webnovel

Threath

Laine's Point of View

" Ok Laine, sagot na namin ang lahat ng isusuot mo sa pageant night.Ang gagawin mo na lang ay mag-rehearse ng para sa talent portion at sumama sa practice nyo ng ibang candidates sa pagrampa.Everyday na ang practice starting tomorrow, from 8 am to 11 am then lunch break then be back ng mga 2pm onwards depende sa ire-rehearse nyo.You have exactly 2 weeks na lang for the preparation, kaya paspasan na tayo dito." sabi ng baranggay secretary sa akin.

Kasama ko si Nhel at ang barkada sa pagpunta dito sa baranggay.Grabe napaka- hectic na ng schedule ko simula bukas.Buti na lang nakapag-bonding na kami ni Nhel nung Saturday, nag movie marathon kami at kahapon namasyal lang kami kung saan-saan gamit ang tricycle nila na sya ang nag-drive.

Sya naman ang magiging bantay ko sa mga rehearsals kasama nitong apat na kaibigan namin.

Suportado rin ako ng pamilya ko at talagang manonood daw sila sa pageant night kasama ang mga kapamilya ni Nhel.

Dumaan ang mga araw na talagang bugbog kami sa pagod at puyat lalo na yung mga huling limang araw, halos gabi na ako naihahatid ni Nhel sa amin.Naaawa na rin ako sa kanya kasi todo suporta sya sa akin, yung apat kasi minsan hindi nakakasama kaya kaming dalawa lang talaga.

Three days before ng fiesta ay darating si ate Merly.May kasama itong bisita na galing ng Manila. Kumare daw ito ni ate Merly at kapitbahay rin nila dun sabi ni Nhel.

Seven in the evening natapos ang practice namin, medyo maaga kaysa nung mga nakaraang araw na halos 10 pm na.Siguro dahil kabisado na namin yung gagawin.

At dahil maaga pa niyaya ako ni Nhel na sa kanila na mag dinner para maipakilala din nya ako dun sa mga bisita nila.

Pagdating namin sa kanila ay hindi pa sila nag-uumpisang mag- dinner.Sa likod kami dumaan at inabutan naming nagse-set na ng table ang parents nya.Nagmano kami kay tito Phil at tita Bining.

" Buti naman at maaga kayo ngayon, makakasabay namin kayo sa dinner." sabi ni tito Phil.

" Oo nga.Sige pumunta muna kayo sa sala at nandun ang ate Merly nyo kasama yung mga bisita nya." sabi ni tita Bining.

" Kanina pa po ba sila ma?" tanong ni Nhel sa mama nya.

" Kani-kanina lang bunso." sagot ni tita Bining.

" Sige dito po muna kami." paalam ni Nhel.

Magkahawak kamay kami na pumasok sa sala.Nakatalikod si ate Merly kaya hindi nya kami napansin.May kasama syang tila mag-asawa base sa pagkakadikit nung babae dun sa lalake at may kalong itong batang lalake na mga 4 years old siguro.Nadako ang tingin ko dun sa isang babae, mukhang kaedad ni Rina at medyo maputi at may itsura rin.Parang kinabahan ako pagkakita ko sa babae pero pinalis ko rin agad sa isip ko kung ano man yun.

Paglingon ni ate Merly ay agad nya kaming nilapitan.

" Heto na pala si Nhel kasama si Ms.Beautiful, ang aking hipag to be.Si Laine, yan ang girlfriend ni Nhel.

Laine sya ang kumare ko si Carmie at ang asawa nya si Tom, yung cute na bata si EJ anak nila at ito naman si Peachy kapatid ni mare.Mga kapitbahay namin sila dun sa subdivision namin.Di ba nakapunta kana dun? yung sa harap namin yun ang bahay nila." mahabang pakilala ni ate Merly.

" Hello po sa inyo." matipid kong sagot.

" Si ate talaga hindi na hinintay na ako ang magpakilala kay Laine sa kanila." natatawang sabi ni Nhel na kakamot-kamot pa.

" Ganun na rin yun.Tama naman ang introduction ko di ba?By the way, totoo ba na si Laine ang lalaban para sa baranggay natin sa Mutya ng Bayan?" tanong ni ate Merly.

" Oo teh dun nga kami galing sa practice nila buti maaga silang pinauwi ngayon.Almost two weeks na kaming halos 10 pm umuuwi." sagot ni Nhel.

Napatingin ako dun sa Peachy, medyo kakaiba ang tingin nya kay Nhel habang nagsasalita ito.Ito kaya yung kinukwento ni Nhel sa akin noon na parang may gusto sa kanya? Hindi naman daw nya maiwasan ng todo kasi kapatid daw ito ng kumare ng ate nya.Tama kumare nga ni ate Merly yung Carmie.Kaya pala parang kinabahan ako nung makita ko sya.

" Kumusta naman yung photo shoot mo dun sa isang malaking company sa Makati.?" tanong ni ate Merly sa akin.

" Ok naman po teh, next month na ilalabas yung brochure." sagot ko.

" Uy mars alam mo bang nakuhang model itong si Laine sa Montreal?" proud nyang sabi sa kumare nya.

" Montreal? Di ba sikat yun? sa Makati ang office nun at distributor sila ng mga sikat na brands dito sa Pilipinas.Balita ko meron din silang branch abroad." sabi nung Carmie.

" Talaga mars? Ang swerte mo pala Laine, isa ka sa mga models nila." tuwang sabi ni ate Merly.

