webnovel

Chapter 14

JASON'S POV

Hindi ako makatulog kaya lumabas ako ng bahay. Hindi na din ako nagpaalam kina Mama kasi tulog na din sila. Pumunta ako sa bayan at pumasok sa bar at tumungo sa isang mesa at uminom ng alak. Ilang lagok na ang nagawa ko nang may tumabi sa aking babae at pinulupot ang kamay niya sa leeg ko.

"Mind if I join you?"

Tss, wala ako sa mood makipag-anuhan ngayon dala ng pagka badtrip ko.

"No." Diretso kong sagot at tatayo na nasa kaso hinila niya ulit ako.

"Not so fast." Sabi niya at umupo sa hita ko.

Tangna ang kulit!

"Pwede ba, wala ako sa mood!" Tinignan ko siya sa mata at ginawa ko ang dapat hindi gawin sa tao at saka ko siya kinagatan sa leeg.

"Tabi!" Sigaw ko sa kanya at itinulak siya kaya napahiga siya sa sahig.

Umalis ako sa pwesto na 'yon at lumabas na. Ayoko sa lahat kulitin ng kulitin ngayong mainit ang ulo ko sa ginawang pang-aagaw ni Lennard. Hahayaan ko na lang muna ang mga mangyayari. Kapag sumusobra na, aagawin ko pabalik sakin si Marj dahil alam kong nung una palang ako na ang nauna sa kanya.

Umupo ako sa gilid ng kalsada at nag-isip ng magandang gawin para mawala ang init ng ulo ko. Saktong may dumaang babae sa harap ko, hinila ko ang kamay niya paharap sakin, tinignan ko ng maigi ang mata niya at kinompel siya.

"Sa ayaw at sa gusto mo, susundin mo ang sasabihin ko. Mag jowa na tayo simula ngayon. Naintindihan mo ba?" Sabi ko, tumango naman siya.

Tangna anong kalokohan ba 'tong ginagawa ko? Bahala na, ano sila lang ba ang may karapatang maging masaya?

"Sumama ka sakin." Sabi ko dun sa babae, nagpahila naman siya kaya ngumisi nalang ako.

Oras na para bumalik sa dating ako, ang maging bampirang tunay sa harap nila. Dinala ko siya sa madilim at sinandal sa puno at hinalik-halikan ang leeg.

"Uhh..." Rinig kong ungol niya. Naamoy ko ang sariwang dugo sa kanya at hindi ko namalayan na kinagat ko na siya.

Pero natigilan ako nang marinig ko ang boses niya mula sa likod ko.

"Jason..."

Tinignan ko siya, namumula na ang mata niya at kahit anong oras babagsak na ang luha niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong tanong sa kanya. Kahit ayokong sabihan siya ng malamig na tono ng boses ko ginawa ko para lumayo na siya sa akin. Pagmamay-ari na siya ni Lennard at ayoko namang mamatay ng maaga.

"Anong ibig sabihin n-niyang dugo sa labi mo?" Napahikbi na siya. Pinaiyak ko na naman siya.

"Hindi mo ba nakikita? Nag-eenjoy akong halikan ang jowa ko." Tinignan ko ang babaeng nahila ko kanina, nakatingin lang siya kay Marj.

"Anong jowa mo?" Tanong niya, tinignan ko ulit siya na hilam na ang mga mata ngayon.

"Oo, jowa ko." Sagot ko sa kanya at inakbayan ang babae. "Teka, ano nga ang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti muna siya bago ako sinagot.

"Margarette Marie Choi."

Pagkarinig ko sa pangalan nung babae, nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kapangalan niya pa talaga? Ano na ang gagawin ko dito ngayon? Nasa malaking gulo nahantong ang buhay ko. Embes na mag move on hindi ko na magagawa dahil sa pangalan ng babaeng nadawit ko.

Tumakbo na palayo si Marj at hindi ko man lang magawang sundan siya. Nakatingin lang ako sa kanya. Tama naman siguro 'tong ginawa ko diba? Humanap ng panakip butas kahit alam kong mali. Para din naman 'to sa kanya, at mas ayokong may mangyaring masama sa kanya.

