webnovel

Married to a Highschooler (Tagalog)

Autor: Crabgirl
Geral
Contínuo · 27.1K Modos de exibição
  • 7 Chs
    Conteúdo
  • Avaliações
  • N/A
    APOIO
Sinopse

Chapter 1I Wish

"Kensui, sabay na kayong pumasok ni Hailey."--- si Tita talaga! Alam niya namang hate na hate ako ng anak niya. Halos maiwan na nga lahat ng gamit sa kakamadali huwag ko lang maabutan.

"Pe-pero hindi pa po ako tapos kumain Tita." reklamo ko

Iisang sandwich palang nakakain ko, gutom pa kaya ako.

"MOM-MY, Mommy na itatawag mo sakin simula ngayon. Mag-asawa na kayo ni Kensui dapat masanay ka na huh. "

"Si-sige po, Mo-mommy?"

"Mabuti pang magdala ka na lang ng sandwich sa daan. Okay na ba baon mo, kumpleto ba? Dali! Dali sundan mo na Kensui."

Dali-dali akong lumabas hanggang sa matanaw ko siya sa malayo, saka ko binilisan lalo ang lakad ko. Hanggang sa maabutan ko siya.

"Ganun ba talaga kalayo ang highway dito?"

"Village to, what you should expect?"

"Ah, oo nga noh!"

"Tss...bird brain!"

"Huh?"

Masyado kasing mahina di ko marinig.

Napatigil ito sa paglalakad at hinarap ako tsaka siya lumapit sakin na siya namang ikinaatras ko.

"Ang-sabi-ko---ibinulong niya na lang sakin yung sinabi niya.

Yng tipong tumigil ang mundo.

Yung siya lang at ako, sobrang lapit. Naramdaman ko ang hininga niya.

Ang kanyang presensya.

Ang bango! Hayyyy.

"Oi ineng di ka pa ba sasakay?"

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang mamang nagsalita. Andyan na pala yung bus. Di man lang ako na-inform ng mokong.

Dali-dali akong umakyat ng bus kaya lang ba't ganun? Wala nang maupuan. Edi tatayo na lang siguro ako.

Tapos yung ano...aish yung si Kensui the Great prenteng nakaupo. Napaka-ungentleman niya.

"Ang sabi ko----"

Hmp! Kala niya! Di ko narinig yung binulong niya kanina. Ako? BIRDBRAIN? Ano ba sa Tagalog yun? Bird ay ibon, brain ay utak. Ibon-utak o Utak-ibon? Ganun ba kaliit utak ko para sa mga genius na gaya niya? Nakakainis----

"Sa mga susunod na araw, hindi ka pwedeng sumabay sakin sa pagpasok at pag-uwi."

Halos mapapitlag ako ng marinig ko ang boses niya sa likod ko. Kala ko ba nakaupo siya kanina bakit nakatayo na siya ngayon? Ahh...kaya pala!

Nang masundan ko ng tingin ang pinag-alisan niya, nakita ko ang isang babae na may buhat-buhat na baby. Ang cute! Sana kasing cute niya rin ang magiging anak namin ni Kensui.

"What are you looking at?"

Sumalubong agad sa akin ang nakakunot na mukha ni Kensui. Lagi ba siyang may dalaw?

"W-wala." nasambit ko na lang.

"Remember this. Bawal mo akong kausapin sa school. Kung may kailangan ka, i-text mo lang ako o kaya sa bahay mo na lang sabihin."

"Don't let anyone know our relationship."

"Siya nga pala, mamayang uwian hintayin mo ko sa back gate para sabay na tayo at baka maligaw ka pa. Basta 5:00 pm dapat nandun ka na. Dahil kung hindi, iiwan kita"

"Lastly. huwag na huwag kang magka-cutting class kundi isusumbong kita kay Mom at kay Tita."

"Hailey are you listening?!"

"H-huh?"

Kita ko ang iritasyon sa mukha niya. Siguro kanina niya pa napansin na hindi ako nakikinig.

"Ah oo! Hehe!"

