webnovel

Chapter 28

Pagkapaalam ko sa kanila ay dumiretso ako sa kwarto ko. Dahan dahan ang bawat galaw dahil natutulog si Ori. Maging ang pag-akyat ko sa kama ay dahan dahan din.

Pinagmasdan ko ang tulog na bata. She was sleeping peacefully, looking innocent. She was indeed an angel. Kahit saang anggulo ko tignan, I can't help but adore how almost perfect she was. Bukod na pinagpala. Sana ay lumaki siyang mabuting bata.

I made myself comfortable as I closed my eyes. No more trance. I had to sleep.

Nagising ako nang naalimpungatan ako. Si Ori ay nakayakap na sa akin at mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Pero kung may nanggulat sa akin ay iyong presensya ni Ximi.

"Shsh." He shushed me immediately. "Ori might wake up."

"What are you doing here?" I asked, almost in a whisper.

"Just checking the two of you."

Nag-iwas ako ng tingin. Nakakaconscious lang kasi nandito siya at kagigising ko lang. 'Di ko man lang naramdaman ang pagpasok niya.

"What time is it?" I asked at humikab.

"One?" He was unsure.

"Oh?" I panicked mentally. "Bakit gising ka pa? Matulog ka na."

"Can I sleep here?"

"Huh?" Kinabahan ako bigla. "Sure ka? Saan ka matutulog?"

"There," nginuso niya 'yong sofa. Mahaba naman iyon at kahit papaano, kasya siya.

"S-Sige," I stammered. "... as long as your comfortable."

"Thank you." He smiled.

"Kanina pa ba sila nakauwi?" I was referring to his parents and also Natasha.

"Yup. Hinatid ko si Natasha sa kanila to keep her safe. Wala kasing driver."

"Close pala kayo." I commented. Pero alam kong 'di lang kuya ang tingin ni Natasha sa kanya.

"Lagi siyang nandito kahit noong mga bata pa sila Abi. They were friends already."

"Hmm," I hummed. I got nothing to say. "Sige na. Magpahinga ka na."

"You haven't talk to lola and lolo yet?"

"Aish!" Napatampal ako sa noo ko na pinagsisihan ko dahil gumalaw si Ori. I tapped her hips lightly para makabalik sa pagtulog. "Nasa loob pa ng maleta iyong cellphone ko."

"You sure you put your phone inside?" He clarified. Napaisip tuloy ako kung nasa maleta ko ba talaga iyong cellphone. As far as I can remember, nagpalit ako ng damit saka bumaba ako. Iniwan ko roon ang maleta. The rest, I can't remember anymore.

"Not sure." I replied and grinned awkwardly.

Maya maya ay gumalaw siya. Kinuha niya 'yong cellphone niya at may tinipa.

"I'll call your number." He said na parang nababasa ang nasa isip ko.

Nailoudspeaker niya ang tawag. It was just ringing. Wala rin kaming narinig na tumutunog.

"Silent mode?" He asked. Umiling naman ako.

"'Di ko alam. I can't remember."

"When did the last time you use it?"

"When I changed my clothes?"

"Mama," sambit ni Ori. I panicked a bit. Mabuti at pinatulog ulit siya ni Ximi kaya napanatag ako.

"Bakit "dada" tawag niya sa'yo?" 'Di ko napigilan ang sariling magtanong.

"She believes I am her father."

"Oh?" I stared at him for awhile bago bumaling kay Ori. "But you don't look like her?"

Mata lang ang pagkakapareho nila bukod sa pareho silang maputi. But both of them ay may hawig sa kanilang nanay.

"Long story." He simply said and stood up. Binalik niyang muli ang kanyang cellphone sa bulsa. "Matulog ka na ulit. I'll stay here."

"Okay." Tanging sabi ko. I felt guilty. May nasabi ata akong mali? 'Di ko alam kung ano iyon.

