@International_Pen
((( LUIS )))
Halos mamatay na naman sa kakatawa si Elaine. Ako na lamang ang napasapo sa aking noo. Oh well Sean, wala akong kinalaman dito. Ikaw lang talaga ang napuntirya ni Elaine na paglaruan. Napailing na lamang ako na tipong pinapakita pa sa akin ni Elaine ang kalokohan ng isang dalagitang kagaya niya. Hingang malalim Luis. Baka ako itong atakihin sa puso na maaring gawin ni Sean sa kanya.
Nahalata bigla ni Elaine ang pananahimik ko.
"Kuya Luis, don't worry… Di ko to gagawin na wala naman akong pang shield sa sarili ko. Ahahahaha… Hala ka… aakyat ba sila sa bakod?! Matutusta na ata si Kuya Sean nito. Ahahaha."
Okey, alam kong nasisiguro niya ang kaligtasan niya. Dahil nga, magaling siya tungkol dito. Si Elaine na habulin noon nang mga taong gustong pumatay sa kanya. Kagaya ng dinadala ni Sean, na kahit nasa tiyan pa, may gusto nang pumatay. Nakakagalit lang dahil siyang ama pa ang gustong pumatay dito.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com