(Sena POV)
Kumain kami na parang nakalimutan na nga ng mga bata ang nangyari kanina. Ngunit halatang nanahimik lang si Sean. Iniisip kung paano nga ba ibabalanse ang nangyayari sa paligid niya.
Sa ginawa mong komplikado ang buhay mo Sean. Yakapin mo. Okey na sanang maging single Mom lang ako. At least kinaya ko. Kesa naman heto nga, gumulo ang paligid.
"Mommy, please make us your egg sandwich later." Ngumiti ako sa kanila.
"Mommy, tig tatlo kami, kasi nga po nag-promise kayo na babawi kayo sa amin." Si Shin.
"Di ka na din mahihirapan Mommy. Ganda kaya ng kusina ni Daddy."
"Yun lang ang kayang gawin ng Mommy niyo? Egg sandwich?"
"Daddy, simple things make a bigger thing." at napakindat si Shin sa daddy niya.
"How's the taste?"
"Delicious." Si Shun na sabay sabay ang mga baby ko na napathumbs up sa akin. Habang si Sean napangiti na lang sa akin.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com