webnovel

Chapter 482 Thief

@International_Pen

((( SENA )))

Okey lang daw ako. Sabi ng doctor… kailangan ko lang mapanatili yung pagiging hydrated. Yan baby, kahit masakit ang damdamin ni Mama, okey na ako basta okey ka lang sa tiyan ni Mama. Inaaway na lang tayo ni Daddy no? Sabi ko na lang sa sarili ko, na nahiga ulit patalikod sa kanilang lahat.

Nang nagsi-alisan sila. Dahil narinig ko yung pinto sumara. Kamusta naman kaya yung… isa… umalis na din ba siya?

Nagulat na lamang ako ng may humila ng kumot. Kaya napaupong bangon ako.

Napaharap ako sa kanya.

"Di kita sinama para mahiga lang dito. Gusto mo dibang pumunta sa Death Anniversary ni Theressa. Tumayo ka dyan!"

Sa likuran niya… yung mga utusan na babaing nakayuko at naghihintay sa pagbangon ko.

Di ako iiyak. Kahit yang pang mga mata ni Sean ang nakatitig sa akin. Hindi ako iiyak. Hinding hindi na ako iiyak sa harapan niya.

Capítulo Bloqueado

Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com

Próximo capítulo