" Naku teh kung alam mo lang ang pagod at puyat na inabot ni Laine sa photo shoot na yun.But it's worth it, malaki ang bayad sa kanya." anunsyo ni Nhel.

" Eh di malaki ang madadagdag sa ipon nyo nyan? tanong ni ate Merly.

" Ipon?!" biglang sumabat yung Peachy na tila nagulat pa.

" Ah oo may join account yang dalawang yan simula nung maging sila.Pwede na nga siguro akong umutang sa mga iyan." sabi ni ate Merly na nagbibiro pa.

" Wala pa teh yung cheque ko, sa 30'th pa.Share kami ni Nhel dun, alam mo na at dalawa rin kaming napagod dahil sya ang assistant ko dun." sabi ko ng nakangiti.

" Tara na kayo dito kakain na tayo." tawag ni tita Bining na nagpatigil sa kwentuhan namin.

Habang kumakain kami pansin ko ang pagsulyap-sulyap ni Peachy sa amin ni Nhel.Nahuli ko pa nga na parang nakasimangot sya habang nakatingin sa amin.Well, hindi ko sya masisisi sobrang sweet kasi ni Nhel sa akin dahil inaasikaso nya akong mabuti sa pagkain ko.

Lalo yata syang nainis nung magsalita si tito Phil.

" Laine, pwede bang duon muna sa guest room nyo matulog si Nhel kahit ngayong gabi lang? hindi pa kasi naayos yung kabilang kwarto kaya dun muna sa kwarto nya itong mag-anak.Itong si Peachy pwede ng sumali sa ate nyo.Payag naman siguro si pare." pakiusap ni tito.

" Ah tito kaya na po ni Nhel magpaalam kay dad, alam nyo naman po yun mas sya pa yata yung anak kaysa sa akin." sabi ko kay tito.

" Haha.hindi naman anak, close lang kasi sila kaya ganon tingin mo.Parang kayo nitong tita Bining mo." paliwanag pa ni tito Phil.

Nagulat na lang kami ng may bumagsak na kubyertos at tumayo na si Peachy na agad ng tinapos yung pagkain nya.

Wow, anong meron?

Nagkatinginan kami ni Nhel at nagkibit-balikat lang sya.Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko na nasa gilid nya.Tahimik lang na tinapos naming lahat ang pagkain at gaya ng nakagawian, kami ni Nhel ang naghugas ng pinagkainan.

Nung matapos na kami, nagpaalam si Nhel na maliligo muna bago kami umuwi sa amin dahil dun nga sya matutulog.Napagpasyahan kong ayusin na sa bag nya yung gamit na dadalhin nya.Dala ang bag na paglalagyan ko ng gamit, dere-deretso ako sa kwarto nya.Nagulat ako ng madatnan ko yung mga bisita ni ate Merly sa kwarto.At mas lalo akong nagulat nung makita kong hawak ni Peachy yung picture namin ni Nhel habang mukhang naiiyak na.

" Ah excuse lang po, may kukunin lang ako sa cabinet ni Nhel." sabi ko at dumiretso na sa cabinet ni Nhel at kumuha ng mga damit na dadalhin.

" Sige lalabas na rin kami, nagyayayang magkape si Merly." sabi ni ate Carmie at lumabas na kasama ang asawa at anak nya.

Napatingin ako kay Peachy dahil hindi sya sumama na lumabas.Nang makita nyang nakatingin ako sa kanya ay binitawan nya bigla yung picture namin at binalik sa kinalalagyan nito.Nakatingin lang sya sa akin habang inaayos ko yung bag ni Nhel.

" Ang swerte mo rin ano? si Nhel ang boyfriend mo tapos kasundo mo pa yung family nya. And it seems that your family likes him too." bigla na lang syang nagsalita.

" Ah oo, magkaibigan ang mga parents namin kaya ganun sila kasuporta sa relasyon namin.And I'm so lucky to have Nhel as my boyfriend because he's really a good man." paliwanag ko sa kanya.

" Matagal na ba kayo?" tanong uli nya.

" We've been together for four years and still counting." sagot ko.

" Ow, sigurado ka ba dun eh paano kung agawin sya sayo ng iba? sarcastic na tanong nya.

" Alam mo, open naman kami sa mga possibilities na ganon but if that happens we both know na kami pa rin in the end.You know, love moves in mysterious ways and eventually ang nagsumpaan sa harap ng Diyos ay hindi kayang paghiwalayin ng tao.At alam ni Nhel yon.So if you'll excuse me, I'll go ahead." pagtatapos ko sa usapan namin.

Akala nya magpapatinag ako sa sinabi nya, alam ko naman yung gusto nyang ipahiwatig.May gusto sya kay Nhel at hindi ko lang alam kung ano ang balak nya.

Huh! The nerve of that woman.Masyado syang nagpapahalata na malaki ang pagkagusto nya sa bebeh ko.Kahit anong gawin nya, kahit maagaw pa nya si Nhel sa akin hindi rin sya magiging masaya dahil alam ko at sigurado ako na sa akin ang puso ni Nhel dahil sa harap ng Dios kami nagsumpaan at Yun ang mahirap kalaban.

Mukhang may gustong manggulo sa relasyon ng ating mga bida. Ano kaya ang mangyayari? Abangan na lang po natin.

Thanks for reading. Your comments are highly appreciated. Please vote.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Próximo capítulo