webnovel

Chapter 683 Time

@International_Pen

((( Sena )))

Nanahimik na lang ako. Sa ayaw naman ata talaga ako pakingan ni Sean. Di lang niya alam na masasakit yung sinabi sa akin ni Elaine, kung bakit nga nagulo ang silid na ito. Pinigilan at kinalma ko lang ang sarili ko… dahil baka may masamang mangyari sa dinadala ko. Saka bata lang si Elaine para patulan yung mga sinabi niya… at may saltik naman talaga sila, ito ngang si Sean meron, si Elaine pa kaya. Sa ngayon ang alam ko lang kailangan ng isang ina na gagabay sa isang kagaya ni Elaine, na kahit ano-ano na ang nalalaman na di pa nga sapat ang gulang.

"Oo na, ginusto ko na maglasing kagabi Sean." Sabay bangon ko sa higaan. Walang lingon na tumungo sa banyo. Paglabas ko.. may kinakausap si Sean sa kabilang linya. Ako labi ko mukha nang pato, dahil di man lang pinakingan yung saloobin ko. Nang mapatitig ako sa orasan, wow… hapon na naman pala?!

Capítulo Bloqueado

Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com

Próximo capítulo