webnovel

Pagbalik Tanaw sa Nakaraan 9

ILANG araw pa ang matuling lumipas at hindi na namamalayan ni Laine na totally adjusted na sya sa bagong mundo nya.

Madalas syang puntahan ng mga bagong kaibigan at kung minsan naman sinasama sya kung saan-saan para maging pamilyar sya sa mga lugar dun.Hindi na nila nakakasama si Lovie, nagtataka man sya,hindi na sya nag- usisa pa kung bakit.Hindi naman siya ganun ka- close dito, para kasing medyo hindi sila komportable sa isat- isa, ewan nya kung bakit pero yun ang pakiramdam nya...hindi tulad nung apat na kaibigan, at ease na sila sa isat- isa.

Hindi pa rin nya ulit nakikita yung gwapong palaka, buti na rin yun ayaw na rin naman nyang makaramdam ng kakaiba, bata pa sya para sa mga ganung bagay.

Ayos na sya dun sa apat na kaibigan, sila yung talagang masasabi nyang mayroon sya ngayon na nakakapagbigay ng saya sa bagong buhay at mundo nya.

" Malapit na ang fiesta ng bayan" sabi ni Wil habang nagmemeryenda silang lima sa terrace nila Rina.

" Oo nga" masayang sabi ni Candy.

" Naku insan masaya yun lalo na pag may perya na." dagdag pa nito.

" Nagtatayo na nga ng perya kanina pagdaan ko sa bayan." anunsyo ni Pete.

" Siguro bukas meron na yan." excited na sabi ni Rina.

" Ano ba itsura ng perya?" tanong nya.

Napanganga sa kanya ang apat na kaibigan.

" Uy! Wag nyo ko tignan ng ganyan, swear hindi ko talaga alam kung ano yang peryang sinasabi nyo." sabi nya, nakataas pa ang kanang kamay na tila nanunumpa.

" Haay! Mayayaman nga naman hindi alam yung mga lugar na nakapagpapasaya sa mga simpleng tao.Naku friend, isasama ka nga namin ng makilala mo ang perya."

naiiling na sabi ni Rina.

" Sige nga friend ng makilala ko na yang perya na yan..hahaha...kawawa naman ako ang dami ko palang hindi alam sa mundo." sang- ayon naman nya sa kaibigan.

At nagtawanan na lang sila sa sinabi nya.

PAG-UWI nya ng bahay nila ay agad naman syang dumiretso sa room ng daddy nya at nagpaalam na pupunta ng perya kinabukasan.Pumayag naman ito basta't ihahatid lang daw sya sa pag- uwi.

Paglabas nya ng kusina ay nakita nya ang kanyang mommy na nagluluto ng cassava cake, specialty yon ng mommy nya at itinuro na rin sa kanya ang paggawa nun...

" O Laine, andyan ka na pala,kanina ka pa ba?" tanong ng mom nya.

" Kani- kanina lang po, pinuntahan ko lang po si dad sa room nyo para magpaalam for tomorrow." sagot nya.

" Magpaalam? Para saan?" nagtatakang tanong ng mommy nya.

" Rina and Candy invited me to go with them tomorrow night in perya.

Seriously mom, ano yung perya? I don't have any idea what it looks like.hehe." nahihiya nyang turan sa ina.

" Perya? Ah yun yung may mga rides, the same nung pinuntahan natin last summer sa US, the difference is may iba' t-ibang attractions ang perya.May mga mermaids kuno, tao na kalahati ay horse, something like that.Yung pinuntahan natin sa States, it's called Carnival." paliwanag ng mom nya.

" Uhm, I see.Can I go with them mom?

paalam nya.

" Sure baby, para naman makita mo yung sinasabi ko sayo.When I have a free time punta rin tayo ng mga kapatid mo.Sumama kana muna sa mga friends mo bukas.Have fun anak!" masayang pagpayag ng mommy nya.

" Thanks, mom, I love you!"

" Love you too,anak!"

" Ah syanga pala, pwede mo bang dalhin tong cassava cake kay Mareng Bining? favorite nya kasi ito"...pahabol na utos ng mom nya.

" Saan po ba yung bahay nila Tita Bining mom? Hindi ko na po tanda eh." tanong nya.

" Ah oo nga pala, iba na yung style ng bahay nila ngayon, pagkalampas mo dun kila Rina tapos sa harap ng bahay nila Tito Toots mo, yung kulay beige, yun yung kila kumare.Tanda mo ba yung puno nila ng anonas? Nandun pa rin sa harap ng bahay nila kaya di ka maliligaw." mahabang paliwanag ng mom nya.

" Okey mom, akin na po, dalhin ko na lang yung bike para mabilis ako." saad nya.

" Sige anak, ingat ka!" sabi ng mommy nya.

Umalis na si Laine sakay ng bike nya papunta sa kumare ng mommy nya dala ang cassava cake.Madali naman nyang nahanap ang bahay dahil sa puno ng anonas at katapat ito ng bahay ng tiyuhin nya.

Nakabukas ng bahagya ang gate kaya pumasok na sya sa bakuran at iniwan na lang nya ang bike nya sa labas na nakasandal sa bakod.

Kumatok sya sa pinto at laking gulat nya ng makita ang nagbukas sa kanya...

OMG!

Sino kaya ang nakita ng ating magandang bida?.Abangan nyo na lang po...thanks for reading.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Próximo capítulo