@International_Pen
((( CECILE )))
"Miss Sena, bakit…" ang daming tanong biglang naglaro sa aking isipan. Lalo na nang tumalikod sa amin si.. Miss Sena. Parang ni isa sa tanong ko, ayaw niyang sagutin.
Natahimik na lamang ako…
At si jane pinigilan ko na din. Hayaan natin na palipasin ang oras na ganito. Alam ko na may isa sa kanila na kailangan ibaba ang pride nila.
Nang inahanda na nga ni George ang sasakyan.
"Miss Cecile, ano ba talaga ang nangyari?" tanong sa akin ni Jane.
Pero lumapit na ako kay Miss Sena.
Naisipan niya atang lumabas muna. Oo, Miss Sena, toxic nga masyado ang lugar na ito ngayon. Mas makakabuti nga na magpahangin nga si Miss Sena.
"Miss Sena, sigurado po ba kayong… di na kami sasama?"
Si George lang? Ang kapatid niya at si Tolits.
Umiling sa amin si Miss Sena.
"Kung ganoon, umuwi po kayo kaagad."
Nang magulat ako na…
"Di na babalik ang kapatid ko dito."
"… Miss Sena."
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com