Kahit ang totoo yung huling sinabi lang niya ang naabsorb ng utak ko. Pwede namang sabihin niya nalang na---

Walang pansinan! Hmp! Napakasimple ang daming ligoy.

Napailing nalang ito at nagmamadaling makisabay sa iba na bumaba ng bus.

Aba't iwan ba naman ako! Bakit pa ba ako magtataka. Eh ayaw niya nga akong kasabay di ba.

Medyo siksikan tapos sumabit pa ang bag ko sa may upuan ng bus kaya't medyo natagalan ako sa pagbaba.

Nang makababa na ako, natanaw ko na lang ang likod nung mokong sa malayo.

Pero ba't ganun? Pati likod niya, ang gwapo parin! Hay!

Nawala na siya sa paningin ko. Agad akong lumapit sa Manong guard para iabot ang ID ko. Sa tantya ko, siguro nasa 50s na siya at matagal na siyang nagseserbisyo sa school nato.

"Magandang umaga po!" Masiglang bati ko sa kanya at sinuklian niya ako ng isang ngiti.

This is it Hailey! Welcome sa bago mong school!

------

Maaliwalas kong pinagmamasdan ang malawak na open area sa harap nito na pinatag para siguro sa players ng football. Napapalibutan ito ng mga puno, buildings na kung susukatin ang pinakamataas ay aabot ng limang palapag. Meron ding mga halaman na may iba't-ibang hugis.

Wow! Sobrang nakakamangha!

Di ko akalaing mas maganda pa ito sa mga picture na nakita ko nung nag-online enrollment ako. Agad na napadako ako sa lugar kung saan maraming estudyante ang nakatambay.

Shems bakit di ko kaagad nakita iyon?

May malaking fountain sa may bandang unahan kaya't di na ako nagdalawang isip na lapitan at humugot ng piso sa bulsa . Pagkapikit ko agad kung hiniling ang isang bagay.

Sana magkaroon ako ng mga bagong kaibigan.

Parang gusto ko pang mag-wish. Nangapa ulit ako ng piso sa bulsa habang nanatiling nakapikit parin ang mga mata ko. Buti may isa pa.

Sana maging mabait na sa akin si Kensui!

Okay na kaya yun?

Last na toh. Nangapa ulit ako pero wala akong makapa. Yun na lang ba ang natitirang barya ko? Pero hindi masyado lang malalim yung bulsa ng palda ko. Meron pa palang isa... Tamang-tama! Napakagat ako sa labi habang inaabot yun.

Langya pahard-to get ang piso.

Malapit na hehe!

Eto na...

PLOKKKKKK!

Ano yun?

Nanlaki ang mga mata ko.

Yung piso kasi tumalsik sa fountain.

Paano na ang last wish ko nito?

Napapadyak ako sa inis. Siguro babalik na lang ako bukas.

Nawala ako sa iniisip nang may marinig akong mahinang tumatawa sa gilid. Agad ko itong nilingon pero nanlaki ang mga mata ko nang malamang nasa gilid ko lang siya at ang lapit lang.

Inangat ko ang aking tingin at agad ring nag-iwas siguro kanina niya pa ako tinitingnan.

Bakit di ko namalayang may katabi pala ako?

Nakakahiya!

"Anong tinatawa-tawa mo po diyan.. K-kuya?"

reklamo ko, Kuya kasi parang mas matanda siya sakin.

Tiningnan niya lang ako na para bang ngayon lang nakakita ng tao.

Agad akong napayuko at pasimpleng kinuha ang maliit kong salamin sa bulsa ng bag.

Wala naman akong dumi ako sa mukha ah.

Sinilip sa pamamagitan ng rearview ng salamin.

Matangkad siya, medyo magulo ang buhok, infairness chinito, maputi, at nakasalamin. Ang gwapo niyang tumawa, yung ngipin niya pangClose-Up. Tapos sumasabay yung ano..... yung apple----ah apple, yung bukol sa lalamunan. Basta yun na yun!

Gosh Hailey! Nasaulo mo agad ang features niya sa isang sulyap lang.

Nang lumingon ito ay siya namang ikinataranta ko. Nanginginig na naisaksak ko ang salamin sa loob ng bag ko.

