@ International_Pen
((( LUIS )))
" Wala pa siyang alam tungkol dito. At alam ko puno ng tanong ang isipan niya. Luis, katulad ng sinabi mo kanina… alam kong nasasaktan siya. Di ko kayang linisin ang pangalan ko sa kanya dahil nasa paligid lamang si Chelsea. Tiyak siya ang kauna-unahang magpapakamatay sa pamamahay na ito."
" Tanga." Yun ang bigla kong naisambit sa kanya. " Anong pakialam mo kung magpapakamatay siya. Hindi siya Sean ang responsibilidad mo, kundi ang asawa mo!"
" Luis, naipaliwanag ko na saiyo kung bakit ko ito ginagawa. May plano ako."
"Then tell me."
" At bakit ko saiyo sasabihin."
" Sino pa ang tutulong sayo Sean? Di'ba ako lang naman ang nasa likuran mo?"
Ngumisi siya sa akin. Napatayo. " Kaya ko ang larong to." Saka tuluyan na akong tinalikuran. Ngunit bago lumabas…" But one thing I need… please make Sena trust me. Tiwala lamang niya ang kailangan ko."
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com