Pinanood ko siyang nag-aayos ng sofa. Binigyan ko siya ng unan but he refused dahil may unan doon na square. Bumalik nalang ako sa pagtulog. I didn't know what did I say to change his mood. I felt a sturdy walls between us.

Paggising kong muli ay wala na si Ximi, maging si Ori. Hinanap ko ang cellphone ko but eventually ended up frustrated. Bumangon ako at binuksan ang maleta. I couldn't just miss my phone! May mahalagang bagay ako roon!

I searched for my phone pero kahit nakalabas na lahat ng gamit, 'di ko pa rin mahagilap. Napatampal nalang ako sa noo ko.

'Di kaya naiwan ko sa kwarto ang cellphone? 'Di kaya nanakaw iyon? Ewan! 'Di ko na alam!

"Ugh!" I screamed under my breath. 'Di ko mahanap 'yong phone! I should have checked it before I left the house. Ugh!

Lumabas ako ng kwarto. Nakakapanibago ang paligid. I used to take a bath before going down pero ngayon, kahit pagsuklay lang ay 'di ko ginawa.

"Goodmorning, Ate Luca!" May narinig akong boses ng bata. Pag-ikot ko ay nakita ko si Ori na may hawak hawak na tray.

"We're not yet done, baby." Rinig kong boses ni Ximi at biglang nagpakita sa amin. When our eyes met, bahagya siyang nagulat.

"Goodmorning." Bati ko at ngumiti sa kanya.

"Goodmorning. Gising ka na pala. Ori asked me to prepare your breakfast."

"Really, love?" I smiled at Ori. Ngumisi naman ang bata.

"Eat!" She giggled.

May lamang pagkain sa tray. Tinapay, ham, scrambled egg. Mukhang mabigat tignan kaya kinuha ko na. 'Di naman siya pumalag.

"Saan kayo kakain?" Tanong ko kay Ximi.

"Room!" Ori giggled. Napangiti ako sa pagiging hyper niya.

"I'll just get your milk." Paalam ni Ximi. Bumalik ulit siya sa kusina.

Pumasok kami ulit sa kwarto ko. Nilapag ko sa maliit na table ang tray samantalang si Ori ay umakyat sa kama. She was happy and excited. Kakaiba ang batang ito. Ang aga aga, hyper na samantalang 'yong iba, umiiyak o nagwawala pagkagising.

"Have you eaten your breakfast yet, love?" I asked her while smiling. Umiling naman siya.

"Dada cooked that!" She clapped her hands.

Bumukas ang pinto at pareho kami ni Ori napalingon sa kapapasok na lalaki. He was holding another tray na may lamang tatlong baso ng gatas. Mayroon ding mayonnaise at ketchup and extra breads.

"Anong oras ka nagising?" Tanong ko sa kanya.

"Eight?" He was unsure.

Nilapag ko ang unang tray sa higaan. Si Ori naman ay umusog. Inilagay naman ni Ximi iyong tatlong baso sa mesa and the rest, sa higaan.

"'Di kaya tayo lalanggamin?" Tumawa ako nang mahina.

"Ipapalinis ko nalang ulit 'tong kwarto mo."

"Uy, 'di na." Agap ko. "Ako na bahala."

"Eat!" Si Ori. Nagkatinginan kami ni Ximi and we both chortled.

Ximi presented na siya na ang maghahanda ng pagkain. Sumang-ayon nalang ako while Ori was watching and sometimes helping him.

"Wala ka bang lakad ngayon?" I asked Ximi sa gitna ng pagkain namin. Tahimik lang na kumakain sa tabi ko Ori.

"None. Why?" He looked at me.

"Wala naman. I'm just thinking meron. Won't you meet your friends here?"

"They are good. At baka busy. May mga asawa na 'yong iba."

"Oh?" I was surprised.

May mga asawa na? So that means may anak na rin?

"Some of them aren't here. Some, busy sa trabaho o sa mga anak."

