@International_Pen
((( SENA )))
"bakit nga ba ayaw mo pa Luis maghanap ng mapapangasawa?"
Tanong ko… na di ko napigilan ang sarili ko na sumali sa usapan nila.
"Haist. Bakit ako ang hot seat dito?"
"mainit ba dyan Kuya Luis? Palit tayo."
Napangiti na lamang ako dahil parang naasar si Luis na siya nga itong pinag-uusapan namin, at nawala yung ideya na tungkol kay Sean.
Naghihintay ako sa isasagot ni Luis, na halata naman ata niya.
"Hoy Kuya Luis, matanda ka pa kay Sean. Bahala ka baka magkaroon na ng expiration date yung itlog mo… at damay yung binhi." Na napatitig ako kay Elaine… Bakit ganito ang laman ng kukuti ng dalagitang to.
"Ikaw… umayos ka nga, kababae mong tao. Pareho talaga kayo ni Sean no…"
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com