@International_Pen
((( SENA )))
Sabay ko abot tapon ko sa kanya ng bente. Dahil natatawa na siya sa akin.
"Wow, tinatapon mo na lang ang bente."
"tss…"
Pumasok na ako ng simbahan, tipong ako 'tong napapagtripan ng maaga ni Sean. Pero nawala yun dahil… ang ganda ng simbahan. Wow… madami na ring tao, at di naman ako taga dito sa baying to, kaya wala akong kilala ata? Malay natin may kilala ako diba?
Naupo ako malapit sa may mga kumakanta. Para feel ko ang unang simbang gabi ko. Wow, ganda ng boses nila. Namalayan ko na lang may naupo na sa tabi ko. Napa-akbay sa akin. Sabay bulong na wag na wag daw akong titig sa ibang lalaki. Napasiko naman ako sa kanya bilang sagot ko. Ninanamnam ko yung kanta ng quire. Inalis ko yung akbay ni Sean sa akin… ngunit napalala pa kasi… napayakap na lamang siya sa bewang ko.
"Ang Arte ni Mommy."
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com