webnovel

Mutual Feelings

Laine's Point of View

SUMMER vacation na.At sinabi ni daddy na mag impake na kami dahil matutuloy na kami magbakasyon sa US a week from now.Medyo nalungkot ako kasi hindi ko makakasama ang barkada at si Nhel ngayong summer.

What if, dumating si Lovie? paano yan kung I claim na naman nya na boyfriend nya si Nhel?

Huhuhu! Ngayon pa lang parang gusto ko ng magpaiwan dito kila dad.

Siguro habang hindi pa kami umaalis kailangan ko ng trabahuhin yung huling sign na hinihingi ko.Kung hindi pa ibibigay ni God ngayon atleast may naka ready na ako.

Excited lang Alyanna Maine?Charot!

Pumunta ako sa room ko at nagsulat sa isang magandang notebook.Gumawa ako ng  relationship rules.Mga limang rules lang pwede na.

Bakit ko ginagawa ito? Kasi kung ibibigay ni God yung huling sign ko, kasama itong rules na ito.Kailangan kong gumawa ng rules para yun ang sundin namin at ng hindi kami lumabag sa kagandahang asal.

Yes, kino- consider ko na yung feelings ni Nhel sa akin and the feeling is mutual.I told my dad about it and he gave me his blessings as long as we don't take it seriously.Use it as an inspiration daw not a destruction.So we have to bound by the rules dahil bata pa kami.

So after kong gawin yung rules, pasikreto akong umalis ng hindi pinapaalam kung saan ako pupunta.Nung masigurado kong walang nakakita sa akin sumakay ako ng jeep at bumaba sa simbahan.

Walang mass kaya walang tao, pumasok ako sa loob at nag pray muna bago umupo.Maghihintay ako ng mga one hour,kapag accidentally dumating si Nhel, then that's it.

Kaya lang, natapos yung itinakda kong oras walang Nhel na dumating.

It's  alright, yun naman talaga ang purpose nun, naghihintay nga ako ng sign di ba?

Ginagawa ko yun halos everyday and unfortunately hindi nangyari hanggang sa dumating yung araw ng pagpunta namin sa US.

Ayos lang, maybe it's not yet the right time for us.

But before the day bago kami umalis, nagpaalam ako sa barkada.And as usual mawawala ba yung katakot-takot na bilin na pasalubong as if naman makakalimutan ko sa sobrang kulit nila..haha.

" Nhel, ikaw ano gusto mo pasalubong pag-uwi ko?" tanong ko sa kanya.

" Nothing, basta safe ka lang makauwi okey nako dun". malungkot nyang sabi.

I sighed.Malungkot din naman ako medyo matagal rin kasi ang two months.

" Okey ako na lang bahala.Pero promise me you'll behave ha?" sabi ko.

" Oo naman, takot ko lang sayo." nakangiti na nyang sabi...gosh wag ka namang ngumiti ng ganyan,mami-miss ko yan kuya.

" What if, dumating si Lovie?" tanong ko ulit.

" So, ano naman? Can't you trust me prinsesa ko?"

Namula ako sa endearment nya sa akin.Madalas naman nyang itawag sa akin yun pero bakit parang iba ang epekto nun ngayon sa akin.Dahil ba inamin ko na sa sarili ko na...haisst.ano ba yan!

" Uy, nag blushed sya!" asar nya sa akin.

" Tse! Tigilan mo ko Nielsen Emmanuel..baka hindi nako umuwi dito sige ka." banta ko.

"Oy, wag naman ganyan Laine, alam mo na mawawalan ako ng hangin hindi ako makakahinga.Sige titigil na po binuo mo na pangalan ko eh".

Kinilig naman ang bata kong puso sa sinabi nya pero hindi ako nagpahalata.Mamatay na umamin...

" Hahaha..sige asar pa!" sabi ko.

Hindi na sya kumibo, hinawakan nya na yung kamay ko at hinila nya na ako palayo.

" Guys, dyan na kayo ihahatid ko lang tong prinsesa ko maaga pa flight nito bukas." paalam nya sa barkada.

