@International_Pen
((( Sena )))
Raise and Shine myself! Di tayo kumain kagabi!
Opo, nagising ako na kumakalam sikmura ko.
Ganda ng umaga sa Singapore. Mala ginto ang sinag ng araw. Bago ako bumangon napaunat ako ng kamay ko.
Si Sean? Wala na sa tabi ko.
Pero may mali talaga sa tiyan ko... Since na dumating ako sa puder ni Sean, di ako ginutom niyan. Teka... napabaling ako sa higaan...
At parang may digmaan na nangyari kagabi. Puti pa naman yung bedsheet... saka kumot.
Nagmadali ako pumunta ng banyo. Dinaanan muna ang drawer saka kumuha ng napkin.
Haist... Sino na naman kasi ang nagpalit ng damit ko na di man lang... teka lang?...
Si Sean. Di man lang nilagyan ng Napkin yung Underwear ko. Alam naman siguro ata niya na daratnan ako. Hahaha... pero ok lang, since di natuloy ang malagim niyang plano sa akin. Very good timing ka talaga Bloody Mary.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com