@International_Pen
((( SEAN )))
Di na ako magtataka kung di pa ngayon gising si Sena. Tulog na tulog parin ng pumasok ako. Nilapitan ko ulo ng buhok niya…siya, at sa gulo ng buhok niya, hinalikan ko siya sa kanyang noo. Panibagong araw para simulan ng maaga ang maaring mangyari ngayong araw.
Nagbihis ako para sabayan ang maagang pag-gising din ng aking ama na kanina nakita ko maagang bumangon para maglakad lakad sa labas upang samyuhin ang maagang hangin. Nang lumabas ako… nakita niya ako…
" Aaron!"
Isang tango ang itinugon ko, habang napapa stretch ako ng aking katawan para simulan ang takbo ng araw ngayon. Ginagawa ko ito sa ikakabuti ng kalusugan ko, dahil ang disiplina ay nagsisimula sa sarili natin.
Papalapit na sa akin ang aking ama ng tumakbo na ako. NIlampasan siya.
" Batang to! Di man lang ako batiin ng magandang umaga?!"
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com