si Dylan na ang nagsalita nung tanguan sya ni Frost.

" Posible sir, pero hindi pa muna nagsampa ng kasong kidnapping ang pamilya nyo laban kay Marga nung mag report kami sa kanila na nakita na namin kayo."

" Bakit?" naguguluhang tanong nya.

" Kasi sir nung makita namin kayo maganda ang tunguhan nyo, naglalambingan pa nga kayo sa duyan.Hindi po ganun ang senaryo ng kinidnap. Hindi po pwedeng ikaso ng kidnapping kung kusa naman kayong sumama. Kaya pinabalik kami ni sir Franz para mag-imbestiga muli at sumama nga si ma'am Laine para alamin ang totoo at heto nga po ang natuklasan namin."

" Kung gayon hindi ko pala totoong asawa si Marga? Kung pagbabasehan ko ang lahat ng sinabi nyo,maliwanag na sinamantala nya ang kundisyon ko sa utak kaya ganon ang pakikitungo ko sa kanya.Pero bakit natatandaan ko sya at si Mark? kung si Laine naman pala ang tunay kong asawa at si Aliyah ang anak namin? Bakit sila ang hindi ko matandaan? Nararamdaman ko lang na ikaw nga Laine dahil sa tibok ng puso ko, sa ibinubulong nito pero bakit nabura ka sa memorya ko?" tila nahihirapan ang loob na tanong nya.

" Nhel hindi kita masasagot dyan.Kailangan mo ng paliwanag ng doktor para malinawan ka sa lahat at mula rin dun malalaman mo na nagsisinungaling nga sayo si Marga. Mawawala rin ang mga pag-aalinlangan mo sa natutuklasan mo. Hindi ko masasabi sayo lahat hanggat hindi mo nakukumpirma kung ano ang totoong kundisyon mo, papasok at papasok ang pag-aalingan sayo kahit binigyan mo ako ng pagkakataon na pakinggan ako. Hindi maiiwasan na hindi ka maguluhan dahil sa umpisa pa lang nataniman na ni Marga ng mga maling impormasyon ang isip mo. Pinaniwalaan mo yun dahil hindi mo naman alam na may amnesia ka. Nagsimula ka lang naman na magtanong sa sarili mo nung makita mo ako di ba? Dahil napukaw ko ang damdamin mo."

" Oo tama ka nag-aalinlangan pa nga rin ako, naguguluhan. Gusto kong makausap yung doktor para malaman ko kung anong klaseng sakit sa utak itong nangyari sa akin. Paano ko mapapaamin si Marga kung ganito ang kundisyon ko?"

" Huwag mo muna syang paaminin hanggat hindi pa natin nakakausap ang doktor. Kung gusto mo sasamahan ka namin dun ngayon tutal mahaba pa ang oras bago umuwi si Marga."

" Pwede ba?" tumango ako.

" Sige uuwi muna ako, magpapalit lang ako ng damit at isasara ang bahay." mabilis na syang lumakad at kami naman ay kumilos na para gumayak. Bago sya lumabas ng pinto ay tinawag nya ako.

" Laine!" mabilis akong lumingon.

" Hmm."

" Salamat!"

" Nhel asawa mo ako kaya hindi mo...pero sige walang anuman." naalala kong bigla kaya naputol yung sinasabi ko, nakalimutan nga pala nyang asawa nya ako.

WALA pang 30 minutes ay nakabalik na agad si Nhel. Gusto kong matawa dahil halos magkapareho kami ng suot kaya pinatungan ko na lang ng cardigan yung sa akin. Napatingin din sya sa mga damit namin at natawa rin.

" Nag-usap ba tayo ng isusuot?" natatawang tanong ko. Napailing naman sya na nangigiti rin.

" Asawa nga kita, pareho tayo ng takbo ng utak." sabi nya.

" Oh, so naniniwala ka na?"

" Oo dahil yun ang binubulong nito." turan nya sabay turo sa may kaliwang dibdib nya.

" Tara na po ng makabalik tayo agad dito,baka abutan tayo ng pagdating ni Marga, naku mahirap na." untag sa amin ni Frost. Kaya sumunod na kami sa kanya palabas ng bahay.

