@ International_Pen
((( Sena )))
Bago pa man makapagsalita yung Doctor... Nagulat na lang kami ng may bumagsak...
Si Rhen.
Nahimatay...
" Miss Rhen!"
Walang nagawa si Sean kundi humakbang palayo sa akin at buhatin si Rhen. Napatayo na ako sa pagkaupo para ibigay ang sofa... Agad naman siya tinignan ng Doctor...
" Rhen..." gising din sa kanya ni Sean.
Kikilos din sana ako ng biglang natigilan ako... Napaharap ulit ako...
Si Sean nag aalala para kay Rhen.
Ano naman ngayon? Ganyan naman talaga si Sean diba? Hay naku Sena...
Pero namalayan ko sarili ko... napahila na ako ng sleeve niya...
Tinignan niya ako...
Saka bumaling sa Doctor...
" Call George for this matter."
Saka na hinila ni Sean ang kamay ko at lumabas na kami ng silid.
Tahimik si Sean sa may sala at di mapakali...
Anong tumatakbo sa isip niya?
Naupo na din ako sa harapan niya. Siguro kailangan namin pag usapan yung tungkol kay Rhen.
"Sena... sorry."
Huh? Bakit nag sosorry ang lalaking to...
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com