"Uuwi na ko, may pasok pa ko bukas." Sabi ng isa.

"Geh, kung ano man ang itatanong sayo sabihin mong nabunggo ka lang sa may pako kaya 'yan dumugo."

Ta3 anong rason 'yon?

"Geh. Bye Jason." Paalam niya.

Bakit niya alam ang pangalan ko?

MARJ POV

Pagkarinig ko ng pangalan ng babaeng kasama niya tumakbo na ako palayo. Ayoko nang umiyak. Nagising ako kanina nang wala siya sa tabi ko at sa bahay kaya hinanap ko siya. Gusto ko lang naman kasing sulitin ang oras kasama siya kasi bukas wala ng pag-asang magkalapit kami. Tapos 'yon pa ang nadatnan ko? May kasama siyang iba at jowa daw niya. Imposible. Alam kong ako lang ang mahal niya pero bakit ganun? Tapos nakita ko pang kinakagat niya 'yong babae. Ayos sa ayos. Pinakita na niya talaga sa akin ang totoong siya.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Alas tres na ng madaling araw at maya maya dadami na ulit ang tao dito sa bayan. Hindi na ako makatulog kaya hindi na ako uuwi dahil alam kong hindi na din maibabalik 'yong dating kami. Malamig pa ang pag-usap niya kanina kaya natahimik na lang ako. Kung pwede lang ulitin ang oras na hindi ko 'yon nakita siguro ngumingiti ako ngayon. Pero wala eh. Pero tangna ang sakit na talaga ang mga ginawa niyang pagpapaiyak sa akin. Kung hindi ko lang siya pinatuloy sa bahay noon masaya pa ko ngayon kasi makakahanap din ako ng totoong kasiyahan sa totoong tao. Pero nagkamali ako. Puro bampira ang kasama ko sa bahay na wala namang ginawa kundi ang paiyakin ako. Gusto ko na nga silang palayasin para bumalik ang dati kong kasiyahan nung mga oras na wala pa sila sa buhay ko.

Napaupo na lang ako sa tabi ng kalsadang nilalakaran ko. Namamanhid na ang mga tuhod ko at masakit na din ang mata ko sa kakaiyak. Kailan pa ba ulit ako sasaya sa piling ng iba? 'Yong hindi bampira ang magpapasaya sa akin? Napatungo ako habang umiiyak.

Lord, bigyan niyo naman po ako ng chance para sa kaligayahan ko. Ayoko na talaga. Parang gusto ko na ngang ipahinga ang utak at puso ko. Gusto ko ng kakaibang pangyayari sa buhay ko, 'yong hindi puro bampira ang umaaligid sa akin.

"Miss, what's wrong" Narinig kong may tumawag sa 'kin.

Tumingala ako at bumungad sa akin si Kuya Mike.

"Marj? Anong ginagawa mo dito? Madaling araw na ah! Sino kasama mo? Bakit ka umiiyak? May problema ba?" Diretsong tanong niya.

"Tumayo ka nga dyan."

Bago pa ako sasagot sana hinila na niya ang braso para itayo ako.

"Sino ba kasama mo dito?"

Malamang wala akong kasama. Umiling na lang ako.

"Ako." Rinig kong sabi ng pamilyar na boses mula sa likod ko.

Tinignan lang iyon ni Kuya Mike at saka ngumiti.

"Oh, nandito ka pala? Eh sabi ni Marj wala siyang kasama? Umuwi na nga kayo madaling araw gumagala pa."

"Ayokong umuwi." Sagot ko kay Kuya.

Napabuntong hininga na lang siya.

"Hay nakong bata ka, ano ba ang problema mo?"

Problema ko? Si Jason, si Lennard, at saka 'yong kapangalan kong babae. May kakambal ba ako na hindi ko alam?

"Kuya, m-may kakambal ba ko?" Mahinang tanong ko sa kanya.

Natigilan siya sa tanong ko at napanganga kaya pumekeng tawa ako.

"Haha-- never mind na lang Kuya." Saka ako lumakad lagpas sa kanyang hindi ko siya tinignan.

Napatigil ako nang magsalita si Kuya sa likod ko.

"Oo, meron."

