@ International_Pen
((( SENA )))
" Natatandaan ko pa ng kabataan ko… ganitong klaseng porma ang sikat noon. Anong Brand nga yun? Hmmm…"
Ayan na nga may napagtitripan na naman si Tang Ismael. Magtago ka na Butler Nazi… Tumuloy na siya sa loob… At naupo.
" Magkano ba ang bili mo nito Aaron?"
Ngunit ngumisi na lamang si Sean. Na ikinasiko ko sa kanya.
" Tay, heto po yung uspa-usapang Hunted House na ipinagbibili sa halagang isang libo. Binili po ni Sean."
" Ano?" Si Sean. Siniko ko ulit. " At dahil may kasungitan nga po ang anak ninyo… natakot sa kanya yung mga multo at nainsecure yung mga White Lady sa ganda ng kutis niya."
" Storyteller definition… telling lies."
Sarap salpukin ng uli ni Sean. Di na lang umu-o. Siya na nga tong tinatakpan ko. Pero napatango naman si Tang Ismael. Dumating yung mga katulong na may dalang meryenda. Pinagsilbihan nila si Tang Ismael…
Habang nagmamasid siya.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com