@ International_Pen
((( Sena )))
Di pa ba talaga alam ni Tang Ismael na asawa ako ng anak niya? Makahinala to, nakakasakit ng pride… katulong lang.
" Anong ibig mong sabihan Iha, nag-apply na katulong sayo si Sean at ikaw itong mas mayaman pa sa kanya."
Hahaha… di naman pala nakakababa ng pride. Mas mayaman pa pala ako kay Sean. Loko lang si Tatang, ganyan nga at talagang magkakasundo tayong dalawa.
Lumapit na ako sa kanya. Namiss ko ang matandang to. Di man lang sinabi sa akin ni Sean na siya ang pakay niya sa Probinsyang ito.
" Di po. Wag po kayong magugulat … Asawa po ako ni Sean."
" Asawa? Ikaw?"
Opo. Ako nga po. Tumango na lang ako.
" Ginayuma mo anak ko?"
Ayan na naman ang gayumang yan. Talaga bang effective ang gayuma o sadyang mapanakit talaga magsalita ang mga taong ito? Haist… kung magkaka-anak talaga kami ni Sean, ilalayo ko anak ko sa mag-amang to. Napaka negative naman… Sa bait kong to… tanging-tangi sila?
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com