webnovel

Chapter 7

JASON'S POV

Dito kami sa ospital. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niya ang katotohanan tungkol sa akin. At p.ta lang nasa kwarto niya ang nakabangga sa kanya. Hindi ko siya kilala pero pamilyar ang mukha niya.

Pumasok ako, at nabaling ang mata nila sa akin. Gising na siya.

"Jason?" Tawag niya sa akin.

Tumingin ako sa kamay nilang dalawang magkahawak. Oo magkahawak kamay sila! Nakaramdam ako ng selos.

"Si Michael nga pala." Pagpakilala niya. Inabot niya ang kamay niya pero tinignan ko lang iyon.

Tumalikod na ako sa kanila at tumungo sa pinto.

"Jason, saan ka pupunta?" Hindi ko siya hinarap at sinagot kaya lumabas na lang ako sa kwartong 'yon. Ngayon lang ako nagselos sa totoo lang.

"Hahaha! Grabe 'yon ah! Sino ba 'yon?" Rinig kong tanong ng lalaki.

"Nakitira sa bahay. Hayaan mo 'yon."

"Pero seryoso pinsan, kilala mo ba talaga 'yon? Baka maya maya lolokohin ka lang."

Pinsan?

"Oo naman, mabait naman siya eh."

"Sure ka dyan ha?"

"Oo naman Kuya."

Hindi ko na kinaya ang usapan nila. Umalis na ako ng tuluyan sa ospital at umuwi sa bahay niya. Mas mabuti pang ditto na muna ako kesa dun ako kasi kahit pinsan niya 'yon nakaramdam ako ng pagseselos. At gustuhin ko mang gawing bampira siya hindi ko magawa. Ayaw kong mapahamak siya.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa bahay kaya umalis na lang ako. Pumunta ako sa park kung saan niya ako dinala kahapon. Nakaramdam ako ng hiya. Akala ko kahapon mawawala na siya ng tuluyan pero buti na lang at itinakbo agad siya sa ospital nung nakabunggo sa kanya at 'yon nga ang pinsan niya.

Umupo ako sa bench kung saan walang nakaupo. Tinitignan ko lang ang mga namamasyal kasama ang pamilya nila. I used to this when I was young. Yung hindi pa komplikado ang lahat at hindi pa ako bampira.

"Pwede maki-share ng upuan?" Tanong ng babae sa gawi ko.

Hindi ko siya tinignan at tumango na lang ako bilang sagot.

"Thanks." Sabi niya at umupo na. "Haaay ang init." Naramdaman kong nakatingin siya sa akin.

Wala akong balak makipag-usap sa hindi ko kilala.

"Ano pangalan mo, Kuya?"

Tss. Papansin.

"Jason." Tipid kong sagot.

"Ahh. I'm Hannah." Pakilala niya.

Tinignan ko siya, nakalahad ang kamay niya kaya tinanggap ko naman 'yon. Maganda at maamo ang mukha niya at wala din sa boses ang arte.

"Nice to meet you, Jason." Sabi niya, ngumiti lang ako at binalik ang tingin sa mga tao.

Hindi naman masamang makipagkaibigan sa iba, diba? Kung siya nga may mga kaibigan kaya ako din.

"Babe! Tara na!" Sigaw ng isang lalaki na papalapit sa pwesto niya. Tinignan ko kung sino 'yon at siya yung pinsan ni Marj!

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Paano, una na ako. Sige bye!" Sabay tayo at tumakbo sa lalaki.

Good, taken na pala.

Tumayo na din ako at pumunta sa ospital. Baka wala siyang kasama dun. Pagkadating ko dun, nakahiga lang siya sa kama niya. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Saan ka galing?" Tanong niya.

Ngumiti ako at tinignan ng mabuti ang mata niya.

"Sa labas lang." Hinawi ko ang buhok niya at hinawakan ang pisngi niya.

"Ahh."

"Sino yung lalaki kanina?" Hindi ko pinahalata na kilala ko na kung sino yun.

"Ah, si Kuya Michael? Pinsan ko siya."

"Akala ko ba wala ka nang kamag-anak?"

"Meron pa. Hindi lang nila ako pinapansin." Lumungkot ang tono ng boses niya. "Buti na lang nakilala pa ako ni Kuya Mike. Siya na din ang nagbayad ng gastusin ko dito." Paliwanag niya. Tumango na lang ako.

Biglang tumahimik kaya binasag ko yun.

