"Okay na tayo kay Cable Blade… so ngayon… ano nang susunod?" –Rouser
"Di ko rin alam, actually… ako dapat ang magtatanong sayo nyan haha!" –Ako (Cloud Girl)
..
..
..
..
..
The next day, after namin matalo at maisuko sa mga pulis si Cable Blade…
Umaga na ng makauwi ako dito, tapos natulog agad ako, okay lang na gumising ng tanghali bukas total, wala namang pasok dahil Sunday ngayon. Pagkagising ko, diretso agad ako sa sala non at nanonood sa news channel si Yaya Atria na yun nga, syempre kami nanaman ni Rouser ang laman ng balita.
"Ya… si Mommy?"
"May pinuntahan siya, sinamahan siya ni Benjo" at sabay sabing "Wala ka pala sa kwarto mo kagabi ah! Sinugod nyo pala si Cable Blade diyan sa ginagawang LRT?!"
"Oo ya, na-locate namin kasi siya tapos hindi talaga siya naalis sa pwesto nya. Yun pala inaantay nya kaming dalawa para mapatay niya kami. Akala naman niya magagawa nya talaga… pero nagloko nanaman tong kapangyarihan ko habang nakikipag-laban kami sa kanya…"
"Buti nalang talaga natalo nyo siya, teka? Si Rouser?! Boyfriend mo na ba siya?!"
"LUH!!!"
"Edi nakipaglaban din siya kay Cable Blade?"
"Opo, siya nga talaga lumaban eh, pinatagal nya talaga siguro… para gumana tong kapangyarihan ko. Ano kasi… tinamaan ako ng mga kutsilyo nya tapos tumama talaga, hindi tumagos sakin ya… then inalala ko lang yung sinabi mo sakin, na dapat matapang ako, na dapat naniwala ako sa kakayahan ko. Yun… wala akong sugat. Para akong immortal…"
"Pero mag-iingat ka pa din, wala pa naman ako pag nasa labas ka. Alaga kita Claudine, kahit may kapangyarihan ka, nag-aalala pa din ako sayo"
"Opo Ya, Salamat ah… alam na kaya ni Mommy na ako si Cloud Girl?" naitanong ko bigla…
"Hi-Hindi noh?! Hindi nya malalamang ikaw si Cloud Girl… safe sakin secret mo" –Sagot niya
"Yari talaga ako pag malalaman niyang ako si Cloud Girl… baka palayasin niya ako. Hate nya pa naman yun, I mean hate nya yung pagiging Superhero ko. Tutol siya sa mga pinaggagagawa ko…"
"Safe sakin tong sikreto mo, promise… may iba ka pa bang sinabihan nito?" tanong naman niya sakin
"Meron ya, ano kasi… nakita niya akong bumaba galing sa ulap. Bata pa naman yun, and genius yun. Kampante pati ako sa Grade 4 na yon, di niya ipagkakalat ang sikreto ko"
..
Nang makauwi sina mommy, napag-usapan nanaman namin si 'CLOUD GIRL' but this time, hindi siya yamot pero di pa rin siya supportive…
"Napahuli nila si Cable Blade?" –Mommy
"Opo! Ang galing nga nila eh! O diba may nagawa silang kabutihan?" –Ako na nagkukunwaring fan lang ni Cloud Girl
"Inaagawan lang nila ng trabaho tong mga pulis" –Mommy
"Di naman siguro sa ganun, eh di yan kaya ng mga pulis kasi ang hirap nyang hulihin"
"Dapat nga eh hinuli din silang dalawa dahil trespassing yung ginawa nilang dalawa sa ginagawang LRT Station"
"Eh naandon daw si Cable Blade kasi kaya pinuntahan nila"
"And yet siya lang nahuli… napaka one-sided lang talaga ng batas dito sa pinas"
And again, nawalan nanaman ako ng words para ipagtanggol ko yung sarili ko kay Mommy, totoo naman and siguro may case nga din yung ginawa namin na pag trespass sa ginagawang LRT Station na yun.
..
..
..
..
..
Ang hirap pala ng ganitong feeling, yung sikat na sikat ka ngayon pero bawal mong ipagsigawan na ikaw yung tao na yun kasi andaming pwedeng mangyari sayo eh, pagkakaguluhan, kaiingitan, papatayin? Wala lang akong makakwentuhan talaga ng about sa insidenteng iyon, maliban kay Wendell
Sa School…
"So now that you're done with him? Who's next?" –Wendell
"I don't know yet pa Wendell… siguro baka mga kriminal ulet ganyan… kung sino lang ituro ng ulap sakin?"
"What do you think te? Meron kayang nag cocontrol ng mga cloud directions mo?"
"Danger Indicator yun, yung ulap na hugis arrow"
"Yeah yun tinutukoy ko, I mean sa tingin mo meron kayang nag-cocontrol nun?"
Napaisip ako bigla doon, meron nga ba? o wala? "Feeling ko wala naman, pero timely lang na dinadala ako nun sa laban or minsan sa gusto kong mapuntahan… effective nga yun eh, instant travel"
"Yup, I'd rather fly and be on the action agad kesa mag-motor pako papunta doon hahaha!!"
"Si Rouser ba yang tinutukoy mo?"
"Yup, he came first but you're more effective than him as a hero"
"Oy wag kang ganyan sa kanya, para kang basher dyan!"
"No, I'm not… mas lamang ka sa kanya kasi may powers ka, siya wala hahaha!"
"Di ko matatalo si Cable Blade ng wala siya noh"
"You can, siguro ate Claud, magpa-practice ka pa ng madami"
Nag-ring na ang bell sa buong school, sign na ito na tapos na ang recess.