Nung makasakay na kami, sa likod kaming dalawa ni Nhel pumwesto. Si Frost ang nagmamaneho at si Dylan ang nasa passengers seat.

Ramdam ko ang tensyon kay Nhel habang papalapit na kami sa ospital. Hinawakan ko sya sa kamay para mawala ang tensyon nya pero bigla kaming sabay na napapitlag ng magdaop ang palad namin. Parang may kuryenteng tumulay ng maglapat ang mga kamay namin.

" Ikaw nga talaga Laine dahil kilala ka ng pandama ko." pabulong nyang sabi.

Ngumiti lang ako sa kanya at hinayaan kong magkahawak kamay kami hanggang sa makarating ng ospital.

Hinanap namin ang kanyang doktor na si Dr.Severo na nagkataong wala ng pasyente nung araw na yun kaya pinapasok na agad kami ng secretary nya sa opisina nito na nasa dulong bahagi ng ospital.

" Good morning po doc." magalang na bati ni Nhel.

" Oh ikaw pala Nhel. Nasaan ang asawa mong si Marga, bakit iba yata ang kasama mo ngayon?" tanong ni doc sabay tinapunan kami ng tingin.

" May trabaho po sya kaya iba ang kasama ko. Actually may gusto lang sana akong itanong sa inyo."

" Ano yun?" wika ni doc.

" Ano po ba ang tunay na kalagayan ko? Naguguluhan po kasi ako sa mga nalalaman ko.Ano ang talagang kundisyon ng utak ko doc.?"

" Normal lang naman yan sa kagaya mong dumaan sa isang aksidente. "

" Normal ba yung nakalimutan ko yung ibang bahagi ng buhay ko?" napamaang ang doktor sa tanong nya.

" A-Anong ibig mong s-sabihin?" tila kinakabahan ang doktor ng magtanong sya kay Nhel.

" Nakipag sabwatan ka ba kay Marga para itago ang tunay na kundisyon ko?" mahinahon ngunit may diin ang bawat katagang binibitawan nyang salita sa doktor.

" Wala akong alam sa sinasabi mo Nhel." wika ng doktor.

Doon na sumingit si Dylan sa usapan nila.

" Doc mawalang galang na po.Mga investigators po kami." sabay labas ng mga I.D. nila at inilagay sa table ng doktor na masusi naman nitong siniyasat." Maaari kang kasuhan ng kliyente namin at mawawalan kayo ng lisensya kung hindi kayo magsasabi ng totoo. Alam na po namin ang tunay na aksidenteng nangyari sa pasyente nyong si sir Nhel at hindi simpleng pagkauntog lang sa pinto ang nangyari sa kanya gaya ng sinasabi ni Marga. I'm sure alam nyo dok dahil dito sya itinakbo nung maaksidente sya."

" Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Nhel kay Dylan.

" Itanong mo sir kay doc. Di ba doc?"

" Alright sasabihin ko na pero ipangako nyong hindi ako madadamay dito?" wika ni dr.Severo.

" Maaasahan nyo doc pero huwag nyo rin sanang ipaalam kay Marga na nag-imbestiga kami para sa ikalulutas ng kaso." sagot ni Frost.

Tumango ang doktor at nagsimulang ihayag ang mga pangyayari.

" Ayon sa mga magsasakang nakasaksi sa aksidente, mabilis daw na nag-overtake si Marga sa kanila at nagulat na lang sila ng biglang tumalon ang sakay nito palabas ng kotse.At ikaw yon Nhel. Medyo malalim at magubat ang babagsakan kaya nagpagulong-gulong ka sa kakahuyan hanggang sa tumama ang ulo mo sa isang malaking puno at nawalan ka ng malay. Nakita ni Marga at ng mga magsasaka ang pangyayari kaya mabilis ka nilang nadaluhan at nadala dito sa ospital. Ang sabi nya ay aksidenteng bumukas ang pinto ng kotse nya kaya ka nahulog."

Hinihilot ni Nhel ang magkabilang sentido nya at tila pilit na inaalala ang mga nangyari.

" Doc ano ho ba ang tunay na kundisyon ko?"

Dr.Severo heaved a sigh. " You are in the state of transient global amnesia Nhel."

Próximo capítulo