"Kailan ka lalabas?" Tanong ko.

"Sa isang araw pa. Medyo masakit pa ang ulo ko." Hinawakan niya ang ulo niyang may bandage. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Sorry hindi kita naligtas."

"A...ano ka ba? Okay lang, hindi mo naman kasalanan." Humigpit ang kapit niya sa kamay ko.

"Sorry din hindi kita napasaya kahapon. Birthday ko pa naman." Humina ang boses niya at medyo bumasag.

Pero ano? Birthday niya kahapon?

"Bi-birthday mo kahapon?" Tumango lang siya pero may tumulong luha mula sa mata niya habang pilit ngumiti. Pinahid ko yun.

"Iyak ka na naman." Sermon ko. "Sana sinabi mo kahapon na birthday mo para pinaghandaan kita." Sabi ko sa kanya. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha niya. "Huwag ka nang umiyak oh."

"Sorry, iyakin lang talaga ako simula nung dumating ka sa bahay." Natatawang sabi niya.

And there, lumabas na din mula sa bibig niya ang katotohanang ako ang dahilan ng pag-iyak niya. Binitawan ko siya at tumayo na. Ang sakit sa pakiramdam marinig yun.

"Saan ka pupunta?"

"Sa labas lang."

Lumabas na ako ng kwarto niya at nagmadaling umalis sa ospital. Ito na ang kinatatakutan kong araw, ang sabihin niya yun.

"Sorry Marj. Aalis na lang ako sa bahay mo, hindi ka na din masasaktan pag nakaalis na ako. Hindi mo na ako makikita kahit hindi mo ako pinapaalis. Ako ang dahilan ng pag-iyak mo hindi ba? Kaya aalis na lang ako para maging malaya ka na." Sabi ko sa sarili ko at hindi ko na namalayang umiiyak na din ako.

"Patawarin mo ako sa gagawin ko."

Dumiretso ako sa dating bahay ko. Gusto kong buhayin muli sina Mama at Papa. Gusto ko silang makasama ulit pero mapanganib ang gagawin ko. Bahala na, gusto ko lang naman maging masaya ulit ako kasama sila.

Pumunta ako sa libingan nila. Nagdala ako ng sariwang dugo. Hinukay ko iyon. At lumapad ang ngiti ko dahil bubuhayin ko ulit ang mga magulang ko. Pinainom ko sila ng dugo at sa ilang segundo lang nakatayo na sila.

"Anak." Sabi ni Mama sabay yakap sa akin. Niyakap ko din siya pati si Papa.

"Ma, Pa, welcome back!" Masayang bati ko sa kanila.

"Salamat binuhay mo kami." Sabi ni Papa.

"Miss ko na kasi kayo."

"May nililigawan ka na ba anak?� Tanong ni Mama.

"Ma, bago ko sagutin ang tanong mo umuwi na muna tayo sa bahay."

"Oh sige. Ipaghanda mo kami ng fresh na pagkain." Sagot naman ni Papa. Siniko naman siya ni Mama.

Alam ko na ang ibig sabihin nun. Fresh blood as in galing sa taong buhay. Nababahala lang ako kung malaman ito ni Marj. Wala naman akong balak sabihin sa kanya 'to pero mas masakit yun kapag nalaman niya ito nang hindi ko sinasabi sa kanya. Ano ba talaga ang gagawin ko? Masakit din sa akin kapag nagsinungaling ako. Makokonsensya ako ng sobra. At paano kung malaman ng ibang taong buhay na ang mga bampira after 75 years na pamamahimik ng lugar na 'to? Ano din ang mararamdaman ko? Syempre masasaktan din baka mas lalong mawala ang mga magulang ko. Bahala na, ginawa ko naman ang magpapakasaya sa akin kahit ilang sandal lang. Pero sana walang makakaalam ng sekreto ko. Na ang kilala nilang Jason na mabait, maalalahanin, matalino, at may karisma ay isang bampira.

--

MARGARETTE POV

Araw na ng paglabas ko sa ospital. Pero dalawang araw na hindi nakakapunta ditto si Jason. Ano na naman ang ginawa ng taong yun? Kaya hindi siya ang kasama ko sa pag-uwi kundi si Kuya Mike. Bahala siya, wala na akong pakialam sa kanya.

"Hoy, tulala ka na naman?" Untag sa akin ni Ate Hannah, girlfriend ni Kuya Mike. Pauwi na kami sa bahay nila Kuya kasi gusto daw muna nina na doon muna ako pansamantala kasi hindi pa ako masyadong maayos.

