@ International_Pen
((( SENA )))
Nang marinig ko ang mga katagang babala ni Sean sa akin… natigilan ako. Dahil kahit nga ganito ang nagyari… heto parin siya Sena… sinusuyo ka… Gusto ka niyang kasama… at magkatuwang kayong haharapin ang problemang ito. Hindi ka niya iiwan Sena… heto siya ngayon… tapos tatalikuran mo ulit. Anong gusto mo, habulin ka pa niya! Papahirapan mo pa siya! Oo, di mo deserve itong ginagawa niya… at sana alam mo yan! Pero ano… deserve ba niyang talikuran mo siya?! Masama sa'yo Sena… naging kampante ka… umasa ka kay Sean… bahala na si Sean… na sa totoo naman marami siyang problemang kinakaharap at dinaragdagan mo pa ngayon ng pait … lalo na sa panibagong problemang ito. Sinabi naman niyang may pag-asa… at ikaw itong kusang nagconclude na iiwan ka niya. Mahiya ka Sena! Wala ka bang tiwala sa kanya!
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com