webnovel

How does death feel?

Disclaimer: This novel was not edited by a professional editor or proofreader thus you might encounter some grammatical errors.

-------------------------------------

How does death feel?

Sabi nila... kasing bilis daw iyon ng isang kurap. Sa sobrang bilis ay hindi mo na ito mamamalayan. Magugulat ka na lang, patay ka na pala. Ang bawat buhay na umusbong mula sa putik ay muling babalik sa lupang pinanggalingan nito.

Nang mga sandaling ito napatunayan niya na ang kamatayan ay hindi mabilis, hindi rin isang kurap. Dahil ito na pala ang pinakamabagal na sandali sa iyong buhay na para bang nanonood ka ng isang eksena sa pelikula. Babalik uli ang lahat ng iyong alaala mula sa unang pagdilat ng iyong mga mata hanggang sa huling segundo ng iyong paghinga.

Natanaw niya ang mabilis na pagtalon ng binata mula sa tuktok ng building. Paulit-ulit nitong sinisigaw ang pangalan niya habang siya naman ay patuloy na nahuhulog sa tila walang katapusang kawalan. Katulad niya ay naghahanap din ng milagro ang mga kamay nito at pilit siyang inaabot—baka sakali na sa pangalawang pagkakataon ay maging mabuti pa rin sa kanila ang panahon.

"TAKE MY HAND!!!"

Ang sigaw nito ay tila iyak ng delubyo na humampas sa buo niyang katawan at naghatid ng mas matinding panginginig sa kanyang kalamnan na higit pa sa lamig ng hangin.

Ngunit kahit ano ang sikap niya na maabot ito ay hindi pa rin pinagtatagpo ang kanilang mga palad. Pakiramdam niya may isang malaking bato ang nakatali sa kanyang bewang at patuloy siyang hinihila pababa… pababa nang pababa sa malaking bunganga ng kamatayan na handa siyang kainin, nguyain at lamunin nang buong-buo.

Ito na marahil ang paniningil sa kanya ng tadhana. Bawat utang ay may kabayaran at dumating na ang araw na kanyang kinatatakutan.

Hindi siya bumibitiw ng tingin sa binata sa takot na sa sandaling pumikit siya ay hindi na niya uli masisilayan pa ang kulay tsokolate nitong mga mata na siyang tanging may kakayahan na baliktarin ang buong mundo niya sa pinakanakatatakot ngunit napakagandang paraan.

Kung babalikan niya ang lahat, ang buhay niya ay maihahantulad sa isang maganda ngunit masalimuot na sayaw. Siya'y tumalon, bumaluktot, pumihit at umikot. At katulad ng mga sayaw na kanyang naitanghal sa entablado lahat ay hahantong sa dulo ng musika.

"NOOO!!!"

+++

KISS OF DEATH AND SHADOWS (Grim Reaper Chronicles Book One)

Philippine Copyright © 2019 Anj Gee

All Rights Reserved

Ang kwentong ito ay kathang isip lamang mula sa author. Ang mga karakter at pangyayari ay hindi base sa kahit sinung tao o kaganapan. Ang buong nobela ay hindi maaaring kopyahin, i-post, i-print o kahit anung uri ng distribusyon ng walang pahintulot mula sa author. ANG TAONG SUSUWAY AY MAAARING MAKASUHAN, MANAGOT SA BATAS, MAKULONG AT MAGMULTA NG SALAPI.

TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r@pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas

Hey Cupcakes! THIS IS THE REVISED VERSION. This series is formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper".

Kaway-kaway sa Pinoy readers! PLEASE ALSO PATRONIZE FILIPINO CREATORS! Tangkiliin ang sariling lenggwahe natin at suportahan ang Filipino Literature. Sana ay magustuhan niyo ang istoryang ito! Enjoy reading! Maraming Salamat po!

Join our FB GROUP: Cupcake Family PH

AnjGeecreators' thoughts
Próximo capítulo