Mga anak? Napalunok ako. Bakit si Ximi wala pang asawa kung ganoon? Was he dating Patricia to marry him? Ganoon naman siguro iyon?

"Bakit ikaw wala pa?" Wala sa sarili kong tanong. Uminom ako ng gatas while he looked surprised with my question.

He cleared his throat. "It's not yet in my mind, Luca. I'm still looking for the perfect one."

"What about Patricia?" Agap kong tanong. "Kayo na ba?"

He stared at me for how many second. He was torn in between saying something and zipping his mouth. Sa huli ay umiling siya.

"I don't eventually think about that matter, Luca. If Patricia and I are meant to be, why not?"

I looked away and kept myself silent. Bakit parang ang sakit ng sinabi niya kahit wala namang masama roon? I felt something stabbed my heart. It was my very first time to feel that way.

Nang natapos ang pagkain namin ay 'di pa rin ako umiimik. I lost my energy. I felt like my body was draining like a battery.

"Mama!" Tawag ni Ori. I didn't know who she was pertaining to. Abala ako sa paghuhugas ng pinggan. Nakipagtalo pa ako kay Ximi para lang pumayag siya. "Mama!" Nabigla ako nang may yumakap sa baywang ko.

"Hey!" I laughed. Nakikiliti ako sa baywang. Kryptonite at its finest!

"Mama!" Sambit niya.

I removed the dishwashing gloves at umikot para maharap siya. Kinarga ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Why, love?" I asked her na ngayo'y nakanguso.

"Play!" She giggled. "Dog!"

I scratched my head mentally. Ayan na naman tayo sa aso!

"I'm sorry, love, but I can't play with you." Malambing kong sabi. Baka kasi magalit.

"But why?" She pouted, looking sad.

"You can play with dada." I smiled widely. "What do you think?"

"We'll play, Mama!" She whined.

"Ate Luca." Pagtatama ko. Baka anong iisipin ni Mrs. Abenajo kung marinig niya si Ori na "mama" tawag sa akin.

"Ate Luca!" Nagpumiglas siya. I panicked. Nagwawala na ata.

"Okay, okay." Suko ko. Napabuga ako ng hangin.

Brace yourself, Luca. This was a bad idea.

"I'll just finish washing dishes, okay?"

"Okay!"

Binaba ko siya at tumakbo naman siya kung saan. I asked myself kung nasaan na ba si Ximi. Siya nalang dapat ang nakikipaglaro sa kapatid niya. Okay naman sana kung ako pero 'wag naman sa aso! Mahihimatay ata ako!

Nagmadali akong tapusin iyong hinuhugasan ko. I was silently praying na magkaroon ng himala. Kailangan kong makapag-isip ng dahilan para 'di makipaglaro kay Ori! Ugh! I was really frustrated inside. Why did she love dogs anyway?

Bumalik muna ako sa kwarto. I swore I needed Ximi! Kailangan ko siya so he could stop Ori from playing dogs!

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si manang. Mukha siyang nagulat sa presensya ko but eventually smiled at me.

"Hi, ma'am." Magalang niyang bati nang nakangiti. "Wala po si Sir Ximi ngayon." May punto ang kanyang pananalita.

"Bakit raw po?" I asked. I scanned the whole place. No remarks of Ximi. Nasaan kaya ang kumag na 'yon?

"May pinuntahan. Biglaan lang." She replied.

"Uhh, sige po. Si Ori nasaan?"

"Nandoon sa labas. Nakikipaglaro sa mga aso."

I gulped once again. Hearing that word was like executing me to death. Nakakakaba!

"Sige po. Pupuntahan ko lang."

"Sige, ma'am."

"Uhh, puwede niyo naman akong tawaging "Luca". 'Di ako sanay na may tumatawag sa'kin na "ma'am."

The truth was, I didn't like to be called that way. Hindi naman ako makapangyarihang tao ni mayaman. Sa bahay nila lola at lolo, tinatawag akong "Lulu" o "hija".