"Wala lang Ate. May iniisip lang."

"Sino na naman yan ha?" Bulyaw niya, napangisi naman si Kuya Mike na ngayo'y nagda-drive.

"Wala! Hindi mo naman kilala yun."

"Anong hindi?" Singit ni Kuya. "Eh nagkatabi nga yan sa pag-upo sa park nung isang araw." Natatawang sabi niya.

"What? Si Jason ba tinutukoy mo babe?"

"Oo, siya nga." Sagot ni Kuya. Nanlaki ang mata ko.

"Infairness, gwapo naman. Pero mas gwapo ka!" Sabay kutong kay Kuya. Napatawa na lang ako sa kanilang dalawa. So childish of themselves.

"Oy ngumingiti. In love ka ano?" Pang-aalaska ni Ate.

"Huwag ka nga, Ate!"

Pero nabigla kaming dalawa sa lakas ng pagtapak ng break ni Kuya.

"A-ano 'yon?" Nauutal na tanong ni Kuya.

Tumingin naman kami sa harap at nakita namin ang isang bampirang nakatayo at nakangisi ng nakakaloko sa amin. Now, naniniwala na ako sa kanila.

"Just drive back Kuya." Sabi ko sa kanya, kinakabahan na kaming tatlo dito sa kotse niya.

Pinaandar niya yun pero ayaw magstart!

"Walang lalabas!" Sabi ni Kuya sa amin.

Magkahawak kamay na kaming tatlo at nanginginig sa kaba. Pinapawisan na ako ng malamig dahil sa kaba at baka mapahamak kaming tatlo dito. Pero napasinghap kaming tatlo nang may tumapak sa bubong ng kotse ni Kuya. Lumundag siya pababa at nakilala ko kung sino siya, si Lennard, isa sa mga dumukot sa akin noon.

"Ako ang bahala dito. Huwag kayong lumabas!" Sabi niya sa amin.

Nanlaki ang mata ko nang tumakbo siya ng mabilis na parang isang bampira at nilabanan ang isang nakaharap sa amin. Tinusok ni Lennard ang kamay niya sa dibdib nung lalaki at kinuha ang puso nito!

"Ba-bampira?" Nauutal na tanong ni Ate Hannah.

"They're back!" Sabi ni Kuya.

Pinaandar na ulit niya ang kotse at sa wakas umandar iyon at bago naming malagpasan si Lennard, I mouthed 'thank you' at umalis na. Mabilis niyang pinatakbo iyon.

"M-may bampira ulit dito sa lugar natin?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Ate.

"Calm down. Walang may mangyayari sa atin!" Sigaw ni Kuya sa kanya!

Lumingon si Ate sa akin.

"Ikaw Marj, ba't ang tahimik mo dyan?" Tanong ni Ate, umiling lang ako.

Now I know kung bakit may part sa akin na hindi pagkakatiwalaan si Jason. Hindi niya ako masagip. Wala siyang pakialam sa akin. At nung tinanong niya ako kung naniniwala ako sa mga bampira at aswang, at sinabi kong hindi ako naniniwala kung hindi ko pa nakikita, bigla na lang siya nagalit. Ngayong nakita ko na ang katotohanan sa sinabi niya, hindi pa rin ako magtitiwala sa kanya. Kasi in the first place, manloloko siya, hindi niya masabi ang lahat ng tungkol sa kanya. Minsan nga naiisip ko na iba talaga siya sa normal na tao. Yung pag-iba ng mata niya at parang matanda na siya kung makapagsalita pero ang itsura pang teen ager pa rin. Tss.

Kailangan kong malaman ang lahat bago mahuli ang lahat. Ayokong masaktan ulit lalo na kung siya ay nagsisingungaling na naman siya sa akin. At ayokong masali sa listahan ng kalokohan na yun.

"Marj! Hindi ka pa ba bababa?" Bumalik ako sa hwesyo ko nang sigawan ako ni Ate. Dito na pala kami sa bahay ni Kuya.

Binuksan ko ang pinto sa side ko. At sa kabilang side ng kalsada nakita ko siya, may kasamang dalawang matanda at kahit medyo malayo rinig ko pa rin ang usapan nila.

"Anak, saan ba tayo pupunta?" Tanong nung matandang babae.

"Basta po, Ma. Sumunod na lang kayo sa akin."

Sinungaling talaga!

Próximo capítulo