webnovel

ANG KWARTO

HTG's|Note : Chapter 3 is been updated m Enjoy reading .... Kamsaaaa !!

P.S. May ongoing story po ako hope basahin nyo *smile* .

---

ANG KWARTO

Tanghali noon ng napag pasyahan namin ni mama na pumunta ng probinsya. Susunduin kasi namin ang dalawang taon kong kapatid. Dinala kasi sya ni papa at hindi na bumalik. Baka daw na pano na ang kapatid ko.

Ilang minuto lang ng biyahe nakarating din kami sa Leyte sa Sta. Cruz. Doon daw nakatira ang pamilya nila papa. Agad kaming bumaba at hinanap ang bahay nila. Buti at natuntun pa ni mama ang bahay kung saan sila ngaun.

Naka punta na daw kasi si mama dito noong pinag bubuntis nya ang kuya ko. Tatlo kaming mag kakapatid isang babae at dalawang lalaki. Hindi sumana si kuya dahil biyahelo daw sya. Baka, masuka lang sya sa loob ng bus.

" oh Marie, Ikaw pala anak mo? " tumango naman si mama. " pasok kayo. Buti naman at napadalaw ka ang tagal mo ng di naka punta dito eh! " dagdag pa nya. Hindi ko sya kilala ngayon ko palang sya nakita.

" pasensya na Annie ha? Busy kasi ako ngayon. Anak ko si Cathy nandito kami para kunin ang kapatid nya. " nakangiting sabi ni mama. " si Lucio saan ? " tanong ni mama.

" nasa loob. Tara, ipapakita ko sa inyo yong kwarto nyo. " sumunod naman kami ni mama kay Tita Annie. Sabi sa akin ni mama kapatid daw sya ni papa.

Pinakita agad ni tita sa amin yong kwarto namin. Magkatabi ang kwarto namin ni mama at hindi kami mag kasama. Si papa kasi ang kasama nya samantalang ako naman ay ang kapatid ko.

Nag kwentuhan pa ng nag kwentuhan sila mama at tita. Bored na bored na ako dito. Ang tahimik ee! Ganito pala kapag nasa probinsya ka ano? Napag pasyahan kong libutin muna ang buong bahay nila tita.

Hindi naman gaanong kalakihan ang bahay nila. Yong tipong may sala, may limang kwarto at dalawang cr. Syempre, kumpleto sila sa mga gamit gaya ng tv, electricfan, washing machine, oven, may sala set sila, at marami pang iba.

Napa mangha naman ako sa kanilang garden ang gaganda ng bulaklak. Narinig kong tinawag na ako ni tita kakain na daw kami. Patakbo naman akong nag tungo at naabutan ko silang nakaupo na sa hapag kainan.

Pagkatapos naming kumain agad akong pumanhik sa magiging kwarto ko. Naupo ako sa kama ko at nilibot ang paniningin.

" ang laki naman mg kwartong ito. Sino kayang may ari nito? " bulalas ko habang nililibot ng mata ko ang kwarto. May dalawang bintana naman sa kwartong ito. " may tao kaya dyan sa kabila? " dagdag ko pa ng may napansin akong parang malaking awang sa dingding.

Gawa kasi sa tabla ang kwarto nila at may parang parihabang awang sa itaas ng dingding. ( A|N : mahirap eexplain ee ! Intindihin nyo na lang -,- arraso ? ) mukhang kwarto rin eh! Napailing na lang ako at naligo na. Gaya ng sabi ko dalawa ang cr nila. Isa dito sa kwarto ko at isa sa baba.

Pagka tapos kong maligo agad akong nag bihis at nahiga. Alas syete na kasi ilang segundo lang pumasok si mama dala ang kapatid kong si Junjun. Junior kasi sya Lucio name nya.

" anak, bantayan mo tong kapatid mo okay? Matulog ka na. " tumango lang ako kay mama at hinalikan sya sa pisngi.

Pagka tapos nyang ilagay si junjun sa kuna ay agad din naman syang umalis. Nakatitig ako sa natutulog kong kapatid. Nakaramdam na ako ng antok kaya kiniss ko sya sa cheeks at natulog na din.

Na alimpungatan ako dahil sa ingay sa kabilang kwarto. Napa bangon naman ako sa kama ko at sumandal sa headboard ng kama. Pinapakinggan ko ang pag tatalo nila.

Iba't-ibang boses ang naririnig ko. May boses ng babae at boses ng lalaki at may umiiyak na mga bata. Pinakinggan ko sila ng maagi ilang segundo lang natigil din sila.

Nabaling naman ang tingin ko sa kapatid ko. Mahimbing parin ang tulog nya. Maya-maya narinig kong may sinabi yong babae sa mga bata.

" mga anak, matulog na kayo may maitim na pusa ang dadaan. " biglang tumahimik ang paligid at nagulat ako dahilan nag katotoo ang sinabi ng babae sa bata.

May dumaang pusa na itim galing sa kabilang kwarto. Dumaan ito sa awang na sinasabi ko. Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko yong pusa na bumaba at nag tungo sa bintana ko. Bukas kasi ito sa pagkakatanda ko sinirado ko naman iyon. Kinuha ko ang kumot at binalot sa katawan ko.

Nakatingin ako sa awang ng kabilang kwarto. Hindi ko alam parang may nag sasabi sa akin na tumingin ako doon. Ilang minuto pa may biglang lumabas sa awang ng kabilang kwarto kaya napatitig ako.

Matutulis na mga kuku at kulay pula ang mga ito. Unti-unti pang nadagdag ang lumalabas sa awang ng kabilang kwarto. Kitang-kita ko ang ilang kapiraso ng maitim nitong mga buhok at kita yong noo nyang maputi.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Nag si tayuan na din ang mga balahibo ko. Hindi ako kumukurap at nakatitig parin ako sa kanya. Hanggang sa nakita ko ang dalawang mga pares ng kanyang mapupulang mata na nakatingin sa akin.

Napa lunok ako ng laway. Tagaktak narin ang pawis ko na tumutulo pababa sa muka ko. Kinilabutan ako sa nakita agad akong tumayo at kinuha si Junjun. Patakbo kong tinungo ang kwarto nila mama at papa.

Kumatok ako sa kwart nila mama at bumungad sa akin ang muka ni mama na kagigising lang. Tinanong nya ako kung ano ang nangyari. Umiling lang ako at pumasok sa kwarto nila. Sa takot ko hindi ako nakapag salita agad.

Kinabukasan kinulit ko ng kinulit si mama na umuwi na kami sa davao. Sinabi ko na rin yong nakita ko kay tita at ito yong sagot niya.

" Cathy, matagal ng walang nakatira sa kabilang kwartong katabi ng kwarto mo. Nag pakamatay kasi ito nakatira dyan ng nalaman nyang tinangay ng aswang ang asawa nya. "

Halos lamunin ako ng lupa nang sinabi iyon ni tita sa akin.

Próximo capítulo