"Kaya nangyari ito sa prinsesa dahil may natamaan siyang hindi nakikita ng tao," pahayag ng babaeng albularyo habang pinakakalat nito ang usok ng insenso sa loob ng silid ng natutulog na prinsesa.
"Kung ganoon, ano ang dapat naming gawin?" tanong ni Reyna Marikit habang nakayakap siya sa asawa.
Itinabi ng albularyo ang pinauusok nito at tumabi ito sa prinsesa. "Kailangan ninyong mag-alay."
"Kahit ano, ibibigay namin magising lang ang aming anak," walang pag-aalinlangang turan ng hari.
"Kailangan ninyong mag-alay ng buong baboy at i-lechon ninyo 'yon." Pumikit ang albularyo at idinampi nito ang palad sa ulo ng prinsesa. "Naririnig ko ang tinig ng natamaan ng prinsesa. Humihiling siyang sarapan daw ninyo ang pag-lechon. Kailangan daw malutong ang balat."
"Iyon lang ba ang gusto niya?" tanong ni Reyna Marikit.
Malalim na napabuntong-hininga ang albularyo bago ito dumilat. "Kailangan daw, 'yong lechon ay nanunuot sa sarap at masarap kahit walang souce."
"Kung ganoon, ngayon din ay mag-aalay kami ng lechon." Kumalas ang hari mula sa pagkakayakap ni Reyna Marikit.
"Sandali lang, Haring Matipuno. Mayroon pa siyang hinihiling." Muling pumikit ang albularyo. "Lagyan din daw ng mansanas sa bibig ang lechon para syosal."
"Kung iyon ang gusto niya, susundin namin ng aking reyna."
"Hindi lang letchon ang gusto niya," turan pa ng albularyo habang nakapikit pa rin ito.
"Ano pa ang gusto niya?" Lumapit si Reyna Marikit sa albularyo.
Dumilat ang albularyo. "Humihingi rin siya ng dessert dahil nakakaumay ang letchon."
"Dessert? Anong pagkain iyon?" pagtatakang tanong ng hari.
"Pantanggal sa umay ang pagkaing iyon." Tumayo ang albularyo at bahagya itong ngumiti. "Fruit salad ang gusto niya at kailangan, maraming fruit cocktail. Damihan din daw ng gatas."
"Kung ibibigay namin sa kaniya ang mga alay, gigising na ba ang anak namin ng reyna?"
•*•*•*•*•
Ang istoryang ito ay mula sa aking orihinal na katha at kung ano man ang pagkakatulad nito sa ibang akda, hindi ko iyon sinasadya. Ito ay buong puso kong inihahandog sa inyo.
No To Plagiarism!
Pinaghirapan ko ang istoryang ito at talagang kinalkal ko pa ang kailaliman ng aking utak nang sa gayon ay makaisip ako ng ganitong uri ng istorya.
Plagiarism Is A Crime!
Halina't samahan si Impa sa kaniyang kagagahan at kalokohan. Humanda na ring tumawa at kiligin sa kaniyang nakababaliw na istorya.