Isang mapusok na halik ang ginawad ni Tyler sa akin pagkaalis na pagkaalis ni Tristan. Masyado akong nabigla sa pagiging agresibo nito kaya hindi ako nakapaghanda.
"Wag na wag ka ng magpapapasok ng ibang lalaki dito kahit yung gagong yun." wika niya.
"He's my friend and your brother. Kung tungkol toh sa nangyari dati, he already explained it to you. That was nothing. Wala kaming interes sa isa't isa."
He sighed. Umupo siya sa sofa saka hinatak ako paupo sa tabi niya. "I am just scared. I don't want to see someone kissing you ever again."
I chuckled. "Don't worry too much, Tyler."
"Paanong hindi kung pinapaligiran ka ng mga lalaki?"
"So what do you want? Tumigil ako sa pag-aaral?"
"No! Of course not. Hindi ko lang talaga maiwasan na matakot. It's not that I don't trust you. Wala lang akong tiwala sa ibang tao."
Niyakap ko siya ng mahigpit. "Oo na po. Ako na mismo ang iiwas para lang wala na ang pag-aalala mo. For now, matulog na muna tayo. Pagod na pagod na talaga ako."
"Okey, sweetheart. Marami pa tayong gagawin bukas."
The next day, late na ako nagising. I looked at the clock, it's already 8. Wala na si Tyler sa tabi ko. Ang tanging andun na lang ay isang maliit na papel.
I didn't wake up. I know you're tired. I ordered some food for you to eat. I love you.
Napanguso ako. Paanong umalis siya ng hindi man lang pormal na nagpapaaalam sa akin? Ganyan ba siya ka-busy? Nakakainis.
Nagdadabog akong tumayo mula sa kama at pumunta ng kusina. Tiningnan ko ang loob ng ref. Ininit ko yung ulam na binili niya saka nanuod na muna ng tv while waiting na mainit ang ulam. Tsk. Kung bisitahin ko kaya si Tyler ngayon? Gusto ko rin naman malaman ang ginagawa niya sa opisina. Tutal ay sabado naman ngayon. Isang subject lang mamayang hapon. Didiretso na lang ako sa university after ko siya mabisita.
Na-excite sa naisip. Sa totoo lang, gusto ko talagang makita siyang nakaupo sa harap ng isang malaking lamesa. I think he'd look cool.
Mabilis kong ginawa ang mga dapat kong gawin. Kumain, naligo at nagbihis. I wore something formal... Something that will make me look mature. It's a white floral dress. Sleeveless and fit sa katawan ko sa pang-itaas and bukadkad sa baba. A cocktail dress.
I don't have those really big curves like other girls pero pormado naman ang katawan ko kaya hindi ako mukhang poste pag nakasuot nito and let me remind you about my big chest. It really fit on me.
Bigla akong napatingin sa salamin. This long hair made me look more young than my age. Hindi ko alam kung anong napasok sa isip ko at kinuha ko ang gunting sa loob ng maliit na drawer sa table.
"Konti lang." wika ko sa sarili.
Inayos ko muna ang buhok ko saka pinutulan iyun. Napakagat-labi ako. I looked at myself in the mirror. Nakahinga ako ng malalim. I took the curler in my drawer and decided to curl my hair. I look plain with straight hair. I don't like it. I never liked my hair. Stephanie has a curly hair, so are my cousins. Ako lang talaga yung naiba. Sabi nila, nagmana lang daw siguro ako kay daddy... Well, maybe.
I was so satisfied when I see myself in the mirror. I really look better with curly hair. I put a little make up on my face. Yung simple lang naman. Red tint for my lips. Eyeliner and a not so obvious eyeshadow. I don't need to do my eyebrows since makapal na siya at tama na naman yung pagkakaporma niya. Sinuklay ko na lang para hindi makalat. I put some accessories that matches what I'm wearing. And done!
After that, tumayo ako't tiningnan ang sarili sa salamin. Hindi ako makapaniwalang ako ang nakikita ko. I looked different. Naglakad lakad pa ako wearing that shoes I won from Tanya. Omg. Tyler will love this.
