webnovel

Chapter 10 Selosa

Araw-araw na kaming nagkikita ni zack sa library,

at sa bawat pagdating ko, palagi ko syang nadadatnan na palaging nakatingin sa pinto, na para bang may inaantay...

Masigla ko syang sumasalubong ng bati....

Sigurado na ako, hahayaan ko na ang sarili kong mahulog sa kanya... wala na akong pakialam kung masaktan man ako sa huli.. handa ako sa lahat ng pwedeng mangyari sa hinaharap kung ang kapalit nito ay makasama sya ng masaya...

Nakangiting ko syang binati...

Hi zack.. thank you sa pag aantay..

ok lang yun.. walang problema, basta't ikaw

malambing nyang sagot

Nagkwentuhan ulit kami... this time iba na ang nararamdaman ko... bou na ang loob ko, walang pag aatubiling halo... masaya akong nakipag usap sa kanya,, napansin ko din ang tensyon na namumou samin, every time na magkakatitigan kami.. kakaiba ang kislap at ningning ng kanyang mga mata... sumasabay din ang mga mata nya sa pag ngiti nya , na tila ba nakangiti rin ito

Hindi ako phsycology student, pero kaya kong magbasa ng emosyon ng isang tao base sa kanilang mga mata...

Si zack ang tipo ng taong hindi transparent, parang napaka misteryoso nya, hindi mo mababasa ang isip at kilos nya ng ganun ganon lang..

kaya naman ang saya ko, nakakaya ko ng basahin ang nararamdaman nya ngayon, at kahit ipagka ila man nya iyon, ipagkakanulo sya ng kanyang mga mata at labi.. ngayon ko lang sya nakitang ganito kasaya, na halos umaabot sa mga mata nya ang emosyon na kanyang nararamdaman..

Narinig na namin ang bell, kaya tumayo na kami at pumunta sa kanya kanyang classroom...

breaktime namin.. papunta akong cafeteria kasama ang mga classmate ko, nakasalubong ko sya sa may hagdan... nakangiti sya habang papalapit sa akin, ang kislap ng kanyang mga mata...

nagtilian ang nga kaklase ko, ayieeeeee...Hanah, sino yun? grabe makatingin sayo ah, nagniningning pa ang mga mata, mukhang inlove.. ayieeeeeeee

tuksuhan na walang humpay ang inabot ko sa mga kaklase ko hanggang uwian namin..

kinilig naman ako sa isiping sinabi nila... na mukha daw inlove si zack

the way na tumingin sya sakin...

Inlove? Mahal nya nga ba talaga ako?

nagpulpitate na naman ang puso ko... ang lakas ng kabog na parang sasabog... nanlalambot ako...

Iyan na siguro ang pinaka masayang araw ko sa boung buhay ko...

Pauwi na kami ngayon, sobrang lakas ng ulan, naisip ko si zack, since malayo ang bahay nya sakin,,may dala kaya syang payong? ang lakas lakas pa naman ng ulan

Tinignan na ko ang cell phone ko.. lowbat na ito,

medyo masama din ang pakiramdam ko...dahil sa wala din kaming payong nadala at medyo malapit lang ang apartment ko, sinugod na namin ang malakas na ulan, nagpasya si aika na doon muna matulog sa apartment ko, weekend naman na kasi..

Girl, dito muna ako makikitulog, ang lakas ng ulan, ang hirap umuwi, pahiram nadin ako ng damit...

ahh, ok cge

kuha ka nalang dyan sa damitan .. maliligo lang ako, baka lagnatin tayo

pagkatapos kong maligo, nahiga na ako, hindi ko namalayan nakatulog na pala ako...

Nagising ako sa ingay sa labas, tinigna ko ang orasan, 11:21 am... sobrang haba pala ng tulog ko.. tinignan ko si aika... tulog padin sya

Babangon na sana ako ng makaramdam ako ng hilo, sinapo ko ang aking noo, ang init ko

inaapoy ako ng lagnat at ang bigat ng katawan ko

Natulog ako ulit... Gumising lang ako para kumain at uminom ng gamot.. nawala sa isip ko na i charge ang cellphone ko

(Sunday 5 pm)

nakatanggap ng message si aika galing kay zack

Hi aika, Nakaka chat of text mo ba si Hanah?

offline kasi sya at out of coverage phone nya pag tumatawag ako, hindi din nagrereply sa text at chat ko... pasabi sa kanya nag aalala na ako

salamat

6pm na ng nagising ako, medyo ok nadin ang pakiramdam ko.. nakita ko si aika na nakangising nakatingin sakin

Bakit? anyare sayo? tanong ko sa kanya

Wala lang.. may nag chat kasi sakin.. Hahahaha

Hulaan mo kung sino?

ay naku, puro ka naman kalokohan, iyong mga ngitian mong ganyan, wala talaga akong tiwala, may ginawa ka sigurong kalokohan no?

natatawang sagot ko

Si zack nag message sakin... hindi ko sasabihin sayo kung ano ang sinabi,, whahahahaha mala

demonyong tawa pa nito

Na curios ako, si zack iyong tipong hindi ko pag nakitang nakipag harutan sa kahit kaninong babae, at ang sabi nya wala daw syang ibang tinitext bukod sakin... na curios ako

Ano nga sabi sayo aika??

sabihin mo na sakin

Ayoko baka magselos ka pa.. pang iinis nito sakin

sige na kasi.. pamimilit ko

biglang nag ring ang phone nya...

uyyy, si zack

Hi zack... malanding bati nito

Lumabas sya ng kwarto, at dahil dun diko na narinig usapan nila..

napabuntong hininga ako, pano kaya kung may iba pag ngang espesyal na tao sa buhay nya... parang ang sakit, nasasaktan ako...

hindi pa pala ako handa kung sakaling meron man

Kinuha ko ang cellphone ko at chinarge ito..

Nag isip isip muna ako, may text kaya sya sakin?

o baka dahil sa hindi ako nagreply agad, nakipag textmate na sya sa iba...

aysssst... napaka selosa ko naman, hindi naman kami..

Matutulog na sana ako ulit

Ng sumulpot bigla sa tabi ko si aika...

Hahahahaha.. mukhang frustrated ka ah... sabi nya

Hindi.. masama parin yata pakiramdam ko.. sagot ko

sinungaling, Hahaah.. naku naku hanah

huwag ako, nagseselos ka nu? aminin mo na kasi

Hindi ah, ba't naman ako magseselos

hindi namin kami, hindi ko naman jowa yun

So, Nagseselos ka nga... bwahahahahaha

napatingin ako sa kanya, iwinawagayway nya ang cellphone, sabay sabing

Zaaaacccck... narinig mo yun?

Nagseselos si Hanah

Napatayo ako bigla at hinabol ko sya sa inis ko, hindi pa pala nya pinapatay ang tawag, ibig sabihin narinig lahat ni zack ang pinag uusapan namin... namumula ako sa hiya ng sobra..

Próximo capítulo