@International_Pen
((( Sena )))
"A-anong nangyayari Cecile?" siko ko sa kanya… dahil siya itong umaalalay sa akin. Di nagasalita kundi, dahan dahan akong pinapasok sa saksakyan na nakabukas na naghihintay.
Kala naman… First lady ako ng isang bansa.
Agad na pinatakbo ang sasakyan… na di ko man lang nakita kung nasaan na sila Luis.
Kung tatanungin niyo ang nararamdaman ko… Sa totoo lang gusto ko nang umiyak. Talagang natatakot na ako.. pero kailangan kong maging matatag. Baliw baliwan lang ako dahil… yun ang paraan para mawala ang takot… at sana yung takot ang matakot.
Kasi di ko siya pinapansin. Marami ang humaharap ngayon sa takot… pero kinakaya nila… dahil di tayo magiging malakas… kung wala ang takot na yan. Kaya Sena my labs. Fighting! Sabay ka lang muna sa agos… at kung may mabuo na tayong plano… Go for it! Wag matatakot.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com