"Sige po... Luca."

I smiled a bit. Madali lang naman pala kausap si Manang Lolita.

Tumungo na ako sa labas ng bahay. And to my surprise, nandoon ang babaeng nagngangalang "Natasha".

What was she doing here? Bisita lang? Nasaan naman si Aubriene? Nasa taas kaya?

Maybe they were planning to hang out again since today is Saturday. Girls' stuff.

"Mama!" Sambit ni Ori nang nakita niya ako. Nakita ko ang gulat na reaksyon ni Natasha.

Ori ran towards me and I crouched to level her. Halata naman sa mukha ni Natasha na nagtataka siya.

"Ate Luca!" Ori giggled. "Let's play dogs!"

"But you're already playing, love." I replied. I tucked the loose hair strands behind her ears. "Besides, I have some errands to do."

"Okay!" Masigla niyang sagot. Nakakapagtaka lang dahil 'di siya nagreklamo but deep inside, I was thankful.

"Do you know where's dada?"

Napasulyap ako sa likuran ni Ori. Natasha was already looking at me while patting the white dog's head. Ang brown, itim at golden ay nakahiga lang din.

"Kuya Ximi's at Isha's house." Si Natasha ang sumagot. Her eyes showed how she disliked me for unknown reasons.

"Uhh, okay." Tipid akong ngumiti sa kanya at bumaling kay Ori. "Play with Ate Natasha, okay?"

"Where are you going?" She pouted, her brows scrunching.

"Uhh," napasulyap ako kay Natasha. Her eyes were still on me. Nilipat ko nalang ang tingin ko kay Ori. "I'll find dada."

"Sama!" Agap niya. Napahinga naman ako nang malalim. "I want dada!"

"Okay. Okay." I gave up. This little girl knew how to tame anyone. "Just behave, okay?"

"Okay!" She grinned. Sumulyap muli ako kay Natasha na ngayo'y nakahalukipkip na.

"Sasama ka ba sa amin?" I asked her. Ang sungit ng itsura niya ngayon.

She was wearing white off shoulder top, black jeans and chunky heels na tantiya ko'y four inches. Pang mature ang kanyang suot but her face said she's still young.

"Of course." Peke siyang ngumiti saka tumayo. Kinabahan kaagad ako nang nagsitayuan din ang mga aso.

"Okay." Tanging sagot ko. I was trying hard to be nice at her. Kung ang mga pinsan ko nga ay 'di ko pinapakisamahan, paano nalang kaya ang babaeng ito?

Kinarga ko si Ori at nauna kaming pumasok sa bahay. 'Di ko na binigyan ng pansin si Natasha. I didn't usually tolerate that kind of behavior kaya I needed to get rid from her bago pa mandilim ang paningin ko.

Sa sala ay nakita ko si Manang Lolita na naglilinis ng cabinet.

"Si Manong Ato po?" Tanong ko sa kanya. Napag-alaman kong mag-asawa sila.

"Baka nasa labas, hija. Wala ba roon?"

"'Di ko alam, manang."

"Saan ba ang punta niyo?"

"Kina Isha po sana. Sabi kasi ni Natasha nandoon si Ximi, e hinahanap siya ni Ori." Paliwanag ko.

If it's not for Ori, baka magmumukmok lang ako sa kwarto while waiting for Ximi to come home. But I must admit, masaya akong pupuntahan namin si Ximi kina Isha. At para na rin magkita kami ng second cousin ko.

"I have a driver. Sa kanya nalang tayo magpapahatid." Rinig kong sabi ni Natasha na galing sa likod ko. Umikot ako at hinarap siya.

"Okay." I nodded. "If that's what you think is better."

Nauubos na ang pasensya ko sa batang 'to. Kung 'di lang siya mahalaga kay Ximi at Abi, baka 'di ako makapagtimpi sa babaeng ito.

Próximo capítulo