@International_Pen
((( SENA )))
Nang magising ako, wala si Sean. Hapon na nga eh… at palubog na naman ang araw. Galing ko talaga… Ahahaha… Nawitness ko yung pagsilang niya, ngayon palubog naman. Baby, galing nating dalawa. Pero medyo masakit ulo ko… Ano ba ang nangyari?
Nanlaki mata ko ng maalala ko. Saka ako napasalpak sa unan ulit. Kinagat ko si Sean?! Para lang masabunutan ang Danicang yun… na never ko pa nagawa talaga. Haist… Ano ba to?!
Nagpagulong ako sa higaan… hangang sa mahuhulog sana ako.
Ano kaya iisipin sa akin ni Sean? Trying hard na maging tigre? Ahahaha…
Napaupo bangon ako… at halos tumalon ang puso ko sa gulat dahil kay Cecile na kala mo naman sumulpot na lang bigla. Di ba sila napapagod na maghintay sa pag-gising ko.
"Hi Cecile…"
Tinanguan niya si Jane, at lumabas ito.
May pinapakuha ata.
"Si Sean?"
"Umalis, Miss Sena."
Napatango ako… Wala ba siyang hang over?
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com