@International_Pen
((( LUIS )))
This is not good either, ang biglaang paglantad ng Ama ni Sean. Na halos mapuno ang ulo ko ng mga nakuhang impormation kaagad ng mga tauhan ko. Parang isang bomba na pasabog sa amin ni Sean. Malayo akong nakatitig sa labas… at di ko na alam ngayon ang maari kong maitutulong kay Sean.
Siya ang nasa likod ng C.O, … siya ang nakikipaglaro sa buhay namin… at siya din ang nagpabalisa sa lahat ng tao kung nasaan na nga siya ngunit lihim ngang pinaglalaruan kaming lahat.
Napabuntong hininga pa ako na… itong si Sean di man lang iniisip ang gagawin niya, agad na pupunta sa kanyang ama na di man lang talaga nag-iisip. Magulo… parang hinihigop si Sean ng kanyang ama… at pagkatapos ano? Sa likuran ni Sean siya mag-uumpisa…
… at may kinalaman ito… sa Kompanya niya… at buhay niya.
"Master Luis… nakuha na namin ang pangalan ng pamilyang susunod na Host ng C.O."
"Who?"
"Espeloy Family."
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com