Tumalikod na ako sa kanya at nagmamadaling maglakad dahil kung hindi, baka makita niya ang nangangamatis kong mukha sa hiya.

"Sandali!" tawag niya sakin.

H-huh?

"I just want to remind you!"

Agad akong napalingon kasabay ng pagkunot ng noo ko.

"Ipinagbabawal na ang paglagay ng barya dito. "

"P-po? "

"Palalampasin kita ngayon pero next time hindi na."

"S-sorry po di ko po alam"

Paumanhin ko.

"Basta wag mo lang uulitin"

Hmp! Ano siya? Bantay ng fountain?

Bzzzzzzt! Bzzzzt!

Yung phone ko ba yung nagva-vibrate?

"Someone's calling?"

Sabi niya, mukhang akin nga yun.

Agad kong kinalkal ang bag ko at binuksan ang phone.

Nanlaki ang mga mata ko na may kasamang excitement.

Gosh totoo ba to?

Kensui calling....

Walang pag-aalinlangan agad-agad kung pinindot ang answer button.

"Hel-

"Go to your room, now! *TOT*"

Langya yung ano... *TOT* Halos mabingi ako. Nakakainis! Di pa ko sumasagot ini-end agad! Hayss!

-----

Mabilis na lumipas ang oras. Nandito ako sa room ngayon at hinihintay mag-uwian. Ang tagal naman.

*Kringgggggggggggg*

YES! Isang napakagandang musika sa aking tenga!

Parang gusto kong magtatatalon sa saya. Pero ang OA naman kung gagawin ko pa yun.

------------

"Bye Hailey kita-kits bukas ah!"

"Bye Sky!"

Sa unang araw nakilala ko kaagad si Sky. Lumabas na siya ng room habang ako nag-aayos pa ng mga gamit na ilalagay sa bag.

Napa-check ako sa relos ko. Digital watch ito kaya di mahirap basahin.

4:58

Sakto may dalawang minuto pa ako para tumakbo.Napag-usapan kasi namin ni Kensui na sabay kaming uuwi ngayon lalo pa't wala kaming service. Bago lang ako sa school na ito at ito ang unang araw ko kaya hindi ko pa alam ang pasikot-sikot kung paano makakauwi. Kailangan daw alas-singko eksakto ng hapon nandun na ako sa gate ng school. Kapag daw hindi niya ako naabutan, mauuna na siyang umuwi at iiwanan na niya ako at bahala na daw ako sa buhay ko.

Ang sama niya di ba!

Nang akmang aalis na ako---

*PLAKKK*

Di sinasadyang napalagapak ako sa semento.

"A-ah-aww ang shakit huhuhuhu! Kainis kang bag ka makisama ka naman "- Napapikit ako sakit, bakit ngayon ka pa sumabit?

Hindi!

Hindi ito sumabit! May nagtali!

Aissh hanggang dito ba naman, uso parin ang man-trip.

Pero kung sumabit nga ito dapat natumbahan ako ng bangko pero hindi-

"Okay ka lang!"

Napalingon ako sa kaklase kong hirap na hirap sa paghawak ngayon ng bangko upang pinipigilan itong bumagsak.

Kilala ko siya. Kung hindi ako nagkakamali siya si Martino o Tino.

Mataba siya at mukhang harmless naman kaya.

"Thank you."

Halos pabulong kong sabi.

Ngumiti siya sakin.

Walang anu----man!- medyo nag-aalangan niyang tugon sabay kamot sa batok na tila nahihiya.

Siya na rin ang nag-ayos ng bag kong sumabit sa silya.

"Matagal pa ba yan?"- Inip na inip na kasi ako eh, isang minuto na lang ang natitira at baka di na ako makauwi.

"Saglit malapit na to!"

Hanggang sa tuluyan na niyang naalis ang pagkapulupot ng bag ko sa silya at doon. Agad na nagliwanag ang mukha ko.

"Sige mauna na ako, salamat sa tulong!"- at nagwave ako ng kamay.

"Basta susunod mag-iingat ka huh!"-Pahabol niya sakin habang kumakaway.

