Pinakawalan na rin ni Faith ang tawang kanina pa kinikimkim. Mahina lang yun pero totoo. Kinunutan siya ng noo ni Raimer, mas lalo lang niya yung ikinatawa. Hanggang sa dahan-dahan ng lumiwanag ang mukha nito at nakisabay na sa kanya. Napapailing pa si Faith. She find their situation very funny.
Then Raimer slowly stopped laughing, but an amused smile posted on his lips. Nahuhumaling siya sa dalaga. He realized that this is the first time seeing her laugh. Mas lalong gumanda ito at nakakagaan sa loob. He felt somewhat honoured na nakasama niya itong tumawa.
Biglang tumigil si Faith, pinupunasan ang luha sa kakatawa. Agad natahimik ang buong paligid. Kanina lang nag e-echo pa boses nila.
"What?" Nagtaka siya dahil nakatitig nalang ang binata sa kaniya.
"Nothing." Raimer shook his head para medyo magising ang sarili. "This is the first time i felt at ease with you."
Faith chuckled. Bumangon siya paupo at hinubad ang sapatos. She crossed her legs and look at him again. Alam niyang mabigat nga talaga ang pakiramdam ng lahat sa kanya. Hindi kasi siya nakikisaya sa mga ito. Ni wala siyang close friends sa klase. She can't believe she'll be in this situation. Kasama niya si Raimer at magaan ang pakiramdam niya dito. Hindi hadlang sa kanya na si Rain ang pisikal na anyo nito. Because she felt in wholefully na si Raimer talaga ito.
"Can i sit?" Tanong ng binata.
Tumango siya at sumampa ito sa kama. Nakadistansya pa rin naman sila sa isa't isa kasi sa paanan niya kanina umupo ito.
"So, you're a good actress, huh.." Humarap si Raimer sa kanya.
Agad siyang kinabahan.
"About earlier. Nong nandito pa ang nurse." Dagdag nito.
Napabuntong-hininga si Faith. Yun lang pala ibig-sabihin. Natawa na naman siya. "Ikaw din. You're good at threatening others like him."
Tumawa ito. "Yan lang ata kaya ko sa kanya eh, pero mabigat pa rin sa loob."
Tumango si Faith.
"So.." He cleared his throat. "Pano mo nalamang ako ito? Na si Raimer nga ako." Simula na ng seryusong usapan.
"Too obvious." Maikling sagot niya. Partly true naman yun, di nito kailangang malaman ang abilidad niya.
"Yun lang?" Halatang nabitin ito sa sagot na narinig.
"Yes." Deritsong sagot niya nakatingin sa mga mata nito.
"Saan mo nahalata or nasigurado na ako nga to?"
"Sa order mo non. Akala ko dahil gusto mo lang kainin yung kinakain ng kapatid mo. He never ordered a spaghetti. Halatang ayaw niya. Then in the following day, hindi ka sumingit. You even said 'please' and thanked me." She paused. Mainam itong nakikinig. "He rarely say those."
Bumuntong-hininga si Raimer. Nangungulila siya sa kakambal. "Tama ka." Umiwas na siya ng tingin sa kaharap. "I don't know where he is. Di ako makapaniwalang nangyayari ang ganito sa totoong buhay. All are just, well, too painful to be true."
"I know. And i fully understand." Nakikita niya ang pighati sa mga mata nito, kahit hindi nakatingin sa kanya, ramdam din naman sa boses nito iyon.
"Patay na nga dapat ako. At yung totoong Rain ang nakakasama ng lahat. But, here i am. Nasa katawan niya nabubuhay. Mas lalo akong nasasaktan dahil halos sinisisi ng lahat ang nangyari samin sa kanya. Kung alam lang niya at naririnig ang lahat, sobrang masasaktan yun. Wala naman talaga siyang kasalanan eh. Aksidente yung nangyari. But i can't speak up kasi si Rain ako sa kanilang lahat. I can't even defend my twin brother."
Faith don't know what to do. Habang nagsasalita ito ramdam niya ang sakit sa mga sinasabi nito. She wished she can help. Pero siya mismo ay hindi niya alam pano.
"I'm sorry." He finally look at her, smiling bitterly. "I'm being emotional again. I just can't help myself from telling you because you know the real me. Medyo gumagaan na ang loob ko ngayon dahil atleast, may isang tao na di ko kailangang magpanggap. I can be myself with you."
Nagulat si Faith don at nakaramdam ng saya dahil nakatulong din siya kahit papaano.
"Why don't you tell your family?"
"Because everything would be useless. Hindi na rin mababago na nawala ang isa samin. Also, mas gugulo lang ang lahat. Iisipin pa nila akong baliw."
Tama nga naman ito.
"You should be more like your brother then. Stop being soft and kind. Don't be too respectful also. At dapat nasasangkot ka sa gulo. Be reckless and a fuckboy."