Tumulo na naman ang luha ako. Bwesit bakit ganito na ako palaging umiiyak? Kailan ba ako mawawalan ng luha para wala ng masasayang na luha ko? At mas lalong masakit malaman na alam nila ang katotohanan sa pagkatao ko pero ako walang kamalay malay sa sitwasyon ko.

Ano ba talaga ako sa kanila? Ginagawa ko naman ang lahat ng tama para mabuhay ako ng normal pero nasira lang sa mga sekretong hindi ko alam.

Wala ako sa katinuan ko. Nanlalabo na ang mga mata ko pero pilit kong huwag umiyak dahil sa naglalakad ako.

"Marj! Please mag-usap tayo!" Pinigilan niya ako sa braso kaya napahinto ako. Sinusundan na pala ako ng ugok na 'to.

Hinarap ko siya at malakas na sinampal.

"Ano pa ba ang pag-uusapan natin ha? Diba nasabi mo na din kanina na may jowa ka at nakita ng dalawang mata ko ang ginawa mo sa kanya! Tapos narinig ko pang magkapangalan kami at nalaman ko din kay Kuya Mike na may kakambal ako. Pa'no kung siya 'yon? Anong mukha pa ang maipapakita ko kung alam niyang ikaw ang iniyakan ko na jowa niya? Ano ha?" Diretsong sabi ko sa kanya. Pinigilan kong huwag pumiyok at umiyak.

Hahawakan niya sana ako sa kamay pero lumayo ako at tumalikod

"Wala lang 'yon. Hindi ko naman alam na--"

Napatigil siya kaya tinignan ko siya pero si Lennard ang bumungad sa akin at nakahandusay na si Jason sa daan.

What the hell happened?

"Anong ginawa mo?" Sigaw ko kay Lennard pero ngumisi lang siya.

Lalapit sana ako kay Jason pero hinila niya ako.

"Oras na ng pagiging mag jowa natin."

Kinalibutan ako sa sinabi niya at nasasaktan ako sa paghawak niya sa kamay ko kaya nilabas ko ang bagay na nasa bote at inispray sa mata niya sabay takbo!

Akala niya maloloko niya ulit ako? Pwes nagkakamali siya. Buti na lang binigyan ako ni Kuya ng bagay na 'yon para sa mga bampira dahil siya'y isang 'Vampire Hunter' at nung tumira ako sa kanila ko lang nalaman.

"Hahatid ka na namin?"

May sumulpot na tatlong lalaki sa gilid ko. Sino pa nga ba sila?

"Ayoko pang umuwi." Sagot ko sa kanila.

"Okay, iiwan ka na namin. Good luck na lang kung susundan ka ulit ni Lennard." Sabi ni Gio sabay akbay sa dalawa at dumaan sa kabilang kalsada.

Kinakabahan ako dahil ayoko din sumama kay Lennard. Ano pa ba ang kasiyahan na tinatawag kapag kasama siya? Spell A-S-A!

"Hoy, teka!" Sigaw ko sa kanila kaya napahinto naman sila sa paglalakad. "Sige ihatid niyo na ko pero hindi sa bahay."

"Saan mo naman gustong pumunta?" Si Kris.

Napahawak ako sa ulo ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko, pero bigla na lang lumabas sa bibig ko ang salitang...

"Sa bahay ng kakambal ko."

"MAY KAKAMBAL KA?" Sigaw nilang tatlo kaya napahawak ako sa tenga ko.

Siguro ito na ang tamang oras para maging masaya, ang makilala ang kakambal ko.

Lord, salamat dininig niyo ang panalangin ko. Hindi ko po sasayangin 'tong pagkakataong ibinigay niyo sa akin. Maraming salamat po.

Gaya ng sinabi ko hinatid nila ako sa bahay ng kakambal ko. Hindi ko alam pero kilala daw nila kung sino 'yon. Ayos din sila ah. Ako nga walang alam tapos sila meron? Pero natigilan ako nang makita ko kung sino ang nagbukas ng gate sa bahay na 'yon.

Bakit ako pinagloloko ng panahon? Ano ba ang tamang tadhana na dadating sa akin?

Próximo capítulo