---------------

O____________O

Lagot na isang minuto na akong late...Anong gagawin ko baka wala na siya dun? Paano na ako makakauwi nito?

Hingal na hingal akong napasandal sa magkabilang tuhod ko nang makarating ako sa labas ng gate. Ramdam ko rin ang pamumuo ng pawis na ngayon ay dumadaloy sa aking pisngi. Buti may waiting shade dun kaya agad akong napaupo. Lalong kumirot ang tuhod ko sa ginawa kong pagtakbo pero ang mas inaalala ko-

Asan na si Kensui?

Iniwan na niya kaya ako?

Paano na ako makakauwi nito?

Wala na rin akong pamasahe, naubos ko na sa pagkain.

Nakaramdam ako ng kabigatan sa dibdib at takot. Dumidilim na rin at halos lahat ng estudyante nagsiuwian na. Ako na lang ata ang high school na natitira.

Oo nga bakit ba hindi ko naisip yun!

Agad kong kinuha yung cellphone ko at nagdial para matawagan si Kensui o kaya si Mommy ni Kensui.

Nang akmang pipindutan ko na ang call button ay--

*Low battery shutdown*

O________O

Lagot na!

Nababalitaan ko pa naman na sa gabi marami ang nangyayari. Tapos mamaya may biglang lumapit sakin na kahina-hinalang lalaki tapos...tapos tatakpan niya ng itim na plastik yung mukha ko at ...at pagsasamantalahan niya ako at isasalvage at itatapon sa ilog.....huwahhhhhh anong gagawin ko! Pero hindi pwede marami pa akong pangarap sa buhay, makatatapos ako ng pag-aaral, makakasama ko pa nang matagal si Kensui at bubuo pa kami ng pamilya kaya hindi pwedeeeeeee!!

Naramdaman ko na lang na patuloy na pala sa pag-agos yung mga luha ko nang --

"What are you doing here?"

Napa-angat ako ng tingin at nabuhayan dun sa nagsalitang yun. Boses palang niya kilala ko na.

Sabi ko na nga bang di niya ako matitiis eh!

Agad kung pinunasan ang mga mata ko at masayang humarap sa kanya.

"Akala ko iniwan mo na ak-

"Hindi mo ba natandaan yung pinag-usapan natin?"- Naputol ako sa pagsasalita nang bigla siyang magsalita. Ramdam ko ang bigat sa boses niya maging ang pagsalubong na makakapal na kilay nito.

Hala may nagawa ba ako?

"A-ang alin?"- Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"I told you kaninang umaga, doon mo ako hintayin sa gate dun sa likod ng school para walang makakita satin."

Galit siya, alam ko.

What I should expect from you?- Napahigpit ako ng hawak sa fleats ng palda ko.

"H-huh yun ba yung sinabi mo, ang sabi mo kasi sa gate eh di ko naman alam na--

"You're so impossible. I waited for almost an hour at the back gate. Hailey such a simple instruction, di mo pa nasunod!- At doon nasigawan niya ako.

"I-im sorry!"- mahinang naiusal ko at gusto ko rin sanang sabihin na--

Ako rin kaya nilalamok na ako kahihintay sayo!

Pero anong karapatan kong magreklamo, eh ako ang may kasalanan kaya napayuko ako upang huwag ipakita ang muli kong nagbabadyang mga luha.

"Tss... You're such a birdbrain!"

Kailan ba siya magiging mabait sa akin?

Kailan niya ba ako pakikitunguhan ng tama?

Isang buwan na kaming kasal pero wala pa ring nagbago!

Kailan niya ba matatanggap na ituring ako bilang asawa at isa nang parte ng buhay niya?

"A-ano, sige bukas na bukas din kapag alam ko na kung paano umuwi di na ako sasabay sayo"-saad ko, saka tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Dapat lang. I don't like any baggage."- Matapos niyang sabihin yun ay basta na lang niya akong tinalikuran at ako heto halos magkandadapa-dapa para siya's habulin at makasabay na sa kanyang pag-uwi.

"Sana darating din yung araw na magkaroon ka rin na pakialam sakin!"

Yun na lang ang naibulong ko sa hangin.

Você também pode gostar