Kinuha ko ang bag ko. It's a shoulder bag na maliit lang and it matches my dress. Actually, kasama na toh sa dress nung binili ko. Dinala ko lang ang importante kong mga gamit like phone, wallet and isang ballpen para mamaya.
After that, excited na akonf lumabas ng unit ko. I will surprise him. But before that, I need to make sure na nasa opisina siya ng hindi masayang ang effort ko. Nang nasa loob na ng kotse ko, I hurriedly called Tyler.
Kinailangan ko siyang tawagan ng tatlong beses bago niya sinagot ang tawag ko.
"Babe, you're awake. Akala ko mamaya ka pa magigising." bungad niya.
"Where are you right now? Nasa opisina ka?"
"Hmmm yeah. Ikaw? Maaga ba ang pasok mo ngayon?"
"Hindi. May pupuntahan lang ako. Sige. Bye."
Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya at tinapos ko na ang tawag. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko. I know where there company is since nakapunta na ako doon ng isang beses ng dinala ako ni Daddy to meet Tito Julio. It was his birthday ata noon kaya kami dumaan.
Pagdating ko sa harap ng kompanya nila, inayos ko agad ang sarili. I looked at myself in the rearview mirror bago ako naglakad papasok ng building. Na-hold pa ako ng guard ng papasok na sana. I forgot how strict their company is.
"Saan po tayo ma'am?" tanong nito.
"I'm here for Mr. Tyler Laurel. I'm his girlfriend. Just tell him I'm here."
Ngumiti ito. "Sasamahan ko po kayo sa reception." anang guard.
Hindi na ako umangal. Hinayaan ko na lang siya. He guided me to the front desk. Kinausap niya ang babaeng andun and sinabi na tawagan si Tyler para sabihing andito ako. Ang strikto diba? Girlfriend na nga, di pa makapasok.
Pansin ko nag tinginan ng mga empleyado sa akin, lalo na ang mga lalaki. Somehow, nakaramdam ako ng confidence sa sarili. Excited na akong makita si Tyler.
"Ma'am, I'm sorry but Mr. Laurel's with a client right now. Can you wait for awhile?"
"Can I just get in? It's fine. He wouldn't mind. I'll tell him na pinwersa kitang papasukin ako."
"I am really sorry, ma'am. Company rules lang po. I can't let a guess in kung hindi pinapapasok ng nakakataas."
I sighed. Tumango na lang ako. Pinaupo niya muna ako doon sa waiting area ar susubukan daw niya ulit na tawagan ang opisina ni Tyler. Tsk. Ang aga-aga may kliyente na agad? Ano bang trabaho yan. Nakakainis. Pag ako nawalan ng pasensya, aalis na talaga ako.
Buti na lang at may tv kaya naaliw na rin ako. Cartoon kasi ang pinapalabas.
Napadako ang tingin ko sa elevator sa harap ng makitang bumukas iyun. Napatayo ako ng makita si Tyler. Glad he's here.
Lalapit na sana ako sa kanya ng makitang may kasama siya. Inalalayan niya itong makalabas ng elevator. Nakita kong nagtawanan pa ang dalawa dahil sa sinabi ni Tyler. Napakunot ang noo ko lalo na ng humawak ito sa braso ni Tyler. Wow. They look happy.
I looked at the girl from head to toe. She's pretty... Matangkad... Saka... She looks sophisticated. Kahit hindi dapat, nakaramdam ako ng pagkairita. I feel like... Ewan... He wasn't able to attend me dahil lang may kasama siyang ibang babae. I felt betrayed.
Hindi ako makapaniwala ng makitang halikan siya ng babae sa cheeks. Kliyente? Hahalik sa cheeks? Wow. Ganyan na pala ngayon? Di ako na-inform. Ganyan din kaya si daddy sa mga kliyente niyang babae?
Napakuyom ako ng kamao. What dad sid flashed to my memory. Did it all start like this? Pahalik-halik tapos na tempt? Mahina akong napaubo. Parang may bumara sa lalamunan ko. Bago pa man niya ako makita, mabilis na akong naglakad paalis ng building. Bullshit.