"Ate Claudine maya nalang ulit!"
"Sige Wendell…"
Kahit saan ako magpunta, iisa lang ang pinag-uusapan ng lahat, maging dito sa class namin eh, puro 'natalo nina Cloud Girl at Rouser si Cable Blade' puro ganyan, ako naman di ako maka-imik kasi baka kung ano pa mai-share ko sa kanila. But napaisip din ako sa sinabi Wendell sakin,
After namin matalo si Cable Blade at ngayon nga na naka-kulong na siya…
Ano na susunod neto kay Cloud Girl?
Siguro, focus na muna ulit ako sa studies neto. Kahit na di ko alam kung pang Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na magfofocus nako sa pag-aaral.
Chineck ko yung isa kong fb account na pang contact ko kina Rouser and friends, wala parin siyang message, gusto ko ulit sya makasama sa susunod naming 'mission' kahit na wala kami gaanong teamwork, nagagawa naman namin yung talagang goal namin.
"Ms. Claudine?! Natutulala ka nanaman sa subject ko?!" –Prof. Science
"Sorry po Mam!"
Focus muna Claudine, focus sa studies!!
..
..
..
..
..
After class namin @4PM,
"Wala pa sundo mo Wendell?" –Ako (Claudine)
"Wala pa ate Claudine, pero look at this news hahaha! May bagong Superhero oh!!" –Wendell
Ano daw?! Bagong superhero?!
"Siya si Master Chef! Hahahaha!!! And for just two hours ago, lang, may nakontra siyang riding-in-tandem sa lugar nila sa Cavite! And look at his costume, fuck muka syang gago hahaha!"
"LANGUAGE!"
"Sorry Ate Cloud! But look at him, he's so ridiculous hahaha!!"
Pinanood ko yung CCTV Footage ng ginawang aksyon ni 'Master Chef' laban don sa riding-in-tandem, and actually ang lupet nyang makipaglaban! Diko alam dito kay Wendell bat tuwang tuwa sya sa costume nyang pang Col. Sanders ng KFC na naka-mask (parang ako) ang dating?
"He's probably inspired by you and to Rouser, hahaha! Naka white na mask din sya oh, and just like Rouser, di sila shy in front of media…"
"So shy type ako ganun?"
"Yep, but that's good. You don't need to promote yourself naman for doing such things like 'tinalo ko si Cable Blade' and something like that, di ka naman pabibo that's why everyone adores you"
"Yan din naman talaga yung dahilan ko…"
"Bakit pala di mo kasama yung sidekicks mo?"
"Sidekick ko?"
"Yep, yung dalawa? I don't know their names kasi"
"Si Queenie at Alex? Uhhhhmmmmm… nauna sila umalis, may date ata. Magkakasama naman kami sa class kanina"
"Do they know that you're Cloud Girl?"
"Nope, bawal ko sabihin dun sa dalawang iyon… baka ipagkalat pa nila"
"Ako nalang Ate Claudine sidekick mo please! I assure you, helpful akong kakampi mo!"
Pangalawang attempt nya na to para maging sidekick ko, siguro kala ni Wendell laro lang tong 'Superhero thingy' na to'
"No, masyado ka pang bata Wendell, di laro tong pagiging superhero… promise, mas okay pang mag-aral ka nalang"
"Promise ko din, I can really help you in—"
Hindi na natapos pang makapag-salita si Wendell nang dumating na yung service nyang may sinusundo din na iba.
"Basta ate Cloud! Ako magiging sidekick mo!!"
"SHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!"
..
..
..
..
..
Pagkadating ko sa bahay, naibalita na nga yung kaninang pinakita saakin ni Wendell na meron nanamang bagong superhero, at nang mainterview siya
REPORTER: Sino ang inspirasyon mo Master Chef para matawag ka ding superhero?
MASTER CHEF: Syempre si Cloud Girl!
Wow, idol na idol ata ako neto ni Master Chef?
MASTER CHEF: Dahil sa kanya, nagpaka-superhero din ako kahit di ako super na gaya nya at eto mensahe ko to para sa lahat ng mga nanonood at mga kabataan din dyan, magtiwala kayo sa sarili nyo at kakayahan nyo! Ako naniwala akong kaya ko maging hero kahit isa rin akong chef! Pag dumating ang opportunity na makakagawa ka ng kabayanihan!, i-grab nyo na agad! Hindi lahat tayo dito may sapat na tapang para humarap sa mga gantong pagsubok! Maging hero tayo para sa kapwa natin at lagi tayo gagawa ng kabutihan!
Wow… what a speech, di ko kaya gumawa ng ganiyan impromptu sa harap ng camera, wala namang interes sina Mommy, Kuya Benjo, at maging si Yaya Atria dun sa balitang iyon kaya agad nang inoff yung TV after namin mag dinner.
Pagkabalik ko sa room ko, muli kong chineck yung isa kong account at wala pa ding message sakin si Rouser. Nang mapatingin ako sa bintana ay mayroong tinuturo ang kaulapan at eto na yung inaantay kong go time…
Just in time, nababagot na din ako.
Kaya nag-bihis na ako ulit ng typical kong Cloud Girl costume at sabay…
"CLOUD JUMP!"
Masasagot ng laban na to kung ano na ang susunod para saakin!
Eto na tayo sa Season 3 ng Cloud Girl! Natagalan akong gumawa kasi napaka busy ko din sa work lately, pero eto na talaga. If you're reading this, salamat sa paghihintay ng matagal ;)
New characters and new story ang paparating!