@International_Pen
((( SENA )))
"Are you trying to defend yourself Sena?"
Sa itinugon at kinilos ni Sean… parang biglang gumuho ang kinakatayuan ko. Tumigil sa pagtibok ang puso ko… o sadyang di ko nararamdaman dahil… balot na ito ng sakit. Nasasaktan ba ako?
"Sean, wala akong ginawa sa kanya!"
"Shhh… watch your tone. Let's talk for a real now. Ano ang nadatnan ko."
Titig na titig ang mata niya sa aking mata.
Oo Sena, kailangan niya ng sagot.
"Nag-aaway kayo ni Rymalene, dahil sa nangyari?" tanong niya na tumaas ang isang kilay niya. Halata ding nagtitimpi siya ng galit.
"I am wrong Sena?"
Tumulo ang luha ko sa aking pisngi… na di man lang ako napakisapmata. Di si Sean nagbago Sena… ikaw itong tuluyang nagbago.
Saka nga pinunas ko ng aking daliri ang luha ko.
Tumango ako…
"Sena. She just want of your forgiveness, bakit di mo maibigay sa kanya." Nanlilisik ang mata niyang sabi.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com