" Ihhh, napaka possessive mo talaga Nhel, gusto mo lang masolo yang si Laine bago umalis, paano naman kami?" sabi ni Rina.

Ngumiti na lang sya sa sinabi ni Rina.Kung may nakakaalam man sa panliligaw ni Nhel sa akin, itong apat na kaibigan lang namin.Nirerespeto nila yung pakiusap ni dad at tito Phil na wag ng ipaalam sa buong baranggay dahil maraming tsismosa na nagkakalat ng mga paninira at baka ma-iskandalo pa daw kami.

Oo nga at bata pa kami para sa mga ganitong ligawan pero hindi naman masasabing kinukunsinti nila kami dahil pinagsasabihan at pinapangaralan din nila kami bilang mga magulang namin.Inuunawa na lang nila dahil hindi nila pwedeng saklawan ang nararamdaman ng puso regardless of our age.Sabi nga ni dad, walang pinipiling edad kapag pumana si kupido.Baka kung maghigpit sila lalo lang mapasama ang resulta.

Nagtitiwala naman si dad kay Nhel at hinayaan na lang sa panliligaw sa akin basta't maghintay lang at yun nga wag na lang ipangalandakan  pa sa madla.

Hayaan na lang isipin ng mga tao na mag-bestfriend pa rin kami.

" Heh! Wag kayo mag-alala uuwi rin to.!" napukaw ang iniisip ko ng sumagot si Nhel at tuluyan ng hinila ako paalis.

Halos kaladkarin nya na ako at tila nagmamadali sya na parang may hinahabol.Nung malayo na kami, nagsalita nako.Grabe ha hinihingal na ako.

" Uy Nhel, ano ba, napapagod nako kanina mo pa ako hinihila." reklamo ko.

Binagalan naman nya pero magka holding hands pa rin kami.Grabe bakit ganito nararamdaman ko ngayong holding hands kami..dati naman normal lang tibok ng heart ko pag hawak nya ako pero ngayon, it's different parang may kuryente.Ano tawag dun?Static ba?

Parang naramdaman din nya yung nararamdaman ko kaya huminto sya at hinarap ako.

" Laine, I felt something from here" sabi nya habang tinataas nya yung mga kamay namin." We used to do this but now I felt something strange.

Hindi kaya..." binitin nya yung sinasabi nya at tinitigan ako ng ngiting ngiti pa.

" Hoy! Nielsen wag kang assumero! B-baka nangalay lang ako.T-tama nangalay lang ako noh!" sagot kong nag-sstutter na.

" Talaga? Bakit nag-stuttered  kana dyan?Sus Laine tayo lang dalawa dito,umamin ka na!" asar na naman nya.

" Aamin? Ano naman aaminin ko?"

pinilit kong tatagan ang boses ko pero sa totoo lang kumakalampag ang puso ko.Ayokong makahalata sya.

Mamatay na nga umamin!

" Na in- love ka rin sa akin!" walang gatol nyang sagot.

Naku! obvious na ba ako.Pero hindi pa pwedeng umamin, hindi pa sa ngayon, may hinihintay pa ako.Hindi pa kumpleto ang signs.Deny muna Laine deny pa.

" Hay naku Nielsen, tigil-tigilan mo ko.Wala pa akong aaminin sayo.Asan na yung linya mong maghihintay ka, bakit ngayon pinapaamin mo ako!" sabi ko with matching panlalaki pa ng mata..baka sakaling umepek.hehe.

" Huh! Ito naman high blood na agad.Tara na nga, makauwi na baka pagalitan pa ako ni tito pag ginabi ka". sabay hila na naman sa akin.

Natawa na lang ako at buti naman hindi na nya ako kinulit pa.Kaya pala nagmamadali dahil takot mapagalitan ni daddy..

Haha..good boy!

Oh I will surely miss this gwapong nilalang..Can't wait for the next two months, kung pwede lang talaga..

haisst.Asa ka pa Laine!

Próximo capítulo