Chapter 5 – Safety Play
Binuksan ko yung TV sa kwarto ko bago ako matulog para lang manood ng late night news. Maski sa late night news ngayon, naibalita pa din yung insidente na kinasangkutan ko kanina nang may nagtangkang mantangay ng bag ko.
VIRAL NGAYON: RIDING IN TANDEM NA TINANGAY ANG BAG NG ESTUDYANTE, BUMANGGA SA FX, KAWATAN SUGATAN, BIKTIMANG ESTUDYANTE MAYROON DAW KAPANGYARIHAN?
Sa kuha ng CCTV footage sa Orchid Street malapit sa isang kolehiyo sa Metro Manila, namataan ang isang estudyanteng hindi pa kilala na naglapag ng bag, agad itong nakita ng mga kawatan at di na nila pinalapas pa ang pagkakataon na naakawin ito. Tila nagpanic ang ninakawang estudyante pero nagawa nitong mahabol ang nagmamadaling makatakas na riding in tandem. Ilang saglit pa'y habang humahabol pa din yung ninakawan ng bag, gumawa ito ng 'cotton candy' at inihagis ito sa riding in tandem. Hindi na nakakita pa ang dalawang kawatan nun hanggang sa bumangga sila sa FX na nakatagil muna dahil sa stoplight.
Nahuli ang mga riding in tandem na matagal na palang ginagawa ang modus sa naturang kanto, sila sina Hernan Alfonso at Keanu Asutilla at kasalukuyan na silang nakakulong sa Manila City Jail.
Sa karamihan, maging sa mga nakapanood ng CCTV footage sa social media sites, palaisipan pa din kung ano yung inihagis ng estudyante sa riding in tandem. May mga nagsasabing edited lang, mayroon din mga nagsasabing isa iyong magic o superpowers
Kaloka naman to, trending pala ako ngayon sa social media? Buti nalang di malinaw yung kuha ng CCTV cam sa muka ko. Nako, ayokong pagkaguluhan ako ng maraming tao. Tsk, kainis kasi yung mga magnanakaw na yun, nagamit ko tuloy kapangyarihan ko ng wala sa lugar.
Wala sa lugar pero perfect timing, kasi nagamit ko naman sa mga kawatan hindi sa inosente e.
Tsss, nonsense din takte!
Pero dahil sakin, nahuli nila yung dalawang yun, matagal na pala daw nilang ginagawa yon pero di sila mahuli-huli. At dahil sakin natapos maliligayang araw ng pagnanakaw nila hehehe!
Nonsense pa din kasi trending ako, pag-uusapan ako ng marami at hahanapin nila ako. Di ko pa nga gaano nae-enjoy tong kapangyarihan ko eh tapos ngayon mag-iingat nako ng todo. Kainis! Pesteng CCTV footage yan!!!
..
Usap-usapan nga sa Facebook ngayon tong insidente na kinasangkutan ko. Dun sa post ng abs-cbn about sa balitang to, halo-halo reacts ng mga tao; may Haha, Wow, Love… at sa comment section talaga may isang comment na nangingibabaw…
@RouserOfficialFB: Seems legit? Salute kay Ate Girl. Isang kabayanihan ang pinakita nya.
(589 likes/reacts)
Ang hirap pala ng sikat na sikat ka ngayon pero di mo pwedeng ipagsigawan na ikaw yung sikat na iyon.
Pinusuan ko comment nya hahahaha! Pinuri ako ng isang real-life superhero.
Lesson saakin to na mas dapat pa akong mag-ingat. Tama payo saakin ni Mommy kaninang umaga, at wag ko daw kalimutang magpasalamat sa diyos.
..
After that day idine-dedicate ko tong sarili ko para lang sa pag-aaral. Di ko na muna gagamitin tong kapangyarihan ko sa school. Acads is life pa rin syempre. Nakikinig at nagte-take down notes ako, review, recitation ng onte para sa grade at makakuha ng passing score sa quiz. Di ko naman tinatarget na maka-perfect ako, happy na akong pasado ako hehehe. I spend time ulit sa mga kaibigan ko, kina Queenie at Alex then iwas toxicity tulad na katulad ni Philip.
Bago ako lumabas ng school, I wore my white jacket na may hood tapos meron din pala akong face mask na nabili ko ng 35 pesos lang sa bangketa pero di ko pa suot. Ngayon yung bag pack ko, front pack na at aware nako ng onte sa paligid ko kasi baka may kawatan nanaman. Habang inaantay ko yung susundo sakin, sinamahan ako ni Queenie sa waiting shed.
