@ International _Pen
((( SEAN )))
Pero naunang magpaalam si Sean ng magpakita na sa kanya si George.
George! Tumataba ka na, try mo din mag exercise. Ninanakaw mo na naman asawa ko.
Naiintindihan ko naman. Tiyak may pinaghuhugutan si Sean kung bakit magiging abala siya ngayon.
Kumain kami ng agahan kasama yung mga bata ni Tang Ismael… medyo naninibago ako sa ingay dahil magulo talaga tong si Tang Ismael at idadag pa natin ang dalawang batang to, na pinapangunahan nga ni Tolits. Mas mabuti na ngang sumabay din sa gulo nila.
" Kain kayo ng carrots saka kalabasa maganda yan sa mata."
" Eh bakit puro gulay?"
Oo nga… ki aga-aga puro gulay?
"Para yung apo ko alusog na lumabas. At kapag inasar niyo, di papatalo sa inyo."
Sabay titig sa akin ni Tang Ismael.
Para sa akin pala ito. Kala ko pa naman sa kanya dahil naalala ko noong first time namin kumain ni Sean kasama si Tang Ismael.
" Nang di niyo binubully."
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com