Biglang natawa si Raimer. Di niya inaasahan na maririnig ang huling salita dito. She seemed so innocent to say a word like that.
"Seems like you really know him. Tell me, may sekretong relasyon ba kayo?"
Sinamaan siya ng tingin nito. "Alam mong wala. Pati ng lahat."
Of course, he knew. Pero gusto niya lang kutyain ito. "But how do you know him?"
Faith rolled her eyes. "Why do you kept asking questions that everybody knew the anwer?"
"Okay. Ito nalang. Do you know that he secretly admired you?"
Nagulat siya sa tanong nito. Di niya alam ang isasagot kasi di naman siya sigurado kung seryuso nga yun.
"Hindi naman siya seryuso eh. Iniisip niya kasing nagpapahard to get lang ako. I'm just a challenge to him."
Tumawa na naman si Raimer. Naaaliw na siya sa dalagang kausap. "That's where you're wrong. He trully admired you, well, partly because of what you've said. But there's a deeper reason in it."
Inirapan niya ito. "You are both ridiculous."
"Kaya nga kambal kami."
"Ou na."
Ngumiti si Raimer.
"Masayahin ka talaga no?" Pansin niya sa binata. Magaan lang din kasi ito kausap.
"Ikaw lang nakakapagsabi sakin niyan sa mga nangyayari ngayon. Ngayon lang din uli gumaan loob ko eh. Nakakapagod magpanggap sa harap ng lahat. It's suffocating me."
Tumango siya. Natatamaan kasi siya sa lahat ng sinasabi nito. She realized, they are very much alike in their situations. Puno ng sakit at pagpapanggap nalang ang magagawa.
"Anyway, tama ka tungkol don sa spaghetti, ayaw nga ni Rain non. But it's my favorite. Yung sa ibang kilos naman nya, gagayahin ko na. I'll harden myself then. He have a badboy reputation, magugulat nalang ang lahat kung biglang naging goodboy mula nong mawala kakambal niya."
"That will do as an excuse for him to be good." Isip ni Faith.
"Nah, mas magiging komplikado ang lahat. Magagalit lang sila kay Rain dahil maalala ako."
Tama nga naman ito. "Ou nga."
"So, are we officially friends now?" Nakangiting tanong nito.
Napaisip siya. Mas komplikado kung magiging malapit ito sa kanya. Baka paghinalaan siya nito sa kaya niyang gawin at nakadikit na rin sa kanya si Rain. One of them is more than enough.
"No. I'm sorry, we can't." Bumaba na siya ng kama at nagsuot ang sapatos.
Agad napalis ang ngiti sa labi ni Raimer. Tumayo na rin ito. "Teka.. Kala ko ba okay na tayo?" Nagugulohang tanong sa kanya.
"Hindi pwede ang panay lapit mo sakin." She answered.
"Alam ko. Sekreto lang naman to eh." Pagpupumilit ng binata.
Tumingin uli siya sa mukha nito at nakita ang lungkot sa mga mata. Nakonsensya naman agad siya. "Pag-iisipan ko muna."
"Okay. Sige." Binuksan na ni Raimer ang kurtina. "Okay ka na ba talaga?"
"Sinagot mo na kanina yan diba? Ikaw ata ang pasyente kanina eh."
Napatawa na naman ang binata. Ngumiti lang si Faith.
Nagtuloy sila hanggang sa pintuan at sabay na lumabas.
"Salamat dahil nakipag-usap ka sakin"
"Wala akong choice eh."
Ngumiti ito sa kanya. "I'm really sorry about earlier."
Tumango na lang siya at naglakad na palayo dito. Sinusundan lang siya ng tingin ni Raimer.
"Tapos na kayo mag-usap." Biglang sulpot ni Rain sa tabi niya. Muntik na siya mapasigaw sa gulat. Buti nalang walang ibang nakakita sa reaksyon niya.
"Bwesit ka." Bulalas niya dito. Malayo naman siya sa ibang tao kaya di rin halatang may kinakausap siya.
"I know." Sumasabay ito ng lakad sa kanya. At walang biro sa tono ng boses nito. "I can get through those walls, but i chose not to eavesdrop. So can we talk now?"
Binilisan niya lang ang lakad at di ito pinansin.
Nagsisimula na namang kumulo ang dugo ni Rain. Hinabol niya ito at hinablot ang kamay para humarap sa kanya. Kita niya ang gulat at takot sa mata ng dalaga.
"Ano bang ginagawa mo?! Langya ka, pinapahamak mo ko!" Pabulong na sigaw ni Faith dito. Halos sumabog na siya sa galit, kaba at takot na nararamdaman. Baka makita at malaman ng lahat ng kaluluwa na pwede siyang hawakan at makausap. Nananahimik na siya sa bagong buhay na ginawa niya. At hindi siya papayag na sa isang hawak lang ni Rain ay mawawasak uli lahat.