@International_Pen
((( Sena )))
Gamit ang kanyang kamay may pinitas si Sean.
"Tabi Sena." Utos niya sa akin, at nagulat na lamang ako ng tumalon siya, sa harapan ko. Ako ata itong nalaglagan ng puso. Saka nakangiti siyang tumayo…
"Medyo mali ata yung landing ko."
Yung tipo na parang nawala sa normal yung takbo ng oras. Tibok ng puso ko… ang bilis, dahil sa ngiti niya… at tuluyan nga sa akin iniharap yung manga na may tangkay pa. Natulala ako … alam ko.
Pero… ng matauhan ako, inis kong binatukan si Sean.
"Aw…!"
"Magpapakamatay ka na ba!"
"Bakit anong ginawa ko!"
"Bakit mo tinalon yung Manga!"
" Sa mababa lang naman. Kala nito mamatay ako."
Pero isa pang upak ang natikman niya galing sa akin.
Saka ko kinuha yung manga na ngayon namimilipit na siya dahil sa paghampas ko ng braso niya.
"Yung Injure ko Sena kahapon!"
"Tumalon ka pa kasi."
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com