webnovel

PUNO NG TAMBIS

HTG's|Note: Hii ! gusto ko lang sabihin na HINDIKOKASIALAMANGTAGALOGNGTAMBIS kaya, bear with me please ... Haha !!! Short update lang to . Enjoy reading c(:

See the picture at the top ...

---

PUNO NG TAMBIS

Madaling araw noon nung mangyari ang kababalaghan na naranasan ko. Sa bahay namin sa tapat mismo ng bahay namin ay may puno ng tambis. Lagi syang namumunga every month at lagi namang nauubos dahil hindi pa nga hinog pinitas na ng mga kapitbahay namin.

Yong bunga nya kasi, matamis na kahit hindi pa hinog. Kulay yellow green ito at may pink din. Yong natanim kasi ni tito kulay yellow green. Hindi amin yong puno sa tito ko yon which is kapatid ng mama ko ang asawa nya. Doon lang daw nya itinirik dahil bubunga daw yon doon.

Nung una, masaya magkaroon ng puno ng tambis. Kasi, kapag gutom ka pumitas ka lang ng marami mabubusog ka na (masarap isawsaw sa suka na may asin) di kalaunan, natatakot na ako dahil sa mga nakikita at naririnig ko.

Madaling araw noon ng martes nang mapag pasyahan kong lumabas para mamitas ng tambis. Namunga na naman kasi ito. Nagugutom na kasi ako at kahit isag duling wala akong pambili ng makakain. At isa pa, wala naring nag titinda sa ganitong oras.

Pagka labas ko ng bahay para pumitas ay natigilan ako sa kinatatayuan ko. May babae kasing nakaupo sa ilalim ng puno ng tambis. Nagtaka naman ako dahil alas tres na ng madaling araw at nasa labas pa sya.

Pumitas parin ako ng tambis at hindi pinansin yong babae. Mga sampo ata yong napitas ko mula sa puno. Napa ngiti naman ako dahil, sigurado akong mabubusog na naman ako nito.

Dumako naman ang tingin ko sa babae kanina dahil ngayon eh, umiiyak na sya. Hala? Bakit sya umiiyak? Natanong ko bigla sa sarili ko. Ilang pulgada lang ang layo ko sa kanya mga tatlong hakbang siguro ang layo ko sa kanya.

"ahm ... Miss? Okay ka lang?" usap ko sa kanya ngunit, hindi nya ako narinig at umiiyak parin. Ano bang nangyari sa kanya? Masakit ba ipin nya? Yong ulo nya? Baka yong katawan nya? O, natatae sya?

"miss, mag aalas kwatro na ba't nasa labas ka pa? Pumasok ka na kaya. Sige ka, baka multuhin ka pa dyan." pananakot ko sa kanya dahilan, ng pag tigil nya sa kakaiyak. See? Takot pala sa multo to eh!

Biglang humangin ng malakas kaya napa pikit ako. At sa pag mulat ko nawala ang babaeng kausap ko kanina. Ha? Saan yon nag punta? Baka tumakbo. Ikaw ba naman multuhin di ka kaya tatakbo? Conclude ko sa sarili ko. Hindi pa ako aware sa nangyayari noon. Hanggang sa, naulit na naman ito.

Byernes ng madaling araw noon ng naalimpungatan ako dahil sa isang iyak. Nasa kwarto ako nun at rinig na rinig talaga ang iyak nya. Hihina minsan rin ay lalakas. Hindi ko alam kung saang banda. Ang alam ko lang naririnig ko sya kahit saang sulok ng bahay ko.

Sa ganitong oras ako lang mag-isa. Wala ang mama at papa ko. Pati ang kapatid kong lalaki dahil, nasa internatan sya ngayon at nag lalaro ng dota. Minsan, inuumaga na sya ng uwi. Sanay na ako sa kanya kaya, hinayaan ko na lang. Aleast, umuuwi parin naman sya kahit papaano.

Naririnig ko na naman ang iyak nya. Lumabas ako ng kwarto at binuksan yong pinto. Napa kunot na naman ang noo ko dahil nandito na naman ang babae noong nakaraang araw. Ganun parin ang posisyon nya, nakaupo at umiiyak.

Ano ba kasing problema nya? Nakakabulahaw sya ng taong natutulog eh! At bakit ba sya sa ganitong oras nag dradrama? Inis na inis ako sa kanya ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko nananadya na sya.

"miss? Ano bang problema mo? Istorbo ka alam mo ba yun?" naiirita kong asik sa kanya. Hindi naman nya ako nilingon bakos, ay mas lalo pa itong umiyak.

Humangin na naman ng malakas and this time hindi ako naka pikit. Nakatingin padin ako sa babaeng nag laho sa harap ko. Napa kurap-kurap pa ako. Yong parang, sinisiguradong nag laho ba talaga sya bigla o nag laho talaga sya.

Biglang nagsi tayuan ang balahibo ko at patakbong pumasok sa loob ng kwarto. Nag taklob akong ng kumot habang nanginginig sa takot. Napa mura ako dahil sa mga sinabi ko sa kanya noong nakaraan. Ako pala ang namulto at hindi sya.

Simula noon, hindi na namunga pa ang puno ng tambis. Unti-unting nalalagas ang mga dahon nya at tanging ang sanga na lang nito ang naiwan. Hindi ko alam kung bakit? Pero, ang suspetsa ko baka yong babaeng umiiyak tuwing madaling araw ng martes at byernes ang may kagagawan.

Simula kasi noong iniyakan nya ang puno ng tambis, hindi na ito namunga pang muli.