"Beh, di ka ba naiinitan dyan sa suot mo? Di pa naman gaano malamig ngayong hapon ah?" -Queenie
"Di naman beh, okay lang. Gusto ko lang suotin to kesa isiksik ko sa bag"
"Pormahan mo mala-hypebeast hahaha! Wala nga lang Supreme na tatak yang jacket mo" -Queenie
"Yoko nga, di pati ako Hypebeast noh"
Ilang minuto ang lumipas nun at agad nang dumating si Kyah Benjo para ihatid ako pauwi ng bahay. Habang nasa sasakyan na ako nun, nakikinig kami ng balita. Ganto ba talaga dito, puro droga, patayan saka katiwalian sa gobyero ang madalas na naririnig kong balita. Nakakainis lang, kasi mas nananaig pa din yung problema sa kesa sa solusyon. Saka, asan na si Rouser? Hindi ko pa sya napapakinggan sa balita to ngayong hapon na to. Wala ata syang ganap ngayon.
"Oh kuya bat tayo napatigil bigla?" -Natanong ko kay Kuya Benjo
"Diyan ka lang muna Mam Claudine, langhyang traffic nanaman… Tingnan ko lang saglit sa labas.
Bumaba ng sasakyan si Kuya Benjo nun, pati yung ibang tao nun sa mga jeep nagbabaan na rin dahil sa sobrang traffic, di na nausad mga sasakyan dito eh. Habang nasa labas ng sasakyan si Kuya Benjo nun, napa-check nalang ako sa FB ko nun, scroll-scroll lang kasi amboring eh, at dumagdag pa tong traffic na to…
Pagpasok ni Kuya Benjo, "May pinatay nanaman pala eh, politiko nanaman. Malamang riding in tandem ang may gawa nun"
"Sa kalsada ba pinatay?"
"Sa loob ng sasakyan, tapos yung sasakyan nila bumangga sa truck. Kasaklap lang ng nangyari…"
"Haysssssss…"
"Bakit mam?"
"Wag mo na akong tawaging Mam, ha… I mean po, Kuya Benjo" nasabi ko lang, then naisipan ko syang tanungin…
"Ammmmmmmm… Kuya Benjo, pag meron kang Super Powers yung tulad nang kina Superman, anong gagawin mo?"
"Aba syempre gagamitin ko yun para makagawa ng kabutihan no, kung may power ako pipigilan ko yang mga krimen na yan. Saka pa pogi points din yun noh"
"Kung andito ba si Rouser, mapipigilan nya kaya yung krimen na nangyari ngayon?"
"Siguro Claudine, pero wala naman syang kapangyarihan eh. Meron lang syang kapal ng muka—"
"Hindi naman siguro kuya sa kapal ng muka, may lakas lang talaga sya ng loob! Hater ka ata eh?"
"Pero mababalewala lahat ng iyon pag nasa bingit ka na ng kamatayan, di mo alam kung may mangliligtas ba sayo o wala kaya…"
"So… ano pino-point out mo nyan Kuya Benjo?"
"Di sapat yung puro tapang lang Claudine… lalo na't kung magpapaka Super-Hero ka, Mabuti sana kung meron syang kapangyarihan eh. Di naman sa ayoko dyan sa iniidolo mo pero bilang may anak na, di ko papayagan yun pag anak ko yun"
"Sabagay… hanga lang ako sa kanya kasi kahit wala syang kapangyarihan nagagawa nyang gawin yung mga ginagawa talaga ng mga super hero"
"Buti nga di pa hinuhuli ng mga pulis eh hahaha"
..
Di rin nagtagal ay lumuwag na ang daloy ng trapiko nun at agad din kaming nakauwi. After ko mag-dinner nun, deretcho agad ako sa kwarto ko nun at napahiga ako. Nang buksan ko ang palad ko, gumaan ang pakiramdam ko ng gamitin ko muli tong kapangyarihan ko. Buong araw pala akong hindi naglabas ng ulap, di ko rin sinubukang pagalawin yung ulap sa kalangitan ngayon, lahat ng ginawa ko today is pag-aaral lang. Safety play muna ako kasi naging issue yung ginawa ko kahapon eh.
Dahil sa insidente kanina at sa sinabi ni Kuya Benjo, napatanong agad ako sa sarili ko eh. Paano kaya kung ginamit ko yung kapangyarihan ko nun para mailigtas yung pinagbabaril kanina?
O paano kaya kung… ginamit ko sa kabutihan tong kapangyarihan ko… na parang Superhero?
Di ko rin masasabing maililigtas ko sya eh, o baka magawa ko naman, pero kapahamakan ko yung kapalit.
Kung si Rouser nga eh, nagagawa nyang makapigil ng krimen kahit walang kapangyarihan, ako pa kanyang meron?
Nung nagawa kong maipahuli yung riding in tandem na di mahuli-huli ng mga pulis, feeling ko nakatulong ako sa komunidad nun. Kaso kung nagpaka-lantad agad ako, alam ko agad na magiging malaking isyu tong meron ako…
Hanggang ngayon nga eh, di ko pa rin alam bat may ganto akong kakayahan… saka sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ako pa…
..