@International_Pen
((( SENA )))
Nagtatanong si Sean kung ano ang ipapangalan namin sa magiging mga anak namin. Napangiti na lang ako kasi… excited din siya makita yung triplets namin. Napatiptoe na lamang ako… kasi nga masyado siyang matangkad para manakawan ko ng halik. Hinalikan ko. At medyo nagulat si Sean. Kaya napa-urong ako at ngumiti.
"Thank you Sean sa pag-sagip sa kanila."
Baka kasi isipin niya na inuna ko pa yung kalagayan ng mga pusa kaysa sa kanya. Kung wala nga siya ako na sana ang tatalon eh. At kapag ginawa ko… siguradong tutuluyan ni Sean na lunurin ang mga kuting.
"Sinuwerte lang sila dahil ang baliw kong asawa ang nakakita."
Kailangan na atang masanay sa mga salita niyang "baliw" at "biik." Sa napaghahalataan naman talaga ako kung minsan.
"Kumain na tayo."
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com