@International_Pen
((( SENA )))
Nang may tumunog bigla sa tenga ni Sir Josh.
"Yes Sir."
Saka mahina niya akong binulungan sa Tenga.
"Sena, mabuti pang magpakita ka na sa kanila. Ayaw ka ata tulungan ni Sir Luis, kasi… alam mo na ang kinapitan mo… Kunti na lang baka tuluyan na kaming durugin niyon. Hindi na isang Madrid si Sir Luis, kaya naman… back out na kami."
"Teka…" Aktong tatalikuran na ako ni Sir Josh. Pero lumingon lang siya… ngunit yun parang ninja na lumusong. At halos mapabalik ako sa kinatatayuan ko na… napakataas na ng bakod na yun. Tanging nagawa yun ni Sir Josh dahil naka full equip siya… may lubid… habang ako… wala… at buntis. Bakit ngayon pa nagbago isipan nila na tulungan ako! Kala ko ba sa muling pagkikita ko sa kanila may panibago na naman akong pag-asa… pag-asa na makawala sa mundo at pagkatao na gustong isiksik sa akin ni Sean.
Hoy! Ayoko maging Nega!
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com